Chapter 13

18 0 1
                                    

xxAyalissexx

Bakit ganon? Tinatanong ko ang sarili ko kung ano ba ang nagawa ko kay Sheila. Bakit? Anong dahilan kung bakit siya nagkakaganoon. Ang hirap naman kasing intindihin. Yung parang bigla nalang siyang magagalit na para bang ang laki ng nagawa kong mali. Bakit biglang nagbago yung ugali niya? Bakit naging iba yung trato niya sa akin? Ang bilis pala talagang magbago ng isang tao, parang oras lang. Nagbabago ng hindi natin namamalayan. Nagbabago nalang bigla. Nagbabago ng hindi natin alam ang dahilan. Pero narealize ko na hindi ko pa nga pala talaga siya ganoon kakilala. Ang alam ko lang ay kung ano ang pangalan niya yun lang. Pero hindi ko alam kung ano nga ba ang ugali niya. Hindi ko alam kung sino ga ba ang totoong Sheila, hindi ko alam kung ano nga ba ang tunay nyang kulay. Yun kasi ang problema sa atin, nagtitiwala tayo sa mga taong hindi pa naman natin ganoon kakilala. Madalas tayong nagtitiwala sa mga taong akala natin totoo, na akala natin karamay natin pero hindi pala. Kasi at the end, tatraydurin lang din naman nila tayo. Sana hindi ganun si Sheila. Sana hindi.......

xxLancexx

Sobrang nakakaaawa si Aya, hindi naman nya kasi deserve maranasan yung mga bagay na yun. Hindi naman niya deserve masaktan ng sobra. Napaka-unfair talaga ng buhay, kung sino pa yung walang kasalanan, sila pa yung nagsdudusa sa pagkakamaling hindi naman sila ang may gawa. Nakaawa si Aya, nakaawa dahil maling tao yung nahusgahan ng lahat. Hindi naman sya yung dapat husgahan, pinagbibntangan nila yung isang inosente. Yan kasi ang hirap sa tao, nanghuhusga kaagad sila kahit hindi naman talaga nila alam kung ano nga ba yung totoong nangyari. Hindi kasi lahat ng pinaniniwalaan mo, totoo talaga. Hindi natin alam kung ano ng ba yung totoong kwento. At minsan, kung sino pa talaga yung mali, sila pa yung inaakala nating tama. Sila pa yung inaakala nating Santa. Ganun makapanlilang ang mundo, nangyayari ang mga bagay na hindi naman talaga natin inasahan.

Kung nagkamali man ako noon, susubukan kong itama ito ngayon. Dahil kahit kailan, hinding hindi matatama ng isang mali at ang isa pang mali. Hinding hindi ko na hahayaang maulit pa ang mga bagay na hindi na dapat mangyari pa ulit.

Sometimes you just gotta be your own hero and save your own little heart. Because sometimes, the people you imagine can't living without with, can actually live without you.

Maraming mapanlinlang, kaya ikaw, mag-iingat ka.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unappreciated Where stories live. Discover now