Chapter 3

194 122 0
                                    

Umaga na naman, simula na naman ng kalbaryo ko. As usual, pagkapasok ko ng gate, bumungad agad sa akin ang mga chismosa sa paligid. Araw araw naman eyh. Nakakapagtaka nga't hindi parin silang nagsasawang ichismis ako sa iba. Habang naglalakad ako sa hallway, hindi ko napansing may nabangga na pala ako. Nagkalat tuloy ang mga librong dala dala niya.

"Sorry hindi ko sinasadya" sabi ko sabay tulong sa kanya sa pagpupulot ng mga nagkalat na libro.

"Pasensya na, hindi rin ako tumitingin sa dinadaanan ko" sabi naman niya sa akin

Nginitian ko na lamang siya bilang sagot.

"Ako nga pala si Sheila, you are Aya right?" tanong ulit niya sa akin

"Oo, magkaklase tayo diba?" tanong ko naman sa kanya.

"Oo, sabay na tayo? Okay lang ba sayo?" sabi niyang muli.

Tumango nalang ako at sabay kaming naglakad ni Sheila. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Nakakatuwang isipin na kinakausap niya ako kahit kinamumuhian na ako ng lahat. Sana lahat ng tao katulad nalang niya, katulad niyang hindi mapanghusga.

Dahil nga sabay kami ni Sheila na pumasok sa room, nagulat silang lahat. Well sino ba namang hindi magugulat. Gulat na gulat sila na kasama ko si Sheila, isa lang naman kasi yan sa mga sikat dito. Actually, isa yan sa mga kaibigan ni ate, nakapagtataka nga kung bakit niya ako kinausap eh.

"Hayaan mo na sila" tukoy ni Sheila sa mga kaklase naming patuloy paring nagchichismisan.

Napaka insensitive nila, parang wala dito yung pinag uusapan nila. Tao din naman ako, nasasaktan, nahihirapan, natutuwa, sumasaya. Parang hindi na tao yung tingin nila sa akin eh. Akala ba nila hindi ako nasasaktan? Akala ba nila hindi ako naapektuhan sa mga sinasabi nila? Akala lang nila yun, kasi hindi naman nila alam yung pakiramdam nang ulit ulit na hinuhusgahan. Nakakasawa na. Akala yata nila manhid ako, na wala akong nararamdaman. Pero sobrang nagkakamali sila, kasi pinapakita ko lang na malakas ako, na hindi ako naapektuhan pero deep inside sobrang nasasaktan na ako, sobrang naapektuhan na ako. Sa bawat masasamang salitang binabato nila sa akin, sobrang laki ng impact sa akin nun, hindi lang nila alam. Kasi ang alam lang nila ay ang husgahan ako kahit hindi naman nila alam kung ano talaga yung nangyari.

Minsan nga iniisip ko na wala ba talagang naniniwala sa akin? Wala ba talagang kakampi sa akin? Kahit isa wala ba talaga? Mahirap pala kasi yung tinatago mo lang sa sarili mo kung anong nararamdaman mo, kung ano yung mga problemang kinakaharap mo sa araw araw. Gusto ko mang magshare, wala naman akong mapagshasharean kasi wala namang makikinig sa akin.

Kaya kayo swerte kayo kasi may kaibigan kayong handang makinig sa mga problema nyo sa buhay. Hindi man sila madami, atleast totoo sila sayo. Mahalin at pahalagahan nyo sila kasi sa panahon ngayon, konti nalang ang mga taong totoo.

Unappreciated Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon