Chapter 11

50 30 0
                                    

xxLancexx

Kasalanan ko ang lahat

Kasalanan namin ang lahat

Kung maibabalik ko lang sana ang panahon, hindi ko hahayaan na mangyari ang lahat ng ito kay Aya.
Masyado akong duwag, natakot akong tulungan si Aya, natakot ako na baka mapahamak ako. Naaawa na ako kay Aya. Hindi niya dapat nararanasan ang lahat ng ito. Kailangan nilang makamit ang hustisya. Ang pagkamatay ni Elise at yung sakit at hirap na nararanasan ni Aya ngayon. Pero ang una ko munang dapat gawin ay ang protektahan si Aya kay Sheila. Masyadong delikado ang buhay ni Aya kay Sheila.

xxAyalissexx

Gabi na rin nung nakauwi ako. Hinatid na nga ako ni Lance sa bahay namin. Masyado na raw kasing delikado kung uuwi ako mag-isa. Nung narinig ko ang mga salitang iyon sa kanya, aaminin kong natuwa ako. Kasi buti pa siya concern sa kalagayan ko diba.

"Lance dito nalang ako. Maraming salamat talaga," sabi ko kay Lance atsaka ako ngumiti.

"Sige, tutuloy na ako" paalam ni Lance

"Ingat ka ah, bye"

Pagkapasok ko sa bahay namin, nakakapagtaka parang walang tao sa loob. Hindi katulad mang dati kong nadadatnan. Dati kasi pag dumadating ako, nandyan sila at saka ako sesermunan. Baka tulog na sila. Sabagay gabi na rin kasi.

Linggo nga pala bukas. Plano ko sanang mag-simba. Gusto ko kasing pasalamatan ang Diyos dahil ang dami kong nakunang biyaya sa kanya ngayon. Magsisimba nga lang pala akong mag-isa, panigurado naman kasing hindi nila ako sasamahan.

Bago ako matulog, nagsulat muna ako sa notebook ko. Sinulat ko na,

"Kapag mahal ka, pahahalagahan ka. Hindi ka pababayaan, hindi ka hahayaang masaktan."

Sunday

Bagong umaga na naman. Bagong yugto na naman ng buhay ko. Bagong pag-asa. Naalala ko na magsisimba nga pala ako ngayon. Ala-sais pa lang. Mas masarap kasing magsimba nang maaga. Mas payapa hindi katulad kapag late na, masyado nang maraming tao.

Duon ako sa may harapan naupo. Mas feel ko kasi magsimba kapag dun ka sa mismong harapan nakaupo. Marami akong katabing mga matatanda na. Nakakatuwa nga eh, kasi kahit matatanda na sila, kahit nahihirapan na silang kumos hindi parin sila tumitigil sa pagsisimba. Lagi parin silang lumalapit sa Panginoon.

"Ang tunay na kasiyahan ay magsisimula sa'yo. Magsisimula sa sarili mo. Kung ifofocus mo lang ang sarili mo sa mga positibong bagay, mas magiging masaya ka. Pero kung lagi ka lang mag-fofocus dun sa mga negatibo ay kailanman hindi ka magiging masaya. Dahil imbis na maging masaya ka, sisirain lang nito ang buhay mo. Siraan ka man nila ng maraming beses huwag kang magpapaapekto dahil mas kilala mo ang sarili mo. Mas kilala mo kung sino at ano ka."

Natamaan ako sa homily ni Father. Sapul na sapul nga eh. Pero paano kaya akong magiging masaya kung marami namang nakapaligid sa akin na mga negatibonh tao. Yung tipong kahit saan ka magpunta, andyan sila. Sabagay hindi naman kasi naiiwasan yun. Hindi naman nawawala yung mga taong ganon sa buhay natin. Positive lang siguro dapat tayo always.

Natapos na ang misa pero hindi ko alam kung saan pa nga ba ako pwedeng pumunta. Maglalakad-lakad na nga lang ako dito. Wala akong gumawa kundi lumingon lingon. Tumingin tingin sa mga masasayang pamilya na nandito. Buti pa nga sila masaya, magkakasama, nagkakaintindihan. Swerte nila kasi mayroon silang ganung klaseng magulang. Yung magulang na iintindi sa nararamdaman nung anak nila. Yung magulang na dinadamayan yung anak nila. Yung ganong klaseng magulang. Sana meron din ako nun. Sana, kaso imposible naman. Parang imposibleng patawarin nila ako.

Unappreciated Where stories live. Discover now