Chapter 12 - unedited

26.7K 884 37
                                    

Sulli's

"It will be nice if we'll date, don't you think?"

Napairap naman ako sa sinabi ng taong kausap ko. Anong pinagsasabi nito? Sa pagkakaalam ko ay pumunta ako for a lunch proposal related sa business, of course.

So, why am I dealing with this bullshit date thing he's talking about?

Nakangiti lang siya sa'kin sa kabila ng kasamaan ng behavior ko. I shook my head, I guess he's a complete idiot.

"I'm afraid that what you're proposing is far from our professional," I emphasized the word. "Discussion."

He tapped his finger. "Come on. How can you decline my offer just like that?"

I looked at him. Hindi ako name-mesmerized. I am thinking—where did he hide his brain?

Frankly speaking, this kind of conversation has been normal to me simula nang mag-invest siya sa company ko. He's been giving me this vibe na I should date him because he likes me and therefore, I should like him back.

Hindi ko alam kung anong science ang nasa likod no'n at hindi ko rin alam kung ilang beses ko ba siya kailangang tanggihan. Para siyang sirang plaka. Hindi marunong tumanggap ng rejection. He's treating me like a thing.

Tumingin ako sa watch na suot ko. "I have some things to do. I'm sorry. You can contact my secretary here," I pointed my secretary na katabi ko lang. "For future meetings. Have a nice day, Mr. Adriatico."

Wala na siyang nagawa nang tumayo na ako at umalis. Iniwan ko siya sa restaurant kung saan siya nagpa-reserve.

Napahawak ako sa tiyan ko, ni hindi man lang ako nakakain ng maayos.

Sumakay na ako sa company car, nakasunod naman agad sa'kin yung secretary ko. Inutusan ko na yung driver na ihatid na kami pabalik na kaagad naman nitong sinunod. After fifteen minutes siguro ay nakarating na rin kami. Himala nga't walang traffic.

Iniwan ko na ang sekretarya ko at dumiretso na sa aking office. Nakaka-stress.

"September?"

"Hi!"

Napairap na lang ako sa ka-hyper-an niya habang naglalakad papunta sa table ko. Siya naman ay nakatayo lang. Saka ko lang napansin na may bitbit pala siya na paper bag. Ano ba 'yon?

"Kumain ka na ba?" Tanong niya. "Nagdala ako ng lunch."

"Paano ka na naman nakapasok dito?"

"I have my ways." She winked.

Hindi ako sumagot pero  tumayo ako at lumapit sa kanya para kunin yung dala niya pero bigla niyang iniwas ang kamay sa akin. She smirked when I raised a brow at her. "Kiss muna."

Inirapan ko siya at umupo na. Hindi na bale, kaya ko pa namang tiisin yung gutom ko. She pouted at ipinatong sa table 'yung dala niya. "Sabi ko nga, eh, walang kiss."

Inilabas niya sa paper bag yung laman no'n at bumungad sa harap ko ang foods na take out sa Jollibee. Napatingin tuloy ako sa kanya habang nakakunot ang noo.

Really?

"What?" She asked defensively. "Pulubi ako kaya Jollibee lang nakayanan ko."

Napailing tuloy ako. Pulubi raw. Pinaka-lame na excuse sa lahat. We both know na hindi naman 'yon totoo.

Hindi naman ako nagrereklamo. Ewan ko ba naman sa reaction niya. Kumakain naman ako sa mga fast food resto noon specially during my college days.

Nag-start na akong kumain. Na-realized kong gutom nga talaga ako. Nakakapagod din naman kasing magpahaba ng pasensiya sa taong hindi mo pwedeng bastusin.

Most Wanted [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon