Chapter 27 - unedited

20.5K 738 32
                                    

September's

Tell September that I need to see her. ASAP. — Sulli

Para akong ewan nang mabasa ang text niya. Nakakainis kasi itong si Avarice, pa-suspense pa. Ayaw na lang agad sabihin. Edi hinablot ko yung cellphone niya at ako na lang ang nagbasa.

"You're rude." Nasabi na lang niya habang natatawa ng mahina. Halatang nang-aasar. "Love's so corny and full of shits."

"Shut up," I muttered as I double checked the message. I even confirmed the mobile number she used. Si Sulli nga ito. "Wait, how did you even get her number?"

"Well." She grinned. Naasar ako kaya binatukan ko siya ng malakas. "Ouch."

"Paano nga?"

"Really, love's full of shits." Umirap siya pagkatapos sabihin iyon. "Hiningi niya sa akin."

Parang nairita ako sa sagot niya. "Bakit?"

"Hey, you looked jealous. Fuck, huwag ganyan." Tumawa siya nang tingnan ko siya ng masama. "She told me that she needs someone who knows you better that she can keep in touch with in case something bad happens. Like, throwing your sim card without her knowledge." She arched an eyebrow. "Bitch. Tapos ngayon nagtatanong ka?"

Okay. Kumalma na ako. Ngayon ko lang na-realized yung ginawa ko. Akala ko kasi hindi na siya magte-text pa. Hindi ko naman alam. And here I am, getting jealous. Gosh, I really love her then.

Napahawak ako sa chest ko unconsciously. My heart's beating so fast.

"So anong ire-reply ko?" Avarice asked in serious mode.

"Tell her our location." I quickly demanded. "And advise her to be careful."

"Roger."

--

"Ready?"

Napatayo ako mula sa couch. Tapos ay napaupo ulit. I tapped my foot nervously and in anticipation. I looked at Avarice. "Naiihi ako."

"Arinola, gusto mo?" Sarcastic na sagot niya.

"Bakit ba kita naging best friend?"

"I'm hella gorgeous," She stated—yes, stated. That's how conceited she can be. "And I saved your life once. You caught my interest, we clicked."

Parang gusto ko siyang barilin. Minsan sumasama talaga ugali ko kapag magkasama kami.

"Puntahan mo na. Naghihintay sila."

Tumango ako.

"Maggagala muna ako." Paalam niya, "Do whatever you want. I'll be back though."

Hindi na ako sumagot at pinanood na lang siyang mawala sa paningin ko.

Huminga ako ng malalim bago nagsimulang maglakad palabas. Para akong ewan habang tinutunton ang living room. Paayus-ayos pa ako ng buhok, eh, maganda na naman na. Shit.

"S-Sulli..." Halos walang boses na sambit ko nang makita ulit siya. Napatingin ako sa kasama niya. Fuck, maiiyak pa yata ako.

"Mom!"

Tumakbo siya palapit sa akin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Nanginginig na hinagod ko ang buhok niya. I bit my lower lip, trying not to cry. "S-Sydney..."

"I...I m-missed you po..." Umiiyak sa sagot ng bata sa akin.

"I missed you, too, so much." Lumuhod ako at hinalikan siya sa noo. Ngumiti ako at humalik naman sa pisngi niya, I can taste the kid's tears. "I love you, baby."

Most Wanted [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon