Chapter 4

148 99 3
                                    

"Mag ingat ka sa mga taong pagkakatiwalaan mo."

Simula nung araw na yun, lagi ko nang kasama si Sheila, sabay kaming kumakain tuwing lunch, sabay kaming naglalakad sa hallway. Close na nga kami eh, madalas kaming nagkekwentuhan ng kung ano ano. At eto kami ngayon, kasalukuyang nakatambay sa mat rooftop, sa favorite spot namin.

"Grabe bes, sikat na tayo oh, lagi nila tayong pinagchichismisan" sabi ni Sheila. Eh totoo naman kaya, tuwing dadaan kami eh grabe kung makabulungan yung mga tao dito.

"Oo nga bes eh HAHAHAHA" tumatawang sabi ko.

Simula nung nakasama ko si Sheila, pakiramdam ko hindi na ako nag iisa. Pagkatapos kasi ng mahabang panahon, nagkaroon muli ako ng kaibigan. Kaigan na mapagkakatiwalaan ko, kaibigan na totoo, sobrang sarap sa pakiramdam. Masaya pala talaga pag may kakampi ka, kasi kahit ano man ang sabihin ng iba sayo, kahit siraan ka man nila ng maraming beses, hindi ka maapektuhan kaso alam mong may naniniwala parin sayo. Kahit sandali ko palang siyang nakilala, malaki na agad ang tiwala ko sa kanya.

"Bes, wag kang maooffend ah? May gusto kasi akong itanong sayo. Okay lang ba?" tanong sa akin ni Sheila.

"Oo naman bes, tungkol saan ba?" tanong ko naman sa kanya.

"Tungkol sana sa pagkamatay ng ate mo? Okay lang ba?" nag aalangang tanong ni Sheila.

Tumango nalang ako bilang sagot. Oo aaminin ko, medyo sensitive pa ako tungkol sa topic na yun. Kahit na matagal na kasi yung nangyari, hindi pa rin ako nakakamove on. I'm already stuck with my past and I can't find a way how to escape. Isang nakaraang hindi ko matakasan, isang nakaraang patuloy pa rin akong binabangungot araw araw.

"Ano ba talagang nangyari sa ate mo?"
tanong sa akin ni Sheila. Yung tanong na yun, ay yung tanong na pilit kong tinatakasang sagutin. Kahit ako kasi mismo sa sarili ko, hindi ko talaga alam kung ano nga ba ang totoong nangyari kay ate. Pero pinilit ko paring sagutin ang tanong na iyon ni Sheila.

"Nagpakamatay si ate dahil sa akin, sa akin kasi nagkagusto ang pinakamamahal niya na si kuya Ethan. Sobrang sakit, sobrang hirap ang dinanas ko nung mga panahin na yun." sabi ko. Hindi ko namalayang tuluyan na palang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. Ito yata ang unang beses na nag open ako sa isang tao tungkol sa topic na yun. Sabi ko nga kanina, medyo sensitive pa talaga ako. Pagkatapos kong mag share kay Sheila ng nararamdaman ko, agad niya naman akong kinomfort.

"Huwag kang mag alala Aya, nandito ako, kaibigan mo ako." sabi pa niya sa akin. Gumaan ang loob ko pagkatapos kong marinig ang mga salitang iyon kay Sheila. Parang ang sarap mag open nang mga nararamdaman mo kapag alam mong may kaibigan kang handang makinig at magbigay ang advice sa mga problema mo kasi ang gaan sa pakiramdam.

"Pwede pa ba akong mag share?" tanong ko kay Sheila.

"Oo naman andito lang ako, handang makinig at magpayo sa mga problema mo" sabi naman ni Sheila.

"Alam mo ba nung mga panahon na yun, yung panahong namatay si Ate. Nung mga panahong nagalit at sinisi ako ng lahat. Nung mga panahong sobrang naging miserable ng buhay ko. Sobrang sakit nung naranasanan ko. Sobrang hirap nung mga panahong ako nalang mag isa." malungkot na sabi ko sa kanya.

"Huwag kang mag alala, andito ako para damayan ka,mapagkakatiwalaan
mo ako" sabi naman sa akin ni Sheila

Ang saya saya ko. May kaibigan na ako. May kakampi na ako. Hindi na ako nag iisa kasi andyan na si Sheila.

Unappreciated Where stories live. Discover now