Chapter 8

27.2K 940 32
                                    

SULLI'S

"What are you doing here?"

Napakunot ang noo ko kay Vanessa na nasa harapan ng unit ko. Akala ko ay si September ang kumakatok, hindi naman pala. I was not disappointed though. Asa naman.

"Um, flowers?" Ngumiti siya ng alanganin at inabot nga sa akin ang bouquet ng white roses na hawak-hawak niya.

Nagtataka man ay tinanggap ko iyon at ngumiti. "Thanks."

"Can I come in?"

"Oh, s-sure." Tumango ako at nilawakan ang pagkakabukas ng pinto. She smiled back at me at pumasok na sa loob, making herself comfortable on my couch.

Inilagay ko ang bulaklak sa center table at napatingin sa aking kaibigan. She's on casual today, wearing a denim short shorts and a white crop top kaya medyo kita ko ang kanyang flat stomach which is a sight to behold since she's showing too much skin. Typical Vanessa.

"What are you doing here?" Ulit ko sa tanong na hindi niya sinagot kanina. Sunday lang ngayon, at 8:45 am pa lang ng umaga. Mabuti na lang ay maaga akong nagising. I don't really work on weekends just like a normal employee, it's my principle lang din to have time for myself because it's part of running the company without compromising my health.

Hinila niya ako paupo sa kanya and she quickly hovered on me like a predator. Ngumiti siya ng matamis. "I missed you."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Kahapon lang tayo nagkita."

She pouted her lips as she played with my hair strands. "Eh, basta."

Tinapik ko palayo ang kamay niya at tumayo. Tinotopak na naman yata itong si Vanessa. Or baka gutom. "Kumain ka na ba? What do you want to eat?"

"You." makahulugang sagot niya. Napatitig tuloy ako sa kanya habang nang-aasar na tinataas-baba niya ang dalawang kilay. Nakakaloko pa ang ngiti.

Bigla akong nailang ngunit hindi ko na lang ipinahalata. Ngayon ko lang naalala na may gusto nga pala siya sa'kin. Pero sabi niya, hindi siya gagawa ng moves so I'll take her words.

So maybe she's just being playful as usual. That's why instead of being so defensive about it, I just gave her a boring look and I crossed my arms dismissively. "Seriously."

She stifled a laugh, she held her stomach like it's been hurting. Ganda ng tawa ng babaeng 'to, oh. Napakusot siya ng mata at huminga ng malalim. "Just kiddin', Sulli. Loosen up, man."

"Whatever."

Pumunta na lang ako ng kusina. Hindi pa rin naman ako nakain so iluluto ko na lang kung anong maisipan ko.

Sumunod naman siya sa akin at parang batang nagtitingin-tingin sa aking kusina. Ilang beses na rin naman siyang nakapunta rito.

"Which drink do you prefer for today?"

"A milk will do, thanks." She answered with a smile.

Tumango na lang ako at naalala ang kaisa-isang taong kilala ko na adik sa gatas. Naipilig ko ang ulo ko dahil biglang pumasok sa isip ko ang pagmumukha niya. Kainis, bakit ba palagi na lang siyang pumapasok sa isip ko? Damn that woman. Just let me take a break, September.

Pagkatapos kong magluto ay umupo na si Vanessa at ako naman ay naghain na. Inabot ko sa kanya ang gatas niya. She mouthed her thanks with her unfettered smile. I decided to take a seat as well and took a sip of my tea and felt relaxed.

Tahimik.

"Sulli." She called my name while she took a bite of her ham.

"Hm?"

Most Wanted [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon