Kabanata 20

2.2M 52.4K 69.1K
                                    


[Kabanata 20]


"Hindi mo na kailangan pang magtago... dahil kahit saan ka man magpunta... makikita at makikita pa rin kita" sabi ni Juanito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Gosh! Bakit ba hindi ko naisip na pupunta din siya ngayon dito haaays. Edi sana pinilit ko na si madam Olivia umuwi pagkatapos namin magdasal sa patay. Close nga pala si Juanito kay Ginoong Valdez kaya syempre pupunta siya ngayon dito.

"Bakit hindi ka makapagsalita? May hindi ba akong magandang sinabi?" seryoso niyang tanong. Omaygash! Magsasalita na sana ako kaso biglang lumapit sa amin si Ginoong Valdez, hinawakan siya sa balikat ni Juanito at niyakap niya ito.

Parang tatay na rin ang turing ni Juanito kay Ginoong Valdez, kaya sigurado akong nalulungkot din siya sa sinapit ng kapatid ni Ginoong Valdez. Lumapit din si Donya Julieta at niyakap si Juanito.

"Alam mo Carmelita napakswerte mo, maraming babae ang nangangarap na mapangasawa si Ginoong Juanito Alfonso, saan ka pa makakakita ng lalaking mabait, maginoo, magalang, matalino, mayaman, at ubod ng gandang lalaki na tulad ni Ginoong Juanito... kaya kung ako sayo wag mong sayangin ang lalaking tulad niya... dahil hindi ka na makakahanap pa ng lalaking higit sa kaniya" bulong sa'kin ni Nenita. Mukhang crush niya din si Juanito kasi kinikilig siya habang binubulong niya sa'kin yung mga salitang yun. 

Napatingin naman ako kay Juanito na ngayon ay busy sa pakikipagusap kina Ginoong Valdez, Donya Julieta, at madam Olivia.

Sabagay tama naman si Nenita, halos na kay Juanito na ang lahat kaso mali ang ma-inlove ako sa kaniya.

Nagulat ako nang biglang tumingin si Juanito sa kinaroroonan ko at nagtama yung mga mata namin. At dahil dun agad akong umiwas ng tingin at naglakad ng mabilis habang hila-hila si Nenita pabalik dun sa kinauupuan namin kanina. My Gosh!

Hindi pa ko ready makausap siya... Omg! Bakit naman kasi nandito siya!

"Teka! Umaakyat din ng ligaw sa iyo ang kapatid ni Helena na si Ginoong Leandro diba?" tanong pa ni Nenita, binigyan ko naman siya ng wag-ka-nga-maingay-diyan-look. At dahil dun napatahimik na siya. Gosh! baka may makarinig sa kaniya. naglakad naman na si Nenita papunta sa iba pang mga babaeng kakilala niya at nakipagkwentuhan siya sa kanila.

Ilang saglit lang, umupo na din si madam Olivia sa tabi ko, naiwan naman sila Juanito at Ginoong Valdez samantalang may sinalubong naman na bagong nakikiramay na bisita si Donya Julieta sa gitna. Agad akong bumulong kay madam Olivia. "Madam Olivia! Uwi na tayo... pleaseee"

Napalingon naman sa'kin si madam Olivia at binigyan niya ako ng what-are-you-talking-about-look. "Sige na! please" ulit ko pa tapos nilambing ko siya. kaso naka-poker face lang si madam Olivia. Gosh!

"Carmela... wag mong iwasan si Juanito, mas lalong mahahalata niyang may gusto ka sa kaniya" seryosong sabi ni madam Olivia. Shocks! ALAM NA NI MADAM OLIVIA? HOW?

Nanlaki yung mga mata ko at nagpalingon-lingon ako sa paligid baka may nakarinig sa sinabi ni madam Olivia, napapraning na ko!

Busy naman si Nenita sa pakikipagusap sa ibang nakikiramay at mukhang busy naman lahat ng tao dito kaya mukhang wala namang nakarinig. "Gosh! Quiet ka lang madam Olivia! Tsaka w-wala naman akong gusto kay Juanito eh" depensa ko pa, tinaasan naman ako ng kilay ni madam Olivia.

"Wala ka pang gusto sa lagay na yan?" pangeecheos ni madam Olivia at dahil dun natauhan ako at narealize ko na nakatitig na pala ako kay Juanito Waaaahhh!

Omaygash! Carmela bakit hindi mo na ma-control ang sarili mo?!

Napatingin naman ako kay madam Olivia at halatang natatawa na siya, napatingin naman ulit ako kay Juanito at nagkatinginan na naman kami. Omg! At dahil dun agad akong tumayo at pumunta sa kusina. My gosh! Bakit ang init ng mukha ko?! At sobrang lakas din ng kabog ng dibdib ko Waaahh!

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon