Chapter 1

1.6K 41 10
                                    

"I'm breaking up with you, Ella."

Up until now hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang sinasabi niya.

Parang nabingi lang ako. Ano ba 'tong sinasabi niya? Nakikipaghiwalay na siya sakin?

Parang kahapon lang ang saya-saya namin sa 1st anniversary namin ah, pero bakit ngayon nakikipaghiwalay na kaagad siya?

"B-bakit? May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Tell me, I'll fix it." pagmamakaawa ko sa kanya habang hawak-hawak ang braso niya.

Pero inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at nag-sorry lang.

Sorry? Anong magagawa ng sorry niya, hindi ba kami maghihiwalay nun?

"Terence please. Wag naman ganito oh, diba sabi mo sakin mahal mo ko? Pero bakit ka nakikipaghiwalay?"

Ayoko ng ganito. Ang sakit lang eh. Isang taon kayong naging mag boyfriend at girlfriend, hindi man laging masaya pero isang taon kayong magkasama.

"Gusto mong malaman?"

Gusto kong malaman pero sa hindi ko malamang dahilan, parang ayaw ko nalang malaman. Bigla akong kinabahan sa maaring sabihin niya.

Hindi ako sumagot kaya lumingon siya sakin at hinarap ako habang umiiyak.

"It's because you're boring. Ella lalaki din ako, may pangagailangan pero hindi mo maibigay-bigay. So, let's end this."

Umiling ako. No! Mali ang iniisip ko. Hindi niya 'to kayang gawin sakin. Mahal niya ako eh, yun ang sabi niya sakin.

"You're lying. You said you love me."

Wala na akong pakialam kung ano paman ang hitsura ko habang umiiyak, gusto ko lang malinawan sa lahat ng pangyayari.

"I'm not lying. Hindi mo ba ako kilala? We've been together for a year, hanggang ngayon hindi mo parin kilala ang isang Terence Rodrigo? I don't take relationship seriously."

Napakuyom ako sa sobrang galit at sakit. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam anong uunahin ko.

Ayoko nang marinig ang sasabihin niya. Ayoko nang pakinggan yun.

"Isa pa..."

"Stop. Stop it, Terence. Minahal lang naman kita pero ito ba? Ito ba ang napala ko sa pagmamahal na binigay ko sayo?"

"I didn't ask for it."

That was the most harsh and bull thing I've ever heard. How could he be so cruel? Alam ko naman na ganyan siya but I thought he's changed.

I thought. Yeah, I just thought.

Tumalikod na siya at aalis na sana pero napahinto siya nang magsalita ulit ako.

"If that's the case. Then, you're a big a-hole jerk!"

Iniwan na niya ako. Sinaktan at tinapon nalang ng basta-basta. Hindi ko akalain na ang isang Daniella Villarante ay binasura lang niya.

Nasaktan ako ng sobra sa ginawa niya, sino ba namang hindi diba? Imagine, isang taon kayong nagsama.

Isang taon niyong hinarap ang mga problema ng sabay.

Isang taon kayong naging magkasalo sa lungkot at saya.

Isang taon yun. Isang taon ang nasayang dahil lang sa gusto niyang makuha ang isang bagay na hindi ko kayang ibigay.

Yun lang ba ang habol niya sakin? Kaya ba niya ako in-approach para dun?

How could I be so stupid? I didn't see it coming. Why did I trust someone like Terence Rodrigo? A womanizer and a jerk.

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Where stories live. Discover now