Chapter 9

27.2K 834 7
                                    

SULLI'S

"Please, Sulli! Please, please, please!"

Tinaasan ko siya ng kilay at pinagmasdan ang anak niyang si Sydney na kumapit sa binti niya habang kumakain ito ng chocolate bar.

I folded both of my arms as I took a deep sigh. Ano pa bang magagawa ko kung nandito na ako sa unit niya? Muli ay nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga habang inaalala kung paano ako napunta rito...

Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong nakadagan sa akin, at ang mas nagpagising sa'kin ay ang mainit na hiningang nararamdaman ko sa leeg. Idinilat ko ang mata para lang makita si September na nasa ibabaw ko at prenteng nakayapos sa akin. "W-what...?"

She propped herself up to take a good look at me, there was a sweet smile plastered on her lips. "Good morning!"

Napaiwas ako ng tingin at sinubukan siyang itulak ngunit tulad ng dati, wala na naman akong nagawa. "Anong ginagawa mo rito?"

"Ah, eh," She laughed like a robot. "Can I ask you a favor?"

"Hindi." Mabilis na sagot ko na ikinasimangot niya.

"Payag ka na!" She pouted her lips as she shook me. Umiling lang ako. I tried not to show any expression. Ang aga-aga naman nito mangulit. Sumimangot siya nang mapagtantong wala akong balak pumayag sa kung ano mang pabor ang gusto niya. She buried her face on my neck, I shivered when she kissed my ear and breathed. "Please?"

Napabuntong-hininga ako. Habang tumatagal mas nagiging soft na ako sa babaeng 'to. I can't help the sigh I released out of pure defeat. I need to control my feelings.

She kissed my neck up to my shoulder. "Please?"

"Fine," Wala na akong nagawa kung hindi ang tumango. "What is it?"

"Yey!" Maligalig na reaksyon niya. Humalik pa siya sa pisngi ko bago ngumiti at napaiwas naman ako ng tingin. Hindi na siya umalis sa ibabaw ko at kahit ayaw ko ay hindi na 'ko nakapalag nang hawakan niya ang kamay ko. "Ipapasuyo ko lang sana si Sydney. Can you take care of her habang wala ako?"

Mabilis na napalingon ako sa kanya. "Bakit? Saan ka pupunta? Hindi ba pwedeng yung kaibigan mo na lang?"

"Busy siya, eh." She shook her head and pouted her lips. She's seductive and all but she always acts like a kid. "Please? Take care of her. Ikaw lang pwede kong pag-iwanan sa kanya."

"Alam mong may pasok din ako," sagot ko. At isa pa, hindi ako marunong mag-alaga ng bata.

Biglang lumungkot ang expression niya. "Um-absent ka muna kahit ngayon lang. Ikaw naman ang boss, 'di ba?"

"Kahit na ─"

"Sige na kasi, Sulli. I trust you."

Sa sinabi niyang 'yon ay biglang kumabog ang dibdib ko. I don't know. Maybe because of how soft her voice was. "Saan ka ba pupunta?"

Napakunot ang noo ko nang biglang umilap ang kanyang tingin. "Some business stuffs."

"Anong business? Baka magb-bar ka lang." Hindi ko mapigilang makaramdam ng paghihinala. Alam kong maaga pa para mag-bar pero malay ko ba naman sa babaeng ito?

I don't even know kung anong pinagkakaabalahan niya sa buhay. She likes asking a lot of things about me pero kung titingnan ay siya itong mas mailap kapag tungkol sa sarili niya. Hindi rin naman ako nagtatanong, hindi ko ugali magtanong ng personal na buhay ng iba dahil mas gusto kong sila mismo ang kusang magsabi sa akin.

Most Wanted [To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon