Chapter 10

86 48 6
                                    

Sa Ampunan....

Alam ko na kung bakit ako dinala ni Lance dito. Siguro kasi alam niya na pwedeng dito namin malaman ang perfect definition ng love at happiness.

Nakakatuwang pagmasdan yung mga bata kasi ang saya saya nila. Yun bang kahit iniwan na sila ng mgamagulang nila, masaya parin sila kasi alam nilang marami parin ang nagmamahal sa kanila. yun bang itunuturing silang pamilya kahit hindi sila magkakadugo. kung tutuusin, mas maswerte pa nga sila sa akin, kasi kahit wala na silang mga magulang, marami pa rin ang nagmamahal sa kanila. Eh ako, may magulang nga pero parang wala naman. Andyan ng sila sa tabi ko pero hindi ko naman ramdam. Kasi sila mismo na kadugo ko, pinararamdam sa akin na hindi nila ako mahal, na wala naman akong halaga sa kanila.

"Nakakatuwa naman sila," natutuwang sabi ko kay Dylan.

Nilapitan ko ang isang batang babae na sa tingin ko ay pitong taong gulang pa lamang.

"Hello, ang cute mo naman. Ano name mo?" bati ko sa batang babae.

"Therese po ang name ko. Ikaw po ate, ano po name mo?" tanong sa akin ni baby Therese.

"Aya ang name ko. Tawagin mo nalang akong ate Aya, okay ba yun?"

"Oo naman po ate Aya," nakangiting sabi ni baby Therese.

Inaya ako ni Therese sa may playground part ng ampunan.

Naisip ko lang, ano kaya ang meaning ng love at happiness sa mga bata.

"Therese, alam mo ba kung nasaan na ang mga magulang mo?" tanong ko kay baby Therese. Nacucurious lang kasi ako kung nasaan na kaya yung mga magulang niya.

"Hindi po ate, pero alam ko pong iniwan nila ako dito sa ampunan kasi mahal nila ako. Ganun naman po diba yung mga magulang natin, gusto lang naman po nila kung anong makabubuti para sa atin," sabi ni Therese. Ang swerte ni Therese dahil ganung klaseng magulang ang meron siya.

Buti pa nga siya, ang positive nga sa mga bagay bagay. Kahit na iniwan sya nung mga magulang niya, naiintindihan niya yung rason nung mga magulang niya kung bakit nila ito nagawa. Ang swerte niya kasi kahit malayo yung mga magulang niya sa kanya, alam niyang mahal na mahal parin siya.

Minsan nga siguro iiwan tayo nung mga taong mahal natin pero hindi ibig sabihin nun na hindi na nila tayo mahal. Siguro kasi kaya nila nagawa yun kasi may dahilan. At yung dahilan na yun ay para rin naman sa ikabubuti natin.

-----------------------------------------------------------

xx3rd personxx

Tanaw na tanaw ni Lance si Aya habang masayang masaya na nakikipaglaro at nakikipag-usap kay baby Therese. Napangiti na lamang si Lance dahil ito ang unang beses na nakita niya si Aya na ganun ulit kasaya. Madalas kasi niyang nakikita si Aya na malungkot o kaya naman ngumingiti, ngumingiting pilit.

'Sana nga matulungan ko si Aya na sumaya ulit. Sana maibalik ko ulit ang dating matatamis na ngiti ni Aya sa mukha niya,' sabi ni Lance sa kanyang sarili.

Gusto nya rin kasing maibalik sa dati si Aya. Gusto niyang makabawi dahil isa siya sa dahilan kung bakit mga ba nagka-ganyan si Aya. Alam niya kasing isa siya sa may kasalanan ng lahat.

-----------------------------------------------------------

xxAyalissexx

Ngayon lang ulit ako naging ganito. Ngayon kang ulit ako maging ganito kasaya. Ngayon feeling ko, isang mahalagang parte ng buhay ko ang araw na ito. Ngayon lang kasi ulit ako ngumiti. Yung ngiting totoo, hindi peke. Ngayon ko lang ulit nalabas kung ano nga bang tunay na nararamdaman ko nang hindi iniisip kung ano nga bang sasabihin o iisipin nang iba sa akin.

Tama nga sila, hindi ka talaga tuluyang magiging masaya kung lagi mong iniisip kung ano nga ba yung simasabi o iniisip nang iba tungkol sayo. Dapat matuto ka ring hindi pansinin yung mga sinasabi nila. Kasi kung hahayaan mo yung sarili mo na maapektuhan sa mga sinasabi nila, lalo ka lang masasaktan. At tuluyan kang hindi magiging masaya.

Ngiti lang, magpakamanhid. Hayaan mo lang sila na siraan ka. Hindi mo rin kasi sila mapipigilan eh. Kahit anong gawin mo lagi naman silang may binabatong masasamang salita tungkol sa'yo.

Kinuha ko ang isang notebook ko atsaka sinulat ang,

"Para maging masaya ka, wag mo hahayaang maapektuhan ang kasiyahan mo dahil sa kanila. Just smile."

Hayy si God na ang bahala sa kanila. Basta alam mong wala kang ginagawang masama, ikaw ang tama.

Unappreciated Where stories live. Discover now