Chapter 8

94 64 0
                                    

Nagising ako nang biglang tumunog ang alarm clock ko. Naalala ko bigla na may pupuntahan nga pala ako. Sisimulan na nga pala namin ni Lance yung project namin.

Naligo na ako at nagsimulang magbihis. Simple lang naman ang damit na sinuot ko, jeans plus green shirt at white na converse. Ayos na siguro to, gagawa lang naman kami ng project at hindi magdadate. Magpapaalam pa kaya ako kina Mama at Papa? Huwag na siguro. Wala naman silang pakielam sa akin diba, bakit pa ako magpapaalam sa kanila. Aalis na sana ako nang bahay namin pero nagulat ako ng bigla nalang nag salita si Mama.

"Hoy bata ka, saan mo naman balak pumunta huh?!" masungit na tanong ni Mama sa akin habang nakataaas ang kanang kilay niya.

"Baka may kalandian na naman yang bago." mataray na sabi ni Papa habang patuloy pa ring binabasa ang hawak niyang dyaryo.

Gusto kong i-defend ang sarili ko pero hindi ko talaga kaya. Ayoko silang patulan baka kasi mas lalo pang lumala ang sitwasyon pag ginawa ko yun. Baka mas lalong lumaki yung galit nila sa akin. Baka mas lalo kang nila akong kamuhian.

Pilit ko paring pinigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. Kahit na nasasaktan ako kailangan ko paring ipakita sa kanila na hindi ako nasasaktan, na malakas ako, na hindi ako naapektuhan sa mga masasakit na salitang sinasabi nila sa akin.

Tuluyan na akong lumabas nang bahay namin. Pilit kong kinakalimutan ang mga masasakitna salitang binitawan nila, ng mga magulang ko. Pero bakit ganun, ang sakit sakit parin. Awang awa na ako sa sarili ko. Sa sarili kong patuloy sinasaktan at hinuhusgahan nang iba. Tama na, masyado nang masakit baka hindi ko kayanin. Ayoko na, tama na.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na umiyak. Tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang kumawala sa mga mata ko.

"P-panyo oh," nagulat ako nang may bigla akong nakitang panyo sa harapan ko. Agad kong itinaas ang ulo ko para tignan kung sino itong nag-aabot nang panyo sa akin.

Nagulat ako nang makita kung sino yun. Nagulat ako dahil si Lance ang taong nag-aabot ng panyo sa akin.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang niyang tanong sa akin.

Tumango ako at saka binigyan siya ng isang matamis na ngiti bilang sagot.

"Alam mo ba Aya, mas espesyal ang mga luha kaysa sa ngiti," seryosong sabi ni Lance sabay tingin ng deretso sa mga mata ko.

"Huh, bakit naman?" sabi ko sabay iwas ng tingin. Nakakailang kasi masyado ang mga tingin niya.

"Kasi ang luha, ibinibigay lang natin yan sa mga taong mahal natin hindi katulad ng ngiti na pwede mo lang ibigay kahit kanino."

Unappreciated Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt