Chapter Sixteen

172K 6.7K 1.2K
                                    


16: Night with the devils
-

“Tingin mo ba maniniwala ako? Ibaba mo na ko,” sapilitan akong umalis sa pagkakabuhat niya at saka nagmadaling bumalik ng dorm para maligo. Alam ko namang pinagtitripan lang ako ng lalaking iyon. Sanay na sanay na ako sa mga panggagago niya sa akin. I’m not going to fall for it, not again.

Pagpasok ko ng kwarto, laking gulat ko na lang nang makita ko si Thunder. Umaakyat lang naman siya sa balkonahe ng kwarto namin ni Ayesha.

“H-hoy! Anong ginagawa mo?!” Tanong ko nang lapitan ko siya. Hindi niya ako sinagot at basta na lang pumasok ng kwarto. “B-bawal ka dito! Lumabas ka!”

Pilit ko siyang tinutulak palapit sa pintuan pero masiyado talaga siyang malakas kaya hindi man lang siya gumalaw nang itulak ko siya.

Ano bang ginagawa niya dito?! Sino ba siya? Si Naruto at halos sabay lang kaming nakarating dito kahit mas nauna akong umalis? Saka bakit ba kasi nandito ‘tong kumag na ‘to?!

“Pwede ba? Lumabas ka na. Nababasa ‘yung sahig, eh.” tinulak ko siya ulit but this time natumba na siya sa kama ko at ngayon basa na iyon!

“Thunder ano ba?! Yung kama ko!” Sigaw ko habang hinahatak siya patayo at imbis na siya ang tumayo ay ako pa itong nahatak niya kaya natumba ako sa ibabaw niya. Bullshit, lagi na lang.

“Enjoying the position?” Tanong niya nang gawin niyang unan ang kanang kamay niya, samantalang ang kaliwang kamay naman niya ay nasa baywang ko.

“Manyak!” Madiin kong sabi at saka nagmadaling tumayo at pumasok ng banyo para maligo. Bwisit talaga ang lalaking iyon! Ang dami niyang paraan para bwisitin ako.

“Sabay na tayong maligo,” sabi niya nang kumatok siya sa banyo.

“Pwede ba? Wag mo nga pairalin ang kamanyakan mo! Ano bang kailangan mo?!”

“I want you to be my date later,” napairap na lamang ako at padabog na kinuha ang sabon pero dahil nga sa malas ako...

“Aaaaaah!” Isang malakas na kalabog ang pumaalinlang dito sa loob ng banyo dahil sa nangyari sa akin. Nahulog ang sabon at natapakan ko iyon kaya naman nadulas ako. Damn.

“Hoy Rain. Anong nangyari?” Sigaw ni Thunder pero hindi ko magawang sumagot. “Hoy Rain!”

“Bubuksan ko ‘tong pinto.”

“Wagㅡ” too late. Napapikit na lamang ako nang makita kong sinipa niya ang pinto. Jusko, underwear lang ang suot ko sa mga oras na ito. Bakit ba ako nasa ganitong sitwasyon? Hindi talaga ako lalayuan ng kamalasan.

“Rain. Are you okay?” Tanong niya nang maramdaman ko ang pag-upo niya sa harapan ko. Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng pisngi ko.

“Do I look okay? Pumasok ka rito ng wala akongㅡ” nanlaki na lang ang mata ko nung dumilat ako. Nakapikit siya.

“Nasaan ‘yung twalya? Dalian mo, ang hirap kumilos ng walang nakikita.” napanganga na lamang ako. Nakapikit talaga siya. Am I just seeing things or what?

“N-nasa kaliwa mo. Sa t-taas,” pautal kong sabi at agad naman niyang kinuha yung twalya at ipinatong sa akin.

“Kaya mo bang tumayo?” Tanong niya nang dumilat na siya. Napatango na lamang ako at agad niya akong inalalayan para tumayo.

“Okay na ko, Thunder. U-umalis ka na,“ sabi ko nang tuluyan akong makatayo. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin, bigla na lang akong nailang sa kanya.

“Are you sureㅡ”

“Lumabas ka na,” bakas sa mukha niya ang pag-aalala at ayokong makita iyon. Ayokong maniwala sa mga ipinapakita niya sa akin. Ayokong magpauto ulit.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant