Chapter 2

213 137 1
                                    

Pagkauwi ko sa bahay, wala man lang pumansin sa pagdating ko. Sabagay wala naman talaga silang pakielam sa akin. Isa lang naman akong hangin sa kanila. Nararamdaman pero hindi pinapansin. Well sanay naman na ako. Halos 2 taon na rin naman ang nakalipas, hindi pa ba ako masasanay?

Umakyat na ako sa kwarto ko. Naagaw ang atensyon ko ng mga larawang nakadiplay sa lamesa ko. Larawan, kung saan naalala ko yung mga masasasayang nangyari sa buhay ko noon. Ang mga masasayang panahon na isa na lamang magandang ala-ala. Nakita ko ang mga larawan, mga larawan na kasama ko ang pamilya at kaibigan ko. Kaibigan? Oo meron ako nyan noon. Pero nakakalungkot isipin na ang mga taong mahal ko ay para lang isang anino, kasama ko sa masasaya't maliwanag na parte ng buhay ko. Pero habang dumidilim, unti unti silang naglalaho.

Flashback

"Aya, totoo ba? Ikaw ba talaga ang may kasalanan kung bakit nagpakamatay si ate Elise?"

"Ikaw ba talaga ang may kasalanan ng lahat?"

"Aya, bakit? Paano mo nagawa yun?"

Ayoko na, ulit ulit nang tinatanong sa akin ang mga bagay na yan. Nakakasawa na. Hindi ako umimik. Kahit gustung gusto kong ipagtanggol ang sarili ko, hindi ko magawa kasi natatakot akong hindi nila ako paniwalaan. Natatakot akong pagdudahan nila ako.

"So, Aya totoo nga?!"

"Hindi kami makapaniwalang magagawa mo yon"

"Aya, wala kaming kaibigan na katulad mo!!"

Wala akong magawa kundi umiyak. Sobrang sakit yung pati yung mga kaibigan ko mawawala din sa akin. Pero kahit umiyak ako nang umiyak, wala na akong magagawa pa.

End of Flashback

Sobrang hirap masisi sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Hindi ko maipagtanggol ang yung sarili ko kasi natatakot akong hindi paniwalaan ng iba, natatakot ako sa ma sasabihin nila tungkol sa akin. Ang hina hina ko, masyado akong duwag, hindi ko man lang malinis ang pangalan ko. Hirap palang tumayo kapag mag isa ka nalang. Ni wala man lang gumabay sa akin para tumayo at bumangong muli.

Sana balang araw may taong dumating na iintindi sa akin, na matatanggap kung sino at ano ako. Yung hindi ako iiwan sa madidilim na panahon ng buhay, yung aalalay sa akin tuwing gustung gusto ko nang sumuko.

Pero imposibleng may darating na ganoon sa buhay ko. Kasi lahat sila galit sa akin, lahat sila hinuhusgahan ako. Sa bawat panahon na lumilipas, unti unti nila akong nilulubog pababa. Tinatapaktapakan nila ang pagkatao ko. Gusto ko nang sumuko pero eto parin ako, pimipilit maging malakas kahit ayoko na talaga, kahit gusto ko nang sumuko. Naniniwala kasi ako na balang araw, matatapos din lahat ng sakit na nararanasan ko ngayon. May katapusan din lahat ng ito.



Unappreciated Where stories live. Discover now