Chapter 14 - unedited

23.6K 770 14
                                    

September's

Meet me at the Ministop (near your unit) at 23:00. I'm certain that we have some things we need to talk about. - Avarice

Tiningnan ko ang anak ko na payapa nang natutulog. Malalim na rin naman ang gabi at isa pa ay may pasok pa siya bukas. I kissed her forehead one last time bago lumabas ng kanyang kwarto.

Suot ang tank top underneath my thick jacket na pinaresan ko ng fitted jeans ay naglakad ako hanggang makalabas ng gusali. Tinahak ko ang daan papunta sa destinasyon ko na malapit lang sa condominium.

I opened the glass door at tumingin sa paligid, nakita ko sa bandang dulo, on the most isolated part, ang isang babaeng nakatingin sa tanawin sa labas kung saan panaka-nakang dumadaan ang mga sasakyan. I ordered two coffee at kaagad na lumapit sa kanya.

Itinapat ko ang coffee sa kanya, tumingin muna siya sa'kin bago ito kunin. Naupo naman ako sa tapat niya.

"The darkness seems to be alluring with those city lights, right?" Tanong niya habang banayad na nakangiti.

Ngumiti ako at tumango. I took a sip of my drink at napatingin sa scar na nasa leeg niya. "Buti napadpad ka rito, Avarice. Ang akala ko sa kabilang lugar ka naka-assign?"

"Something came up and the old man assigned me here." Sagot niya habang nakanguso. The old man she's pertaining to is our boss, Mr. Tonido.

Tumango lang ako at saglit na nanahimik. Muling dumako ang paningin ko sa peklat na nasa leeg niya, malayo ito sa lalamunan at hindi ganoon kalalim base sa itsura. That scar is the proof of our friendship. She once saved my trashy life.

Kung minsan ay nakakaramdam pa rin ko ng guilt dahil ang markang iyon ang patunay ng pagiging patapon ko.

Kilala ko na si Avarice simula pa noong unang dumating siya sa organization, napakatahimik niya noon at walang kinakausap na kahit na sino. Iyon yung mga panahong baguhan pa lang kami at hindi pa nakakagawa ng pangalan sa mata ng gobyerno at pulisya.

She's aloof, but I managed to gained her trust, and eventually, to know her better.

When we reached eighteen, I started to get rebellious. Sinubukan kong takasan ang masamang gawain namin, I tried to escape and live the life I want. Nakatakas ako, pero nahanap din agad ako.

"Ah!" Parang sinilaban ng apoy ang katawan ko nang tumama ang kamao ng lalaking nagbabantay sa'kin. Sinubukan kong pakawalan ang sarili ko mula sa pagkakatali nila, ngunit hindi ko magawa. "T-tama na."

Napatingin ako nang tumawa ang lalaking kanina pa nanonood sa pananakit na nararanasan ko, si Mr. Tonido, ang taong kumupkop sa'min.

"Pagkatapos mong subukang tumakas? I already told you, September, you can't escape this life, us."

Then, a whip hit me. Tumama ito sa likod ko at halos mawalan ako ng hininga sa sakit. I started to cry. At this age, I'm still crying. I really am a terrible devil. Another one hit me. And another. And another. Nasira na ang damit ko dahil sa impact. I think I'm gonna die today.

Most Wanted [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon