Chapter 9

103 63 0
                                    

Gumaan narin ang pakiramdam ko, kahit papaano. Hindi masyadong masakit. Kapag pala kasi mabigat ang loob mo, kailangan mo lang yun ilabas para gumaan ang pakiramdam mo.

"Ayos ka lang ba?" concern na tanong ni Lance.

"Ah, oo salamat nga pala," mahina kong sabi habang nakatingin sa ibaba. Hanggang ngayon kasi medyo naiilang parin ako kay Lance.

"Ano ba kasing nangyari, bakit ka umiiyak kanina," tanong ni Lance.

"Ang sakit kasi eh, yung napakasakit nilang magsalita. Yung lalaitin nila ako mismo sa harap ko. Wala naman akong ginagawang masama eh, pero bakit ganun yung trato nila sa akin. Na para bang hindi ako naapektuhan sa mga masasakit na salitang binabato nila sa akin."

Hindi ko napigilan ang sarili ko at tuluyan nang umiyak. Sobrang nasasaktan kasi talaga ako tuwing naaalala ko yung mga pinagsasasabi nila sa akin kanina.

"Shh tahan na, huwag kang mag-alala magiging maayos rin ang lahat." sabi ni Lance sabay yakap sa akin.

First time na may gumawa sa akin nang ganito. Yun bang icocomfort ako tuwing nasasaktan ako. Nasanay na kasi ako na sarili ko kang yung kasama ko tuwing down na down ako. Pero ngayon, nakakatuwang isipin na may nandito sa tabi ko, na pinaoagaan ang loob ko. Sana tumigil na lang yung oras. Sana lagi nalang ganto. Sana lagi nalang ako may kasama. Sana lagi nalang may tao sa tabi ko. Sana hindi na ulit ako mag-iisa.
~~~~~~~~~~~

Lakad lang kami nang lakad ni Lance. Patuloy lang kaming naglalakad kahit hindi namin alam kung saan kami papunta.

Napatigil ako bigla sa paglalakad dahil may nakakuha bigla ng atensyon ko. Nakakita kasi ako nang isang pamilya na masaya. Yung pamilyang magkakasama at buo. Nakaka-inggit sobra. Buong buhay ko kasi hindi ko naman naranasan magkaroon ng ganyang klaseng pamilya. Madalas kasing nagkakaroon ng problema ang pamilya ko. Madalang na madalang yung panahon na magkakasama kaming lahat. Minsan iniisip ko na sana ganyan na lang kami kasaya. Na sana ganto, sana ganyan. Puro nalang 'sana' pero wala eh, hanggang pangarap nalang talaga. Kasi kahit anong gawin ko, hindi na naman kami mabubuo at magiging masaya. Wala nang pag-asang mangyari pa yun.

"Aya, aya" bigla akong natauhan nang naramdaman kong may tumatapik sa akin sabay tawag nang pangalan ko. Humarap ako kay Lance na may tingin na para bang nagtatanong kung ano nga bang nangyayari.

"Kanina pa kaya kita kinakausap pero tulala ka lang dyan. Tsk sayang lang ang laway ko," nanghihinayang na sabi ni Lance.

"Pasensya na, may naalala lang kasi ako," sabi ko sa kanya sabay peace sign.

"Hay sige na nga, oo na. Naisip lo lang kasi bakit kaya hindi tayo magpunta nang ampunan?" tanong ni Dylan.

"Huh, ano namang gagawin natin dun?" tanong ko naman pabalik sa kanya.

"Basta, basta. Ano halika na?"

Unappreciated Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon