Chapter 32

534 14 5
                                    

-Vincent Lim POV-

"Hi Ella. Namiss kita."

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Terence kanina dun sa meeting place namin. Buti nalang pala talaga at sumama ako dahil kung hindi, baka didiskarte talaga siya kay Daniella.

Ugh! Totohanin niya talaga yung banta niya sakin na kapag hind pa ako gumawa ng move ay aagawin niya si Daniella sakin? Sasabihin ko naman sana sa kanya eh. Kaninang umaga yung first attempt ko pero tinawanan niya lang ako. Tapos nung lunch time naman wrong timing dahil may confrontation na naganap. Tapos kaninang uwian ay hindi ako makahanap ng tiyempo. Kanina namang papunta kami sa meeting place namin, pinigilan niya ako. Paano ko sasabihin?

Ayokong patagalin 'to dahil baka mamaya niyan maunahan ako ni Terence at baka matorpe na naman ako.

Nang makarating kami sa ***** ay nanibago ako. Sobrang ingay ng music at hindi na kami magkakarinigan. Ang sakit din sa mata ng disco lights at nangingibabaw ang amoy na kakaiba at sa tingin ko amoy alak yun.

Ang dami ding nagsasayaw at may iba namang naghaharutan. Pero teka, pwede ba kami dito? Minor pa lang kami ah.

Nagpunta kami sa parang second floor ng bar na ito tapos may mga sofa doon at tables. Pumwesto kami malapit sa hagdanan. Dalawang sofa ang nandoon.

Si Daryl sa dulo tapos katabi niya si Junice at kasunod ni Junice ay si Bianca naman at ang kasunod ni Bianca ay si Kate. Sa sofa naman na kinauupuan namin ay ako sa dulo then Daniella, at tumabi sa kanya si Terence. Bakit ba siya nandito?

"Kumain naman siguro kayo diba? Order na tayo. Excuse me." Tawag ni Junice dun sa lalaking pagala-gala sa buong bar at kinuha ang order namin.

"Pwede ba tayo dito? Minors pa lang tayo eh." Tanong ko naman sa kanila.

"Ano ka ba, Vincent. Sila Bianca ang may-ari nito noh. Tsaka ibayong pagmamakaawa ang ginawa niya sa daddy niya para payagan tayo dito. Isa pa, tingnan mo naman tayo oh. Mahahalata bang minors tayo?" Sagot naman ni Daniella kaya napatingin ako sa kanya at sobrang lapit pala ng pagkakaupo namin.

Ang awkward lang kaya medyo lumayo naman siya ng konti. Yun nga lang, dun naman siya kay Terence napalapit.

"Kate, palit nga tayo ng pwesto." Suggestion ni Daniella at hindi naman nagreklamo si Kate at tumayo na rin kaya siya na yung napagitnaan namin ni Terence.

Maya-maya ay dumating na yung order namin na puro beer naman.

Sigurado ba sila dito? Ayoko namang matawag na kill joy pero hindi pa ako nakakainom ng beer kahit kailan tsaka paano si Daniella? Iinom ba talaga siya? Baka mapano pa siya mamaya eh. Tsaka nandito si Terence at ayokong siya maghatid kay Daniella.

Selfish na kung selfish pero ayoko lang talagang napapalapit siya ulit sa lalaking ito. Tama, nagseselos nga ako pero ayoko rin namang masaktan pa ulit si Daniella.

Kumuha na sila ng tig-iisang bote ng beer at nag order na naman si Junice ng pwedeng makain habang umiinom.

"Vincent, hindi ka ba iinom?" tanong ni Bianca.

"H-ha? A-ano, hindi kasi ako umiinom eh." Sagot ko sa kanya na siya namang nagpatigil sa kanila at nakatingin lang sakin.

Hindi naman talaga ako umiinom eh tsaka wala rin akong balak. Bukod sa mabaho at hindi ko alam ang lasa ay ayoko ring kino-control ako ng alak. Ganun naman ang nangyayari sa mga taong nasa ilalim ng impluwensiya ng alak diba?

"Bro, para ka namang chicks eh. Masyadong pakipot. Isang bote lang, hindi naman 'to nakakalason eh." Sabi ni Terence sabay abot sakin nung bote ng beer.

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Where stories live. Discover now