Chapter Thirteen

174K 6.5K 1.3K
                                    


13: Invisible
-

Tahimik akong nakikinig sa prof at bumalik na rin ako sa dati kong upuan. Wala naman kasing magbabago kung lumipat man ako o hindi, ganun pa rin naman ang kalalabasan, magk-krus at magk-krus pa rin ang landas naming tatlo.

“Uy cutie pie. Ayaw mo ba talaga?” Tanong ni Matthew. Kahapon pa siya nangungulit. Alam ko namang pinagtitripan niya lang ako tungkol sa date na iyon.

“Wag ka nga magulo!” bulong ko pero nakaharap pa rin siya sa akin kaya halatang nag-uusap kami. “Humarap ka sa prof! Pag tayo napagalitㅡ”

“Sir!” Biglang sigaw niya nang itaas niya ang kamay niya. Nagsalubong na lang ang kilay ko dahil sa ginagawa niyang iyon. Nasisiraan na talaga ang lalaking ito.

“Yes Mr. Sandoval?”

“Lalabas kami ni Celvero,” nanlaki na lang ang mata ko dahil sa sinabi niya.

“And why?”

“Kukuha kami ng libro sa library,” kaswal na sagot niya at bigla na lang ngumiti si sir na para bang good news iyong sinagot ni Matthew. Talaga bang naniniwala siya roon?

“Wow. First time mong pupunta sa library, ah. Sige, be back after 30 minutes,” sabi ni sir at bigla na lang akong hinatak ni Matthew palabas. Ako naman si tanga, nagpahatak.

“Nababaliw ka na talaga. Mamimiss natin yung topic ngayon,” reklamo ko habang naglalakad kami sa hallway. Sinundan ko lang siya ng lakad hanggang sa makarating kami ng rooftop. I knew it.

“Kailan pa nag karoon ng libro rito sa rooftop?” Tanong ko at nginitian niya lang ako. Napailing na lamang ako at tumayo sa tabi niya habang pinagmamasdan ang buong Monstrous. Sobrang laki pala talaga nito, kaya ko kayang libutin ito ng isang araw?

“Alam mo ba na gusto kㅡ” huminto siya sa pag sasalita kaya naman napalingon ako sa kanya.

“Gusto kong maging amiable?” Pagpapatuloy niya nang nilingon niya rin ako. Kung tutuusin ay hindi naman talaga ganun kasama si Matthew. Sa kanilang lima? Siya yung masasabi kong pinakafriendly pero knowing na gusto niya maging amiable? Medyo nakakabigla iyon.

“Pwede naman kung gugustuhin mo eh,” sabi ko pero umiling siya, magsasalita pa sana ako pero biglang sumulpot si Thunder. Iniwas ko na lang ang tingin sa kanya dahil nasisira ang araw ko. Bakit ba siya nandito? Tss. “Matthew, babalik na ko sa room,”

“Hoy Rain!” Sigaw ni Thunder pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa at dumiretso lang ng lakad. Avoid him as much as you can, Rain.

“Okay, find your partner for today’s activity,” announce ni Ma’am. Third subject na kaya naman nagsipili na ng partner ang iba kong kaklase. Kakalabitin ko sana si Matthew kaso magpartner na sila ni Axel.

Sinubukan kong tawagin si Tymee pero meron na rin siyang kapartner. Napakamot na lamang ako, hirap talaga pag transferee.

“Celvero, Cross at Villaruel. Kayong tatlo na ang mag partner since kayo na lang ang walang grupo,” biglang sabi ni ma’am kaya halos mapanganga ako. “For today’s activity. Research atleast one endangered species. I want you to find it’s scientific name, common name, habitat, number of species in wild, description, threats and solution.”

Hindi ko na nagawang magreklamo pa at tumango na lang. Binigyan kami ng 20 minutes para magsearch sa computer lab at library. Tumayo na ako at ganun din naman sila Jiro at Thunder. Nananadya ba si ma’am para pagsama-samahin kami sa iisang grupo?

“M-mauna na kayo sa computer lab. Mag ccr lang ako,” paalam ko bago tumakbo papuntang cr.

Napabuntong hininga na lamang ako at kasabay naman noon ay ang paglabas ko mula sa cubicle. Balak ko pa sanang magsalamin pero hindi ko inaasahan na makikita ko si Emerald. Tinaasan niya ako ng kilay ng mapansin ako. Sinubukan ko siyang lagpasan para umiwas na sa gulo pero mukhang siya na mismo ang naghahanap ng away dahil hinarangan niya ako.

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now