Kabanata 11

2.2M 58.2K 68.3K
                                    

[Kabanata 11]

"INA, mag-ccr... Ah! este, pupunta lang po ako sa kubeta---Uh! Palikuran po pala." Bulong ka kay ina. Ang konyo naman ng kubeta. Medyo naguluhan siya pero na-gets din naman niya agad na iihi ako.

"O'siya, magpasama ka kay Theresita." Bilin ni ina, narito kami ngayon sa simbahan at nasa kalagitnaan na kami ng misa pero hindi ko na mapigilan.

Sinamahan ako ni Theresita. Paglabas namin sa palikuran ay humarang sa amin ang pinakabatang Alfonso, si Angelito. 

Nakahalukipkip siya at nakatingin ng masama sa 'kin. Nagkatinginan kami ni Theresita. Wala akong maalala na may ginawa akong masama kay Angelito.

Nagbigay-galang kami sa kaniya ni Theresita pero hinarangan pa rin niya kami.

"Maaari po ba kitang makausap? Binibini." Tanong ni Angelito, gusto ko matawa. Ang cute niya. Ang ganda talaga ng lahi ng mga Alfonso. Parang twelve years old pa lang siya pero ang mature na niya magsalita.

"Oo naman." Sagot ko. Gusto kong kurutin ang matambok niyang pisngi!

"Sumunod po kayo sa akin, binibini." Patuloy niya saka inilagay niya ang dalawang kamay sa kaniyang likod. Nagpaiwan si Theresita sa tapat ng palikuran, at sumunod ako kay Angelito na papunta sa hardin ng simbahan.

Tumigil siya sa paglalakad saka humarap sa'kin. "Ako ay may nais lamang na itanong mula po sa iyo, binibini." Saad niya. Parang may matandang kaluluwa na nasa loob ng katauhan ng cute na batang 'to. Napansin niya siguro na natatawa ako kaya nagtaka ang hitsura niya pero nagpatuloy pa rin siya sa sasabihin niya.

"Hindi magtatagal ay magiging bahagi ka na rin po ng aming pamilya... Ngunit iyon ay mangyayari kung matutuloy pa ang kasal niyo ni kuya Juanito." Sabi niya saka tumingin sa kianroroonan ni Juanito. Nasa loob sila ng simbahan, katabi niya sina Don Mariano at Doña Juanita. Nakalimutan ko na whole family talaga sila kung lumakad. Kaya kapag nakita ko na ang isa sa mga Alfonso, more chance of seeing Juanito rin!

"Huwag kang mabahala binibini, aking nang nalalaman ang inyong lihim." Patuloy niya, nawala ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Alam na niya na hindi ako si Carmelita? "Ipinagtapat po sa akin ni kuya Juanito ang totoo noong gabing naabutan kita sa kaniyang silid." Nakahinga ako nang maluwag pero kinabahan ulit dahil baka may makarinig sa sinabi niya!

Kainis. Bakit sinabi ni Juanito? Ang daya. Ako nga hindi ko sinabi kina Maria at Josefina ang plano namin. 

"Binibini?" natauhan ako nang magsalita muli si Angelito. Hindi ako makapaniwala na kinakaya lang ako ng batang 'to. Kung pwede lang hahamunin ko siya ng suntukan!

"Mahirap pakiusapan ang aming ama, at tiyak na magagalit si Don Alejandro sa oras na malaman niya ang inyong plano. Kung kaya't aking iminumungkahi na huwag niyo na sana ituloy ang planong ito." Dagdag pa niya. Napansin ko na nagbago ang expression ng mukha niya, parang nag-aalala siya sa amin. 

"Hindi ko ibig na masaktan ang aking kapatid. Aking nababatid na hindi niya rin nais ang magpakasal... lalo na sa iyo, ngunit mas mahihirapan ang lahat sa oras na hindi niyo ituloy ang pag-iisang dibdib." Nanlaki ang mga mata ko. Tama ba ang narinig ko? Ayaw sa'kin ni Juanito?!

Napatikhim ako, "S-sinabi niya talaga na ayaw niya sa 'kin?" tanong ko, pinipigilan ko ang sarili ko. Baka mapatingin sa'kin ang mga dumadalo sa misa. 

"Hindi naman niya sinabi. Ngunit aking nalalaman na si binibining Helena na may mabuting kalooban, malumanay, at may kaaya-ayang kilos ang napupusuan ng aking kapatid." Paliwanag ni Angelito na para bang fineflex niya si Helena. Sabagay, hindi ko siya masisisi. Maganda at mabait naman talaga si Helena.

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon