Chapter 13 - unedited

26.9K 887 33
                                    

Sulli's

"September Imperial! Put. Me. Down!" I ordered her nang bigla niya akong buhatin in bridal style dito sa kwarto ko. Nagising ako na buhat na niya ako.

Binaba niya lang ako nang makarating na kami sa loob ng banyo ko. I glared at her at halos mapatili nang walang paalam na binuksan niya ang shower kaya mabilis akong nabasa ng malamig na tubig.

Automatic na nawala ang antok ko at napalitan ng inis. "September!"

"Yes, baby?"

"Stop smiling!" Saway ko pero tinawanan lang niya 'ko. Bigla niyang tinaas ang damit ko na agad kong ibinaba. "What are you doing?"

"Tatanggalin ko. Paliliguan kita."

"Get out!"

"Pero—"

"Get. Out!"

Mukhang napansin niyang napipikon na talaga ako so she just patted my head like a child bago naglakad paalis.

Nakakainit ng ulo.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas akong naka-towel lang dahil hindi naman ako nakapagdala ng damit sa loob.

Nakita kong nakahanda na ang susuotin ko sa kama at wala na rin sa kwarto si September. Mabuti naman.

Nang matapos magbihis at makapag-ayos ay nakasimangot akong lumabas—only to smile sweetly when a pair of small arms hugged my waist.

"Momma!"

"Sydney," I kneeled down to kissed her cheek. "How are you?"

"Always fine po!" Masiglang sagot niya sa'kin. "Mom always takes me to anywhere I want and buys me a lot of sweets!"

Sakto namang lumitaw si September na nakangiti sa'min. Iirapan ko sana siya ang kaso may kasama kaming bata.

"Breakfast?"

Tumango ako. Nagugutom na rin naman ako, eh.

Nang makarating sa dining area ay nakahain na ang mga pagkain. Nasa lamesa na rin ang tea ko na kaagad kong kinuha and I took a sip on it. Umupo na 'ko and gano'n din sila.

"Love the tea?"

I sipped again. "Shut up."

"Sulli naman, eh." She pouted at me. Napalingon naman ako kay Sydney na inosenteng nakatingin sa'min, tinitingnan yata kung nag-aaway kami.

I sighed. "Yeah, I love it."

"Good!"

We started to eat in silence. Tanging ang tunog lang ng mga spoon and fork namin ang naririnig. I cleared my throat. "Bakit mo nga pala ako ginising ng ganito kaaga? Six pa lang."

Nagtataka rin ako kung bakit pati si Sydney ay nandito na. Sa pagkakaalam ko may pasok 'tong batang ito.

She smiled sheepishly. "We're going on a date."

Natigilan ako at halos mabulunan. "W-what?"

"We're going on a date." She repeated.

I rolled my eyes. "I have lots of work to do—"

"Hindi ka naman nauubusan ng work, Sulli." She cut me off. "We are going on a date, period."

Napailing na lang ako sa kanya. This woman's so impossible. She's always doing things ahead of me. "Eh, si Sydney?"

"She's coming with us."

"Okay." Nasagot ko na lang. She smiled teasingly and winked.

Pasaway na babae.

Most Wanted [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon