Chapter 18 - unedited

21.4K 718 22
                                    

September's

"Is this─?"

"I am," I answered, cutting the man from the other line. "Kill."

Getting this familiar call has always been like my daily habit. My contact number, which is different from what I'm really using, is given by the one who I am serving─Raymond Tonido.

Sa kanya muna unang kumokontak ang mga client bago ito ibigay sa iba pang tulad kong pumapatay depende sa kung saang lugar gagawin ang mission. But then, the name that is known the most is Kill's. I know I've been under the blacklist and unmistakably, one of the most wanted criminal in the country.

Matagal na rin akong minamanmanan ng mga kapulisan at makailang beses na ring may nagtangkang hulihin ako, marami ang hayok malaman kung sino nga ba ang nasa likod ng pangalan na Kill. Pero lahat ng leads tungkol sa'kin ay madalas na naililigaw sila kaya hanggang ngayon ay ito, malaya pa rin akong nakakapamuhay.

"I have someone you need to kill. Immediately."

All of the clients we accommodate knows their boundary. No splitting of information about the organization or they'll die. Alam nila na sa oras na kunin nila ang serbisyo namin, hindi na sila basta makakaalis. The procedures on how they can contact Raymond rolls on a certain instructions na siya lang ang nakakaalam at wala na 'kong balak alamin pa. Basta ang alam ko lang lahat ng mga nag-uutos sa amin ay sarado ang bibig. Hindi ko alam kung paano sila nahahawakan sa leeg ni Tonido.

"Send me the details and I'll work on it." Sabi ko at agad na pinatay ang tawag.

Lumabas na ako ng banyo at halos manlamig ako nang makita si Sulli na naghihintay sa'kin. She looked at me with her usual expression─cold.

Kumunot ang noo niya at humakbang paatras. Ako naman ay sinara na ang pinto at mabilis na tinago ang phone sa bulsa ko. "Parang namumutla ka."

Dinaan ko sa pang-aasar ang kabang saglit kong naramdaman. I'm not yet ready to tell her the truth. I grinned and pulled her closer. "Bakit, concern ka, 'no?"

She glared and pushed me. Tinalikuran niya ako at naglakad palayo kaya sinundan ko siya. "Get out of my unit."

Natawa naman ako. Hay, Sulli, hindi ka talaga nagsasawa. Still harsh and cold kahit parehas kami ng feelings para sa isa't isa.

"You know I won't do that, love." I said as I followed her to her room. Sasarhan niya sana ako nang pinto pero kaagad kong naiharang ang sarili ko at mabilis na pumasok. Ako na rin ang nagsara at nag-lock ng pinto niya. She crossed her arms and raised an eyebrow. I bit my lower lip. "Hmm...sexy."

Irap ang nakuha ko sa kanya pagkatapos ko siyang purihin. Umupo siya kama niya at pinagtuunan ng pansin ang laptop na lagi nitong kasama. Napairap na lang ako at napanguso. I envy that laptop.

Lumapit ako and naupo sa tabi ng kama. Wala naman siyang reaction na patuloy lang sa pag-type. "Sulli."

"What."

"Pansinin mo 'ko," Pagpapaawa ko.

"Kulang ka ba sa pansin?"

"Oo."

Hindi na siya sumagot pagkatapos no'n. I huffed. Buti na lang mahal kita, Sulli.

Sinilip ko ang phone ko at napabuntong-hininga nang makita kong may message na galing sa client. Tumayo ako at yumuko ng kaunti para bigyan ng halik sa noo si Sulli na pakipot at masungit. Napatingin tuloy siya sa'kin dahil sa ginawa ko kaya ngumiti ako ng matamis. "I have to go. Business related."

Most Wanted [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon