Kabanata 2

3.8M 86K 77.3K
                                    

[Kabanata 2]

NAPATINGIN ako kay lola. Ito na ba ang birthday gift niya sa akin? Self-protrait painting with a touch of classic style.

"Siya si Carmelita Montecarlos, ang bunsong anak ni Don Alejandro at Doña Soledad Montecarlos." Wika ni lola Carmina habang nakatingin pa rin sa lumang painting. Nagpabalik-balik ang aking mata sa kaniya at sa painting.

"Lola, you mean... Ibang tao po 'yan?" Tanong ko, tumango siya habang nakatingin pa rin sa painting. Totoo kaya ang sinasabi ni Dad noon na nagiging ulyanin na si Lola? Naapektuhan na rin kaya ang pag-iisip niya mga teleseryeng pinapanood niya tuwing hapon at gabi?

Napatingin na lang muli ako sa painting. Hindi ako makapagsalita. Sobrang kamukha ko talaga ang babae roon. Mula sa hugis ng mukha, mapupungay na mata, matangos na ilong, mapupulang labi, mahabang itim na buhok at makinis na balat. Nakasuot ng pulang baro't saya ang babae at nakapusod ang buhok niya sa likod. Ang mga mata niya ay nakatingin ng diretso na para bang tinititigan niya ako.

"Bunsong kapatid siya nina Josefina Montecarlos na naging madre at Maria Montecarlos ang aking lola." Patuloy ni lola Carmina. Napatingin ako kay lola, medyo seryoso at malungkot na ang mukha niya ngayon. Tiningnan ko pa siya nang mabuti, mukhang hindi naman niya ako pinagtitripan.

Napaisip ako sa sinabi niya. Ibig sabihin kay Maria Montecarlos nagsimula ang lahi namin. Pero bakit ang kapatid niya na si Carmelita ang kamukha ko? Hindi naman siya ang lola ko sa talampakan.

"Lola. Why does it seems like magkamukha kami?" Tanong ko, sasang-ayunan ko na lang ang mga sinasabi ni lola. Baka totoong nagiging ulyanin na nga siya at naghahalo-halo na sa utak niya ang realidad at ang mga napapanood niyang teleserye.

"Dahil siya ay kapamilya natin. Dugo ng ating dugo. Laman ng ating laman." Paliwanag pa ni lola. Napagaralan ko naman yung genetics noong high school. Oo, magkamag-anak kami magkalapit ang DNA at genes namin pero paano nangyari na sobrang magkamukha kami?

"Namatay siya noong kasing edad mo pa lamang siya." Sabi pa ni lola. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Namatay siya ng maaga? Alam kong hindi dapat seryosohin ang mga sinasabi ni lola pero nakakadala pa rin.

"What? Why? What happened?" Tanong ko, hindi ko alam pero feeling ko dapat kong malaman kung sino siya at kung anong nangyari sa kaniya.

"Masyado siyang nabulag sa pag-ibig kaya niya sinapit ang lahat ng iyon." Tugon ni lola saka tumingin sa'kin. Natatakot tuloy ako baka biglang magbago ang anyo niya at maging siya ang babaeng nasa painting. Ano kayang gagawin ko kapag nakaharap ko ang babaeng sobrang kamukha ko na nabuhay noong unang panahon? Magtatalo siguro kami kung sino mas maganda sa aming dalawa.

Pinaupo ako ni lola Carmina sa isang silya at umupo naman siya sa kabilang silya Nasa tapat namin ngayon ang lumang painting.

"Isang daan at dalawampu't apat na taon din ang hinintay ng tadhana para mangyari ito. Handa ka na ba malaman ang ang kwento sa likod ng painting na ito?" Tanong sa akin ni lola, nakatitig siya ngayon sa mga mata ko at hinawakan niya ang kamay ko. Nagpaikot-ikot ang aking mata. So, mag-story telling kami ngayon?

"Pwede po ba nating tawagin sina Jenny at Emily? For sure gustong-gusto din nila marinig ang ikwekwento niyo." Suggest ko pa, napailing naman si Lola Carmina.

"Hindi maaari. Walang ibang pwedeng makaalam nito kundi ang magiging panganay na anak lang sa pamilya natin." Sagot ni Lola Carmina at medyo seryoso na siya ngayon. Mukhang bawal ko pala i-chika sa iba ang chika na ito.

Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang. Hindi naman pwedeng tumanggi at umalis ako baka ma-beast mode ang babaeng nasa painting at multuhin ako habambuhay.

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon