Chapter Eight

202K 7K 998
                                    


8: Light’s off
-

Rain’s POV

Wrong decision. Bakit ako nanghiram ng damit kay Ayesha? Hindi ko siya nasabihan na hindi ako nagsusuot ng dress, pero ito ako ngayon. Pinahiram niya ako ng longsleeve fitted dress na kulay pula. Masiyadong masikip at hindi ako makakilos ng maayos.

“Hindi ba masiyadong maigsi ‘to? At saka kailangan ba nakaheels?” Tanong ko habang nag-aayos si Ayesha. Nakasuot siya ng black dress, medyo may pag kapareho sakin pero sleveess yung kanya.

“Okay lang ‘yan. Mas sexy tignan pag nakaheels. Tara na, 7:00 na. Hanggang 9:00 lang yung party. Lubusin natin, once a month lang ‘yon.” hinawakan niya ako sa kamay at agad lumabas ng girl's dorm. Sakto naman dahil kararating lang ng sundo namin.

Si Liam, ang gwapo niya tignan sa suot niyang white V-neck shirt, itim na leather jacket at denim pants.

“Woah. Ang ganda niyo, ah. Tara na?” aya nito at pumagitna siya samin ni Ayesha. Medyo malapit lang yung function hall sa gym kaya mabilis kaming nakarating doon, hindi pa naman ako sanay mag heels kaya medyo nahihirapan akong maglakad.

“Mocktails and beers ang sineserve tuwing party. Every month iba rin ang nag oorganize. If I’m not mistaken Insolent ang organizer ngayong month.” sabi ni Ayesha habang naghahanap kami nang mapagp-pwestuhan. Wala kasing upuan, mga tables lang ang nandito. Wow just wow! Nakaheels pa man din ako. Goodluck sa mga paa ko.

“Anong gusto mong inumin?” Tanong ni Liam nang makahanap na kami ng pwesto.

“Mocktails na lang.” tumango siya at nagpunta sa kuhaan ng drinks.

“Rain, wait lang ah? Puntahan ko lang yung classmate ko.” paalam ni Ayesha at tumango lang ako. Saktong pag alis naman niya ay biglang tumugtog ang ang kantang despacito. Ang ingay. Yung iba ay nag paparty party habang ako ito nganga lang. Hindi ako sanay sa mga ganito.

“Wow, who’s that chick?” Nakakalokong tanong ni Matthew ng lapitan niya ako. Nagsalubong naman ang kilay ko. “Bakit mag-isa ka?” Tanong niya ulit at nang sasagot na sana ako ay biglang dumating si Liam

“Date mo?” Tanong ni Matthew at umiling naman ako. Inilibot ko ang paningin sa buong function hall, nagbabakasakali na makikita ko si Jiro.

“Wala si Thunder.” Biglang sabi ni Matthew nang mapansin niyang may hinahanap ako.

“Hindi siya ang hinahanap ko. Ikaw lang ba mag-isa ang nandito?”

“Hindi, nandoon sila malapit sa stage. Sige mauna na ako, mukhang beast mode yung date mo, eh.” paalam ni Matthew at bigla na lang siyang umalis. Napalingon naman ako kay Liam, nakakunot ang noo niya.

“Uy, okay ka lang?” Tanong ko.

“Hindi. Hindi ko kasi ma-gets kung bakit ganun siya makipag-usap sa’yo pagtapos ka nilang bigyan ng card. You can’t trust them, Rain. Stay away from them.” seryosong sabi niya kaya hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan, may point naman siya eh pero pakiramdam ko ay mabait naman si Matthew.

“May I call the presence of Mr. Liam Montero here on stage?” Boses ni Ayesha. Sabay naman kaming napalingon ni Liam sa stage.

“Aish! Sinabi ko na sa kanya na ayokong kumanta eh.” napakamot pa siya sa ulo pero nagpaalam pa rin siya sakin na aalis muna. Tumango lang ako at sinundan siya ng tingin.

Maya-maya lang ay nawala na ang malakas na tugtog at isa-isang namatay ang maliliwanag na ilaw kasabay nang pagkanta ni Liam. Goosebumps. Ang ganda ng boses niya.

Please don’t see, just a boy caught up in dreams and fantasies ♪

“Malapit na yung lights off!” kinikilig na sabi ng babaeng hindi kalayuan sa pwesto ko. Nagtataka ko siyang nilingon pero maya-maya lang ay biglang dumilim sa paligid. Sinubukan kong wag magpanic pero may bigla na lang humawak sa bewang ko.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now