Chapter 36

517 12 6
                                    

-Vincent Lim POV-

Napapansin kong kanina pang balisa at wala sa sarili si Daniella. Nagkaganyan siya nung umalis kami sa simbahan kung saan ginanap ang kasal ng daddy niya, particularly sa sasakyan.

Huling alala ko ay may tiningnan siya sa cellphone niya tapos nag-iba na yung mood niya. Si Terence kaya yung nagtext sa kanya? Hindi ko naman kasi siya nakita sa kasal kanina pero nandun yung parents niya. Paano ko nalaman? Kasi narinig kong nag-usap yung mama ni Kate at mama ni Terence. Hindi ako chismoso ah, hindi ko naman sinasadyang marinig yun.

Nandito na kami sa reception, sa hotel nila Bianca. Hindi ko kasama si Daniella dahil kausap siya ng mga kaibigan ng daddy niya at halata sa mukha niyang naiirita na siyang makipag-usap. Kanina pa siyang ganyan.

"May napapansin ba kayo kay Ella?" Napalingon ako kay Kate nang magtanong siya.

"Napapansin? Na ano?" Tanong naman ni Junice habang sumusubo ng spoonful na pagkain.

"Nakakawalang-poise ka, Junice. Wag mo ngang ipakita sa mga tao dito na glutton ka. Nakakahiya ka sa mga Castro." Sermon naman ni Bianca na hindi pinansin ang tanong ni Kate.

Nakita akong umirap lang si Junice at ngumiti naman si Darryl sabay pahid ng gilid ng labi ni Junice. Ang sweet nila. Sana ganyan din kami ni Daniella.

Ay teka, speaking of. Hindi pa pala namin nasasagot ang tanong ni Kate. Ako na nga lang, kinalimutan ata nila eh.

"Uhm...ah...ano. Kate, ano ba yung napansin mo kay...kay Daniella?" Nag-aalangang tanong ko. Hindi kasi kami close ni Kate at hindi ko siya masyadong nakakausap dahil medyo tahimik at parang suplada ang dating.

"Kasi nag congratulate ako sa kanya kanina. Sumagot nga siya pero tumango lang at tulala naman. Silent mode eh." Pag-eexplain ni Kate.

"Eh baka naman kasi nagulat dahil nag congratulate ka sa kanya eh hindi naman niya kasal. Dapat kasi si tito Francis ang kinongratulate mo hindi si Ella-bels."

"Isa pa Junice ha. Kung wala kang matinong sasabihin, itikom mo yang bunganga mo. Anyways, may mali talaga kay Ella eh. Ang tagal na niyang gustong magkaroon ng mommy kaya dapat masaya siya ngayon. But her actions says otherwise. Ibig sabihin, may problema siyang tinatago sa'tin." Napatingin naman kaming lahat sa tinuran ni Kate. Tama nga naman siya.

Pero ano kayang gumugulo sa isip niya?

Hanggang sa natapos yung reception ay hindi namin nakausap si Daniella. Una, busy siya sa pakikipag-usap sa stepmother niya at sa mga taong pinapakilala siya. Pangalawa, nahihirapan kaming i-approach pag nag-iisa nalang siya dahil tulala at parang ang lalim ng iniisip. Nag-aalala tuloy ako para sa kanya.

"Are you sure you're not going home?" Narinig kong may nagsalita sa gilid kaya nilingon ko. Nakita ko si Bianca na kausap ang mommy niya.

"Yes, mom. Magsi-sleep over po kami kina Ella tutal honeymoon naman po nila tito Francis kaya hindi po kami makakaabala ng gabi."

Magsi-sleep over sila kina Daniella? Ngayon ko lang napansin na nagkumpulan pala sina Kate, Junice at Darryl sa di kalayuan nina Bianca at ng mommy niya.

Nang makaalis na ang mga bisita ay naiwan naman kami at yung family ni Daniella.

"We'll go ahead. Mag-ingat kayo sa pag-uwi niyo ha? We'll be back in a week." Sabi nung dad ni Daniella sabay halik sa pisngi ng girlfriend ko. Ang sarap lang sa pakiramdam na tawagin siyang girlfriend.

"Psst! Sama ka sa amin ha? Magsi-sleep over tayo kina Ella-bels." Nagulat naman ako kay Junice nang bigla akong kalabitin.

"H-ha? Eh kasi ano...hindi ako nakapagpaalam sa mama at papa ko tsaka—"

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Where stories live. Discover now