Kabanata 3

3.2M 74.3K 68.9K
                                    

[Kabanata 3]

"IKAW ay magpahinga muna sa iyong silid, Carmelita" napatulala na lang ako sa kanila. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ang pamilya Montecarlos ay laging binibida ni lola Carmina lalo na ang pagpapaunlad nito sa ekonomiya sa bayan ng San Alfonso. Nanghihinayang din noon si lola Carmina dahil hindi nagkaroon ng anak na lalaki sina Don Alejandro at Doña Soledad Montecarlos na siyang magpapatuloy sana ng apelyidong Montecarlos.

Parang tumigil ang pag-ikot ng aking mundo ko. Epekto pa rin ba 'to ng sleeping pills?

Tumingin ang babae sa mga iba pang nakasunod sa kaniya. "Kayo ay mauna na sa simbahan. Aking ihahatid si Carmelita sa kanyang silid" sabi niya sa kanila. Magalang na tumango ang mga babaeng kapareho ko ng damit sa kaniya. 

Tumunog ang kampana. Kasabay nito ang pag-ihip ng hangin dahilan para sumayaw nang marahan ang mga puno sa paligid. Napatigil ako nang makita ako ang matandang babaeng naka-itim na siyang kumuha ng lumang diary. Nakatayo siya sa ilalim ng isang puno mula ilang metro lang ang layo sa'min. 

Nakatingin lang siya sa akin. Wala na sa kamay niya ang lumang diary. Kailangan ko siyang makausap!

Naalala ko na ang University of Santo Tomas ay orihinal na itinayo sa loob ng Intramuros. 

Tumalikod na ang matandang babae at nagsimula na siyang maglakad papalayo. Agad ko siyang hinabol. "Sandali!" tawag ko, hinawakan ko ang magkabilang gilid ng mahabang paldang suot ko para makatakbo ako nang maayos. 

"Carmelita!" narinig kong sigaw ng babaeng kumausap sa'kin. Hindi ko na siya pinansin o nilingon. Kailangan kong mahabol ang matandang babae. ,

"Tumabi kayo!" sigaw ko sa mga lalaking nakasuot ng itim at puti na amerikano na nakakasalubong ko. Nakaharang sila sa daan. 

"Wait! Lola hintayin mo ko!" narinig ko ang ilang sigawan. Napatigil ako sa gitna ng kalsada nang makita ko ang kumakaripas na karwahe na ngayon ay papasalubong na sa akin.

Sa mga sandaling iyon ay hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay naramdaman ko na lang ang malakas na pwersa na humila sa'kin dahilan upang bumagsak kami sa lupa. 

Nabalot ng alikabok ang paligid. Ang huli kong natatandaan ay may lalaking nagsasalita sa ibabaw ko ngunit hindi ko siya marinig hanggang sa tuluyan nang dumilim ang aking paningin. 



MABILIS akong bumangon sa gulat dahil wala akong makita nang imulat ko ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay nasa malambot akong higaan. "Dad!" tawag ko. Ilang ulit ko pang tinawag si Daddy ngunit walang sumasagot. 

Ilang sandali lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Napapikit ako dahil sa liwanag mula roon. "Carmelita. Kumusta ang iyong pakiramdam?" wika ng isang babae. Napakurap muli ako ng dalawang beses. Sino na naman ito?

Nakasuot siya ng puting mahabang bestida, puting balabal na nakapatong sa ulo.. Isinara niya ang pinto, inilapag ang dala niyang ilawan. Napatitig ako sa dala niyang ilaw. Lampara? 

Umupo siya sa bakanteng silya sa tabi ng kama kung saan ako nakaupo ngayon. Bilugan ang kaniyang mga mata at mahahaba ang kaniyang pilik-mata. Matangos ang ilong, maputi at payat. 

"Ano ba ang nangyari sa iyo? Ayon kay Helena ay masama raw ang iyong pakiramdam" napakunot ang aking noo sa sinabi niya. Sinong Helena?

Napaisip ako. Ang huli kong natatandaan ay hinabol ko ang matandang babae na kumuha ng lumang diary. Muntikan na rin akong mabangga ng karwahe. 

"Ako ay nagpadala na ng liham kay ama at ina. Tiyak na ikaw ay pauuwiin nila sa San Alfonso" saad niya, mahinhin ang kaniyang pananalita. Napaisip ako. Nagpadala ng liham? Letter ba 'yon? 

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon