Kabanata 17

2.1M 53.8K 60.3K
                                    

[Kabanata 17]


"Bakit nga hindi pwede?" tanong ni Sonya mukhang naiirita na siya sa kuya niya. napaiwas naman ulit ng tingin sa'kin si Juanito tapos napalunok siya.

"H-hindi pwede... dahil nakatakda pa ang kasal namin, b-baka kung anong isipin ng ibang tao kapag nakita nilang nakikipagusap sa ibang lalaki si Binibining Carnelita" sagot ni Juanito. Hindi ko alam kung maiinis ba ko o malulungkot dahil sa sinabi niya...

"Sonya mahal, tama naman si Juanito baka kung anong isipin nila kapag nakita nilang nakikipagusap sa iba si Binibining Carmelita, hayaan mo bibigyan ko na lang si Binibining Carmelita ng mga kaibigan kong binata na pwedeng makipagsulatan sa kaniya" sabi ni Ignacio at pinapakalma niya si Sonya, Ohmygaash! Bibigyan niya ko ng ka-pen pal? Whut the!

"Ignacio... wag na lang hindi naman kailangan ni Binibining Carmelita ng susulatan niya, hindi siya nakakatugon agad sa mga sulat" narinig kong sabi ni Juanito sabay tingin sakin at binigyan niya ako ng um-oo-ka-na-lang-look. Gosh! Tatay ko ba siya? bakit siya nagdedesisyon? at mukhang pinaparinggan niya ko ah.

"Ganun ba? Sayang may kaibigan pa man din akong Espanyol na gustong makaasawa ng Pilipina" sabi pa ni Ignacio. Omygash!

Hindi ko namalayan na nanlaki pala ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ni Ignacio... Omg! Pwede ko na siguro pagtiyagaan at patulan yung espanyol na sinasabi ni Ignacio para makatakas na ko kay Juanito at Leandro.

"T-talaga? Anong pangalan niya------" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nag-ehem ng malakas si Juanito at paglingon namin sa kaniya nakatingin siya ng diretso saken. Omg! Kakatayin niya ba ako ng buhay?

"Mas mabuti kung Pilipino lang din ang iyong mapupusuan, hindi makakapayag ang iyong pamilya na mapalayo ka sa kanila" sabi ni Juanito. Napataas naman yung kilay ko at kilay ni Sonya. Bakit ba nakikisabat siya sa usapan namin nila Ignacio at Sonya? Tsk. Tsk. Tsk.

"Wag kang magalala Carmelita kukumbinsihin ko si Don Alejandro at Donya Soledad" excited na sabi ni Sonya at napatango silang dalawa ni Ignacio, Gosh! Mukhang umaayon na sakin ang tadhana ah!

Magsasalita sana ako kaso biglang umubo na naman ng malakas si Juanito, may TB ba siya? lakas makahawa ah. "H-hindi maari...!" reklamo niya, tiningnan naman namin siya ng masama.

"Bakit na naman hindi pwede?" reklamo ni Sonya napa-pamewang siya. "B-basta! Hindi pwede!" sagot ni Juanito tapos binigyan niya si Sonya ng shut-your-mouth-look.

Magrereklamo pa sana si Sonya kaso napatahimik siya kasi mukhang ang kuya Juanito pa din niya ang masusunod. Haays. Namiss ko tuloy maging panganay, namiss ko maging boss haha.

"Tsk. Tara na nga" sabi na lang ni Sonya at naglakad na sila ni Ignacio papunta sa grupo ng mga kalalakihan at nagsimulang magkipagkwentuhan sa kanila.

Naiwan naman kami ni Juanito sa tapat ng bintana. Tsk. Ano bang klaseng celebration to? Si Juanito, Sonya, Ignacio at Kapitan Corpuz lang ang pwede kong makausap dito haaays.

Ilang sandali lang naramdaman kong lumapit ng konti si Juanito sa tabi ko "kamusta? Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos" narinig kong sabi niya, in-erapan ko lang siya. Wow ah! parang kanina lang ang lakas niya maka-tatay diyan tapos ngayon parang wala nangyare? 

"Si kuya Sergio na ang umako sa pangangalaga kay Cristeta at sa pamilya ni Mang Pipoy" sabi pa ni Juanito. Hindi ko pa rin siya pinansin. Nakakainis kase!

"Hmm... buti na lang suot mo ang kuwintas na bigay ko sayo, mas lalong iyang nakadagdag sa iyong kagandahan" sabi pa niya. Huwwwaaat? Ano daw?

Sa totoo lang never ako kinilig o napangiti sa mga pick-up-lines o sa mga cheesy words pero bakit ganun? Napunta lang ako sa panahong ito naaapektuhan na din ang perception ko sa buhay Waaahh!

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon