Chapter Sixty

113K 3.3K 1.3K
                                    


60: Gangster’s love.
-

[1 and half year later]

“Rain, matagal pa ba kayo?” Tanong ni Zea mula sa labas ng apartment ni Thunder. Nagmadali naman akong kunin ang gamit ko habang si Thunder ay halos hindi magkanda ugaga sa pag-alalay sa akin habang bumababa ng hagdan.

“Ulan naman, eh. Sabi ko tawagin mo ako kapag bababa ka ng hagdan, mamaya n’yan mahulog ka.” Suway niya habang nakahawak sa kamay at baywang ko. Naiintindihan ko na concern siya sa amin ng anak niya pero helloㅡhindi naman ako clumsy ‘no.

Oo, siyam na buwan na akong buntis at anytime pwede na akong manganak. Mas’yadong mabilis ang panahon kaya ito at todo alaga sa akin ang asawa ko.

“Oh, nasaan si Jiro?” Tanong ko kay Zea, kung hindi niyo na itatanong ay buntis na rin siya. Baka nga sabay pa kaming manganak dahil kabuwanan na rin niya ngayon.

“Nandito ako, bakit? Ang kulit kasi ni Matthew, hindi makapaghintay. Excited na excited sa kasal nila.” Napapakamot na reklamo ni Jiro. Sa magbabarkada kasi ay si Matthew ang huling ikakasal at ngayon na iyon magaganap.

Sayang lang dahil hindi makakapunta si Ayesha, dahil maselan ang pagbubuntis  niya. Hindi ko alam kung sinadya ba o ano pero halos lahat yata kami ay sabay nagbuntis. Feeling ko tuloy napag-usapan iyon ng mga lalaki.

“Hayaan mo na, tara na baka ma-late pa tayo.” Aya ko at bumaba na kami. Pagpunta naman namin ng simbahan ay naroon na rin ang iba. Agad akong nilapitan ni Emerald habang nakangiti ng sobrang lawak.

“Hey, guess what? 3 months na akong buntis.” Balita niya sa amin kaya naman agad namin siyang niyakap, kahit na isa’t kalahating taon pa lang ang lumipas noong makapagtapos kami ng pag-aaral ay handa na agad kaming magkapamilya, hindi naman kasi kami hirap sa buhay, may kaya si Thunder at nagkatrabaho ako sa maigsing panahon.

Gano’n din ang barkada, lahat naman sila ay mayaman kaya hindi sila hirap sa buhay at handa ng magkapamilya. Nakakatuwa lang dahil hindi magiging magkakalayo ang edad ng mga anak namin. Pakiramdam ko tuloy ay planado itong lahat.

“Congrats!” Sabay naming bati ni Zea at saka pumasok sa loob ng simbahan, maya-maya lang ay nag-umpisa na rin ang seremonya nang pumasok si Tymee sa simbahan habang nakaalalay ang papa niya at naghihintay naman sa altar si Matthew na ngayon ay naluluha. Naalala ko tuloy ang naging kasal namin ni Thunder.

[Flashback]

Anim na buwan ang lumipas bago kami magpakasal ni Thunder pagtapos niyang mag-propose sa akin. Hanggang sa ikasal ako hindi ko pa rin makontak ang Papa ko, hindi ko tuloy alam kung buhay pa ba siya. Mabuti na lang at narito ang Papa ni Thunder para maghatid sa akin sa altar.

Malayo pa lang ay nakikita ko na ang malawak na ngiti ni Thunder. Nahihirapan man ay tiniis kong wag maiyak dahil baka masira ang make up ko nag pinagpaguran ni Ayesha, huminga na lamang ako ng malalim at ngumiti.

Ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal ka sa taong mahal na mahal mo, parang may mga paru-parong nagwawala sa loob ng tiyan ko. Bukod doon ay parang si Thunder lang ang nakikita ng mga mata ko.

“Ibibigay na kita sa pinakagwapong nilalang sa mundo.” Sabi ni Tito nang makalapit kami sa altar. Nagpasalamat ako sa kanya bago ako inalalayan papunta kay Thunder. Agad ko namang ipinulupot ang braso ko sa braso niya. Marahan kaming naglakad at humarap sa paring magkakasal sa amin.

Ilang minutong seremonya ang ginawa namin mula sa wedding vows at sa wakas, sinabi na rin ni father ang gusto kong marinig mula pa kanina.

“Go now in peace and live in love, sharing the most precious gifts you have the gifts of your lives united. And may your days be long on this earth. I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride.”

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin