Chapter 6

108 70 8
                                    

Esp Time

"So today, i-eexplain ko lang yung gagawin nyong group activity. By pair ang groupings na napili ko. Ipopost ko yung groupings later dito sa board bago ako umalis. So ang gagawin nyo lang is kailangan nyong idefine kung ano nga ba ang definition nang 'love' at 'happiness' sa inyo," page-explain ni ma'am sa gagawin namin.

Love? Happiness? Pano ko naman yun ide-define kung ngayon mismo hindi naman ako masaya. Kung ngayon mismo wala namang nagmamahal sa akin hayy. Bakit pa kasing kailangan idefine yun eh.

"Bibigyan ko kayo ng 2 weeks para hanapin kung ano nga ba ang definition ng 'love' at 'happiness' sa inyo. Magtutulungan kayong magpartner para mahanap ang the best definition nung dalawang iyon sa inyo. Do you understand class?" tanong ni ma'am sa aming lahat.

"Yes ma'am," sagot naman nang buong klase sa kanya.

"That's all for today class. Goodbye and Thank you," sabi ni ma'am atsaka lumabas ng classroom namin.

Agad namang nagsitayuan ang mga kaklase ko para tignan yung groupings sa board. Kaya sumunod narin akong tumayo. Sana naman si Sheila yung kapartner ko oh. Hinanap ko agad ang pangalan ko sa listahan, pati narin yung pangalan ni Sheila.

Chloe Forteza ang Sheila Jen Del Prado

Ayalisse Reyes and Lance Mercado

Hay nako, ano ba yan. Bakit hindi oa si Sheila ang nakapartner ko. Di pa naman kami close ni Lance. Kung minamalas ka nga naman oh.  Agad naman akong bumalik sa upuan ko pagkatapos kong tignan yung groupings sa board.

"Hello, Aya. Magkagrupo pala tayo. Pwede na ba nating simulan mamaya?" sabi ni Lance na ikinagulat ko kaya naman hindi agad ako nakasagot.

"A-ah s-sige," kinakabahan kong sagot sa kanya.

"Sige pumunta ka nalang sa may park mamayang 4 pm. Bago mag uwian. Okay?" mahinahong sabi ni Lance.

Tinanguan ko nalang si Lance. Nakita ko na kasi si Sheila sa may pinto. Inaaya akong kumain ng lunch, lunch time na kasi. Tatayo na sana ako pero nagulat akong bigla nang nagsalita si Lance.

"Mag iingat ka kay Sheila, Aya" seryosong sabi ni Lance atsaka umalis.

Tumaas ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Ano bang ibig sabihin nun? Ako mag iingat kay Sheila? Bakit naman? Ano ba ang meron kay Sheila na hindi ko alam. Hanggang ngayon, hindi ko parin maiiwasan ang sarili ko na isipin yung mga sinabi ni Lance kanina.

"Mag iingat ka kay Sheila, Aya"

"Mag iingat ka kay Sheila, Aya"

"Mag iingat ka kay Sheila, Aya"

Nagulat nalang ako nang bigla akong sinampal ni Sheila ng mahina.

"Bes, ano bang nangyayari sayo. Kanina ka pa tulala ah. May nangyari ba kanina? Parang ang lalim kasi ng iniisip mo,"  nag aalalang sabi ni Sheila.

"Ah, iniisip ko kang kasi kung paano yung gagawin namin ni Lance sa project natin sa Esp," pagsisinungaling ko kay Sheila.

"Si Lance ba yung kapartner mo?" nanlaki ang mata ni Sheila habang tinatanong iyan. Mukang gulat na gulat siya. Bakit naman kaya?

"Oo, bakit?" nakakunot noo kong tanong.

"Mag iingat ka kay Lance, Aya"

What! Ang gulo. Kanina si Lance ang nagsabi sa akin nyan na mag iingat ako kay Sheila. Tapos ngayon ang sabi naman ni Sheila mag iingat ako kay Sheila. Ang gulo naman. Ano ba kasi yung nangyari na hindi ko alam?




Unappreciated Where stories live. Discover now