Chapter 23 - unedited

19.9K 801 85
                                    

September's

I sighed for the nth time. Matinding kaba ang naramdaman ko nang maka-receive ako ng text galing kay Sulli. I bet she's mad as hell right now. Iba kasi yung dating ng message niya, eh.

Let's talk, Imperial.

Kaagad ko namang binigay sa kanya ang location ko so I know by any moment ay darating siya. I'm not afraid na baka magdala siya ng pulis or something dahil kilala ko siya. Hindi siya kikilos basta nang hindi nag-iisip.

And again, a sigh escaped my lips.

I held my chest at parang napapraning na inutusan ang sarili kong kumalma. Sobrang kinakabahan talaga ako. Sobrang bilis ng kabog ng puso ko. Pinagsamang kaba, excitement, saya, at takot. I don't want to drink though, tama na yung kagabi. "Sep, calm down."

"Sep."

Muntik na akong mapamura sa biglang pagkarinig ko sa pangalan ko. Kunot ang noong nilingon ko si Avarice pero agad iyong napalitan ng pagkaawang ng labi nang makita ko sa tabi niya si Sulli. I gulped. Damn.

Walang nagsalita ni isa sa amin. Akala ko nga ay buong araw na kaming magtititigan. Mabuti na lang at biglang tumikhim yung isa.

Thank you, Avarice!

"Maiwan ko muna kayo." Paalam niya. "Sulli, you can sit. Baka ugatin ka kung tatayo ka lang."

Matapos ang awkward na humor ni Avarice ay walang pakialam na umalis ito, leaving Sulli and I alone.

Nagbuga ako ng malalim na hininga. Fuck, kinakabahan talaga ako. "U-upo ka."

Halos hindi ako makatingin sa kanya. Her eyes are colder than before. Hindi rin siya umiimik pero naglakad ito palapit at umupo sa single couch na nasa harapan ko lang. Nakatingin lang siya sa akin ng diretso.

I can't read her...

Despite of the nervousness and fear, I still managed to roamed my eyes on her beautiful face and that's the moment I realized that she looked tired and stressed.

I feel bad and guilty. Alam kong mali na hinayaan siyang malaman ang tungkol sa akin ng nag-iisa. Ang sama ko para iwan siya sa kama at bigyan siya ng hindi kaaya-ayang info about sa akin. I'm the worst for hurting her. I sighed.

"Explain."

Napapikit ako. Mahina ang boses na iyon ngunit may awtoridad. That is an order.

Gusto kong magpaliwanag pero hindi ko magawang magsalita. Parang may something sa labi ko na hindi ko man lang ito maibuka. I feel like there's something on my throat. I clenched my fist hard. Sep, speak up!

"Ikaw ba si Kill?" She asked instead.

Sinalubong ko ang tingin niya. Pilit kong hinuhuli ang emosyon sa mata niya pero napakalamig talaga ng titig niya. I bit my lower lip. Ramdam ko yung pag-init ng gilid ng mata ko. "Y-yes."

May dumaang sakit sa mata niya. Sa kabilang banda, parang mas gusto ko na lang na maging cold siya sa akin kaysa sa nakikita ko ngayon. Umiiyak siya. Dahil sa akin.

"September," She sniffed. "Tama ba ako ng p-pagkakakilala sa iyo for all this time?"

"Sulli..." Gusto ko siyang lapitan pero parang nanigas ang katawan ko. Parang namamanhid. Pero yung nararamdaman ko, ang sakit-sakit.

"A-answer me."

"I'm sorry," Unti-unti na ring bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "Sulli, alam kong hindi ko sinabi sa iyo ang lahat but, b-but believe me when I say na lahat ng nakita mo at ipinaramdam ko sa iyon...lahat iyon totoo."

Most Wanted [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon