Kabanata 38

2.3M 52.6K 137K
                                    

[Kabanata 38]

Hindi na matigil si Juanito sa pag-iyak habang nakayakap ng mahigpit sa akin. Hindi ko rin mapigilan ang pagbuhos ng mga luha ko dahil damang-dama ko ang sobrang bigat na nararamdaman niya ngayon. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito, ngayon ko lang nakitang umiyak siya ng todo.

Sa dami ng hirap, sakit at pagtitiis na naranasan niya mula nang mamatay ang kaniyang ama na si Don Mariano at ang kaniyang kapatid na si Sergio at ipatapon ang pamilya nila sa Bohol, hanggang sa namatay na din ang kaniyang ina na si Donya Juanita at ang kapatid niyang si Sonya... alam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon niya at ang pakiramdam ng mag-isa.

Kung kaya't ang bawat luhang pumapatak sa kaniyang mga mata ngayon ay naglalaman ng mapapait na alaala na tinamo niya dahil sa muling pagkakasulat ng tadhanang ito.

Ilang sandali pa ay pahina na ng pahina ang kaniyang paghikbi pero nakayakap pa din siya sa'kin. sa mga oras na ito tanging yakap lang, pag-unawa at pagmamahal ang kaya kong ibigay sa kaniya upang gumaan ang pakiramdam niya.

"T-tumakas ka na" narinig kong bulong niya at damang-dama ko ang bibig niya sa tenga ko dahil nakayakap pa din siya sa'kin. dahan-dahan naman siyang kumalas sa pagkakayap sa'kin. hinawakan niya ang mukha ko at tiningnan ako ng diretso sa mata.

Magang-maga ngayon ang kaniyang mga mata dahil sa pag-iyak. "T-tumakas ka na Carmelita hangga't may oras pa" ulit niya pa. napailing naman ako at napayakap ulit sa kaniya.

"A-ayoko! Hindi ako aalis dito hangga't hindi kita kasama!" tugon ko pa, napahinga naman ng malalim si Juanito at rinig na rinig ko ngayon ang lakas ng tibok ng puso niya dahil nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya habang yakap siya ng mahigpit.

"G-gustuhin ko mang makasama ka ngunit ayokong ilagay ang buhay mo sa kapahamakan... makatakas man tayo sa iyong ama, hinding-hindi naman tayo makakatakas kay Ca-tapang dahil patuloy ng dumadami ang mga nais sumama sa rebelyon, at hindi magtatagal ay mahahanap niya tayo" paliwanag ni Juanito, napapikit na lang ako sa inis dahil alam kong tama siya, mas magiging mahirap ang sitwasyon namin kapag pareho kaming tumakas na dalawa dahil ang panig nila Don Alejandro at ang panig ni Ca-tapang ay pareho naming magiging kalaban at pagtataguan.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kaniya at tumingin ng diretso sa mukha niya "P-pero paano ka? S-siguradong ipapapatay ka ni Ca-tapang sa oras na malaman niyang pinatay mo sila Carding!" nagpapanic kong tugon, napayuko naman si Juanito at hindi nakapagsalita ng ilang segundo.

Tama si Carding, isa talagang malaking kataksilan sa kanilang kapatiran ang ginawa ni Juanito.

"M-magiging maayos naman ang lahat hangga't hindi ito nalalaman ni Ca-tapang... akong bahala" sagot ni Juanito. ngayon ko lang napansin na dumikit na rin pala sa pisngi at damit ko ang mga dugo sa kamay at katawan niya.

"Paano kapag nalaman niya? paano ka? paano kung----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi nakatitig lang siya sa mga mata ko ng halos hindi kumukurap dahilan para bigla kong maramdaman ang pagdaloy ng kuryente sa likod spine ko.

Napalunok na lang ako dahil narealize ko na sobrang lapit pala ng mukha namin sa isa't-isa kanina pa habang nag-uusap kami.

Biglang lumakas ang kabog ng puso ko dahil naalala ko ang tingin niyang ganun... ganiyan niya ako tinitigan noong hinalikan niya ako sa ilalim ng milyon-milyong alitaptap sa Bohol.

Dugdug! Dugdug!

Nanlaki ang mga mata ko at parang nanigas ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw nang bigla akng hinalikan ni Juanito sa noo.

"H-hindi na ako makakatakbo pa at mapapanatag lang ang kalooban ko kapag nakabalik ka na sa iyong ama dahil delikado ang buhay mo kay Ca-tapang, n-nakasisiguro naman akong poprotektahan ka ni Don Alejandro" tugon pa ni Juanito dahilan para mapaluha na lang ako, hindi ko akalaing maghihiwalay pa din kami. Pero alam kong tama naman siya, mas ligtas ako sa panig nila Don Alejandro.

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon