Chapter Twenty two

155K 4.9K 1K
                                    


22: Alliance
-

"Paano mo nasabi na hindi suicide yung nangyari?" Tanong ni Axel habang naglalakad kami papunta sa likod girl's dormitory. Agad ko namang inabot sa kanya ang telang hawak ko.

"Napulot ko 'yan kanina malapit sa kama ko. Hindi ka ba nagtataka? Malapit sa balkonahe ng kwarto namin nakalagay yung lubid. Alangan naman gumapang pa sa sanga si Devon papunta doon. Eh di sana sa mismong balkonahe na lang niya sinandal yung hagdan," paliwanag ko at mukhang nagegets naman ni Axel ang sinasabi ko.

Pagdating namin sa likod, nasa ibaba na yung katawan ni Devon. Sinusuri na ring maigi ang katawan niya.

"Bawal kayo rito" sabi ng isang pulis nang harangan niya ang daan namin.

"Kailangan kong makita yung katawan. Baka may maitulong ako," sabi ko pero hindi pa rin ako pinadaan noong pulis.

"Sinabing hindi pwede." balak pa sana akong hawakan ng lalaking iyon ngunit mabilis akong nahatak ni Axel palayo.

"Don't touch her." Madiin nitong saad. Hinawakan ni Axel ang balikat ko at inilayo doon sa pulis.

"Kaya mo bang humanap ng clue ng hindi lumalapit?" Tanong niya at nagkibit balikat lamang ako. Sa pwesto namin ngayon ay mahihirapan akong gawin iyon. Masiyadong malayo ang katawan ni Devon mula sa kinatatayuan namin.

"Hayaan niyo siyang lumapit," boses ng lalaki. Sabay naman kaming napalingon ni Axel at laking gulat ko naman nang yumuko siya doon sa harap ng lalaking dumating.

"Sino yan?" Bulong ko.

"Leader ng Insolent." mahinang sagot niya. Lumapit sa amin iyong leader at nakipagkamay sa akin.

"I'm willing to help." sabi nito at saka ibinaling ang atensyon sa pulis. "Hayaan niyo siyang makalapit. Hindi naman niya hahawakan yung bangkay, responsibilidad ko pag may ginawa siyang mali."

Insolent na insolent ang aura niya. Mukha namang nakaintindi na yung pulis dahil umalis na siya sa pagkakaharang.

Pinagmasdan kong maigi ang katawan ni Devon at mabilis akong nakakuha ng sagot.

"Tara," aya ko kay Axel at bumalik kami sa hideout kasama iyong leader. Agad nagbigay galang yung apat pero napansin ko na wala si Tymee dito.

"Nasaan si Tymee?"

"May kakausapin daw siyang pwedeng makatulong sa problema natin." Si Matthew ang sumagot.

"May nakuha ka bang sagot?" Tanong ni Jiro at tumango lang ako. Sabay naman kaming naupo ni Axel habang nasa harapan namin yung leader ng Insolent.

"Masiyadong obvious ang pagkakapatay kay Devon. Masiyadong mahigpit ang pagkakatali ng lubid sa leeg niya kaya mukhang pinulupot na 'yon sa leeg niya hanggang sa mawalan na ito ng hininga at noong masigurado na ng killer na wala na siyang buhay, at saka nila tinali yung kabilang dulo ng lubid sa sanga ng puno at hinulog yung katawan ni Devon para masabing nagsuicide siya." paliwanag ko.

"How sure are you? Sabihin na natin 'to sa detective." Sabi ni Jasper.

"Itong asul na tela na 'to ang nagpapatunay na sa kwarto namin ni Ayesha dinaan si Devon, mukhang nagpumiglas siya kaya naman sumabit sa matulis na bagay yung lab gown na suot ng killer..."

"...Hindi rin natin pwedeng sabihin 'to sa mga pulis dahil may inenject na gamot kay Devon noong nasa keen's lab siya, kaya ang lalabas ay nag t-take siya ng drugs na naging dahilan para magsuicide siya. Nabanggit din ni Tymee na balisa at hindi makausap si Devon kaya sure akong suicide ang magiging conclusion nila."

"So what are we going to do now? Paano natin mapagbabayad yung keen's org sa mga pinaggagawa nila?" Tanong ni Matthew.

"Alliance." Lahat kami ay napalingon doon sa lalaking nagsalita. Matangkad ito ay kulay blonde ang buhok.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now