Chapter 5

131 97 3
                                    

Lumipas pa ang mga araw na mas lalo kami naging close ni Sheila, bestfriend ko na nga siya eh. Pinagkakatiwalaan ko siya ng sobra kasi ganun naman talaga ang magkaibigan diba? Pinagkakatiwalaan ang isa't isa. Madami narin akong naishare sa kanya, ang mga bagay na tungkol sa akin. Tuwing nagshashare ako, gumagaan ang pakiramdam ko. Masaya nga ako eh, kasi simula nung naging kaibigan ko si Sheila, hindi na ako nabubully. Takot lang nila kay Sheila, palaban kaya bestfriend ko.

Naglalakad ako mag isa, hinihintay ko kasi si Sheila, pupuntahan ko nga pala siya sa washroom. Habang nasa may pinto na ako nung washroom, may narinig akong nag uusap sa loob. Nakakahiya naman kung papasok ako dun eh nag uusap pa sila, dito na lang muna ako sa may labas. Tinago ko yung sarili ko sa likod ng pinto, baka kasi mamaya akala nila nakikinig ako sa usapan nila mahirap na. Habang nag uusap sila, hindi ko maiwasang marininig yung pinag uusapan nila. May tenga kaya ako!

"So girl, hanggang kelan ka ba makikipag plastikan dun sa babaeng yun"

"Well, di ko pa alam kung hanggang kelan. Madami pa akong plano para sa kanya. At sisiguraduhin kong masasaktan siya sa mga gagawin ko huh, tignan lang natin. Kung miserable na ang buhay niya ngayon, mas gagawin ko pa itong miserable."

"Galing mo talaga girl, kaya proud kami sayo eh"

Iyan ang mga salitang narinig ko. Grabe naman sila, ang sasama ng ugali. Pero teka, para kasing pamilyar yung isang boses na narinig ko. Pinag isipan ko kung kanino nga bang boses yun. Teka, parang alam ko na kung kanino kasi boses yun ni Sheila.

Mas tinago ko pa yung sarili ko aa likod ng pinto, baka mamaya mahuli pa ako nito, lagot na.

"Let's go na girl, baka hinihintay ka na nung pinaplastik mo haha"

"Hali ka na, baka mamaya magduda pa yun. Pano na yung mga plano ko."

Tumulo ang luha ko, ako ba yung tinutukoy nila? Sana naman hindi, ayoko nang mawalan ng kaibigan, ayoko na ulit mag isa. Nung napansin kong nakalayo layo na sila. Naglakad na rin ako, tama nga ang hinala ko, si Sheila nga yung babaeng narinig kong nagsasalita kanina. Maya maya pa, nakarating na rin ako sa may rooftop. Nadatnan ko si Sheila na nakaupo sa favorite spot namin. Kinawayan niya ako kaya agad naman akong lumapit sa kanya.

"Oh, Aya san ka nga pala nanggaling?" agad na tanong sa akin ni Sheila nang makaupo kami.

"Ah, pinatawag lang ako ni Ma'am, may pinagawa lang" pagsisinungaling ko naman

"Ah ganun ba? Sige kain na tayo" sabi naman ni Sheila.

Nagpatay malisya nalang ako sa mga narinig ko kanina. Baka naman kasi mamaya hindi naman ako yung tinutukoy dun, baka mamaya nag aassume lang pala ako. Hindi pa naman sigurado eh. Wala naman akong ebidensya.

"Piliin mo ang mga taong pagkakatiwalaan mo, baka kasi mamaya, saksakin ka nyan patalikod"

Unappreciated Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon