Chapter Fifty eight

101K 3K 227
                                    


58: Sacrifice
-

“Nasaan siya?” Tanong ko nang makarating ako sa hospital. Pagtapos ng nangyari sa hideout kanina ay sinubukan kong habulin si Yb pero bullshit! Nakatakas na naman siya. Hindi ko na alam gagawin ko, napakahirap niyang tapusin.

Humingi na rin ako ng tulong sa mga pulis dahil sa nangyari at sa ngayon ay restricted muna ang sa mga estudyante sa hell’s gate.

“Bakit ayaw niyo sumagot?” Tanong ko kila Axel na nasa tapat ng emergency room. Tahimik lang sila, ang iba ay nakaupo at ang iba ay nakasandal sa pader na tila ba namatayan sila.

“Rain, wala na siya. D-dead on arrival.” Napalingon ako nang sabihin iyon ni Matthew sa seryosong paraan.

“Pwede ba Matthew, hindi ‘to oras para magbiro.” Tinignan ko si Axel at nakatingin lamang siya sa sahig.

“Nagsasabi ng totoo si Matthew. Hindi na siya umabot.” Hindi ko alam pero biglang nangilid ang luha ko nang magsalita si Jasper. Tila nanghina ang tuhod ko at napaupo na lamang sa sahig. Imposible, hindi pwede.

“Rain, don’t blame yourself.” Tinapik ni Matthew ang likuran ko pero nagpatuloy lang sa pagtulo ang luha ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos, nab-blangko ang utak ko.

“Dadalin na namin siya sa morgue. Pwede bang sumama ‘yung isa sa inyo? Saka ‘yung mga susuotion niya, paki-ready na rin.” Sabi ng lalaking lumapit sa amin. Hindi ako nagsalita. Hindi ito totoo, baka nananaginip lang ako kaya tumakbo ako palayo pero agad akong napaupo nang mabangga ako ng kung sino sa hallway.

“Rain.” Tawag ni Jiro nang alalayan niya ako patayo. Agad ko naman siyang niyakap at tinapik-tapik nito ang likuran ko para mapakalma.

“S-si Thunderㅡ” Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin dahil bigla siyang kumalas sa pagkakayakap at pinunasan ymang luha ko gamit ang hinlalaki niya

“Okay na si Thunder pero si Cloud.... I’m sorry.” Bumagsak muli ang luha sa mga mata ko and just like thatㅡbiglang nag-flashback sa isip ko ang mga pangyayari kanina.

“Thunder!!” Sigaw ko nang lumapit ako sa kanya pero mabilis akong tinutukan ni Yb ng baril. Handa na akong tanggapin na hanggang dito na lang talaga ako pero hindi ko inaasahan na yayakapin ako ni Cloud para saluhin ang mga bala.

Hindi ako makahinga. Ilang putok ng baril ang narinig ko hanggang sa maubusan na ito ng bala.

“Cloud!” Sigaw ko at saka nagmadaling tumayo para habulin si Yb habang sila Matthew naman ay nag-asikaso para dalhin sa hospital ang magkapatid. Kung naabutan ko lang si Yb sisiguraduhin kong hindi na siya mabubuhay pa.

“Rain.” Tawag sa akin ni Sunny at napahawak na lang ako sa pisngi ko dahil sa ginawa niyang pagsampal sa akin. Hindi ako kumibo at tinanggap lahat ng mga sasabihin niya pero dumating sila Jae at nilapitan si Sunny para pigilan. “Kasalanan mo ‘to, e!”

“Sunny, ano ba? Walang may gusto sa nangyari.” Pagtatanggol pa sa akin ni Jiro ngunit umiling lang ako para iparating na hayaan na lang niya. Totoo naman na ako ang may kasalanan nito, kung mayroon mang dapat sisihin sa nangyari, ako iyon.

Thunder’s POV

Ramdam na ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko nang marahan kong imulat ang mga mata. Puro puti ang bumungad sa akin at napatingin sa kamay na nakahawak sa akin.

“Thunder.” Tawag ni Rain nang marahan niyang pisilin ang kamay ko. Nginitian ko siya ngunit napansin ko ang pamamaga ng mga mata niya. Sinubukan kong bumangon pero sobrang sakit talaga ng katawan ko kaya nanatili akong nakahiga at nakatingin sa kanya.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now