Chapter Twenty eight

131K 4.2K 1K
                                    


28: Ruined party
-

I hope this will be the last.”

I hope this will be the last.”

“Hey, napansin kong kanina ka pa tulala. May problema ba?” Tanong ni Thunder nang lapitan niya ako. Narito na kami ngayon sa reception at kakatapos lang namin kumain.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ng daddy niya kanina, obvious naman na ayaw niya sa akin.

“Baka nanghihinayang siya kasi hindi niya nasalo yung bulaklak.” natatawang sabi ni Matthew at sinamaan ko lang ito ng tingin. Sana narito sa Tymee para naman makita ko kung paano niyang saktan si Matthew sa mga oras na ito.

“Gusto mo bang mag lakad-lakad muna sa tabing dagat?” Tanong ulit ni Thunder at tumango na lamang ako. Ayokong sabihin sa kanya ang nangyari kanina. Sure kasi ako na iba ang magiging reaksyon niya roon, ayokong gawin niya ulit ang ginawa niyang pagsigaw sa daddy niya noon.

“Tell me, what’s bothering you?” hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa tabing dagat. May nakita naman akong malaking bato kaya doon ko siya dinala para maupo.

“Hmm yung araw na umalis ka. Saan ka nag punta nun? Gusto kong malaman.” sabi ko kahit na hindi naman iyon ang nasa isip ko ngayon and to be honest, curious din naman ako kung saan talaga siya nagpunta noong araw na iyon.

“Ah. Nakatanggap kasi ako ng email galing sa biological father ko. Akala ko makikita ko na siya pero pagpunta ko sa east district, wala akong nakitang Daniel Cross. Mukang napagtripan lang ako.” kwento niya.

“Hindi mo pa ba siya nakikita?”

“Nakita na. I still remember. 5 years old ako noong iwan niya ako sa mga Villaruel. Sabi niya ay babalikan niya ako pero hanggang sa ngayon, hindi pa rin siya bumabalik. Wala naman akong galit sa kanya, all I want is to see him again. I wonder kung paano siya magiging ama sa’kin..." Saglit siyang huminto at ngumiti. “Gusto ko maramdaman kung paanong magkaroon ng totoong tatay.”

Hinawakan ko ang kamay naming magkahawak matapos iyon marinig. Masaya talaga ako na makita ko ang side niyang ganito pero malungkot din dahil lumaki siya ng hindi kasama ang tunay niyang magulang.

Kung sakaling balikan na siya ng totoong daddy niya. Magustuhan niya kaya ako?

Ilang oras pa ang lumipas at nagkakasiyahan na sa party, halos karamihan naman ng bisita ay mga business man, kaya medyo out of place kaming mga estudyante na narito.

“Zea anong gusto mong maging anak?” Tanong ni Thunder dahil nasa iisang lamesa lang kaming pito. Binato naman siya ni Zea nang tinapay dahil mukhang hindi inaasahan ang tanong na iyon.

“Baluga. Ang bata ko pa, anak agad? Tsaka sapilitan ‘tong marriage na ‘to. You think may mangyayare samin? Tss.” inirapan siya ni Zea at napangisi lang si Thunder, hindi ko tuloy maiwasang mapatingin kay Jiro na tahimik lang mula pa kanina.

“Congrats nga pala sa inyo. Nagkatotoo yung pagsisinungaling sa akin ni Thunder noon na girlfriend ka niya.” natatawang sabi sa akin ni Zea at ngumiti lang ako. Pakiramdam ko kasi ay ang awkward ng sitwasyon, I mean awkward talaga na magsama-saman kami sa iisang mesa.

Maya-maya lang ay may limang kalalakihan ang pumasok dito sa venue. More like mga intruders dahil hindi sila nakasuot ng naaayon sa event.

“Fuck! What are they doing here?” Tanong ni Zea sa sarili niya.

“Why? Who are they?” Tanong ni Jiro habang nakatuon ang atensyon sa limang lalake na papalapit sa direksyon namin ngayon.

“Gangsters from my former school. E-ex ko yung isa sa kanila.” nauutal na sagot ni Zea, dahil doon ay nakaramdam ako ng kaba. Naaamoy kong may magaganap na gulo.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now