Chapter 5

961 23 4
                                    

-Daniella Villarante POV-

Dismissal time na namin. Hindi kami masyadong nagkausap ng mga girlfriends ko since mababait kami at nakikinig kami sa teachers namin.

Except Junice. Nakayuko lang naman siya at may hawak na ballpen at kunyari nagsusulat pero tulog pala.

Ganun lang siya buong klase. Di naman siya napansin ng teacher namin kaya ayos lang. Para siyang pabebe girl eh, walang makakapigil.

First day of school pa lang pero may klase na agad kami noh?

Ganun talaga dito sa Prime High. Kesyo daw hindi dapat sayangin ang oras dahil balang araw kami daw ang future ng mga business ng family namin. Which is true naman.

"Ella natanggap mo ba ang text ni coach? May meeting tayo ngayon, punta tayo sa gym."

Tumango lang ako sa sinabi ni Bianca habang nagliligpit ng gamit.

Buti nalang talaga hindi nila ako kinukulit tungkol dun sa nasabi ko kanina sa cafeteria. At sana lang hindi na yun maalala pa ni Junice.

Siya lang naman kasi ang pasimuno sa pang-aasar eh.

"May practice kayo? Anong oras matatapos? Mag-online kayo mamayang 9pm ha, chat tayo sa GC may pag-uusapan pa tayo. Diba Ella-bels?"

Alam ko na ang mga tingin na yun. Sabi na eh, hindi niya nakalimutan. Kahit buong period siyang natulog kanina, naalala pa rin talaga niya.

"Sira ang laptop ko." pagdadahilan ko sa kanya para matigil na.

"Anong silbi ng iPhone mo?" isa pa 'tong si Kate eh. Nahawa kay Junice sa pagka-usisera.

"O sige na sige na, matahimik lang kayo."

Yun nalang ang sinabi ko bago sila nagsilayas. Pero naiwan kami ni Bianca dahil nga pinatawag kami ng coach namin sa taekwondo.

Sana man lang walang practice. Nakakaiyamot. First day pa lang kasi tapos practice na agad?

Habang papunta kami sa gym ay pinatay naman ako ni Bianca.

Di, joke lang. Inusisa lang naman niya ako eh. Kala ko pa naman ligtas na ako, di pa pala.

"Uy ikaw ha, tinatago mo na samin yang feelings mo para kay Vincent."

Ha? Sinong Vincent? Yun ba pangalan ni weird guy? Ahh oo makakalimutin kasi ang lola niyo.

"Hindi naman totoo yun eh, sinabi ko lang yun dahil naiinis ako sa kakapalan ng mukha ni Terence."

Oo sinabi ko lang yun dahil naiinis ako kay Terence. Yun lang yun at wag niyo nang bigyan ng malisya. Bakit naman ako magkakagusto sa weird guy na yun aber?

No reason, right? So wala talaga.

"Talaga? If you'll ask me, he's not a bad catch after all. Feeling ko, seryoso siya magmahal."

Tss! Natawa naman ako dun. Siya ba seryoso ba siya sa sinasabi niya? Bakit, close ba sila ng weird guy na yun para masabi niya yun?

Isa pa, kahit seryoso siya hindi ako interesado. Bakit ba niya ako pinagdudutdutan sa lalaking yun?

"Alam mo, Bianca hindi na kasi muna ako sasabak sa giyera. Tama na yung natalo ako sa laban dati with Terence. Ngayon, ifo-focus ko muna yung sarili ko."

Nagkibit-balikat nalang siya saka na kami tuluyang pumasok sa loob ng gymnasium.

Nandun na yung ibang athlete sa taekwondo pati si coach andun na din. Hindi naman sila naka-uniform ng pang-taekwondo at naka-uniform lang ng sa Prime High kaya siguro meeting lang.

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Where stories live. Discover now