Chapter 43

447 9 1
                                    

Vincent Lim POV

"Sigurado ka ba na magugustuhan niya 'to?" Kinakabahang tanong ko kay Junice.

Humingi kasi ako ng tulong sa kanila ni Bianca na isosorpresa ko si Daniella ngayon.

"Oo naman. She loves surprises, parati nga 'tong ginagawa ni Terence—aray!" Pinalo siya ni Kate.

"Ang tabil ng bibig mo. Ah, Vincent. Wag kang kabahan, magugustuhan 'to ni Ella. Promise." Mabait din naman pala itong si Kate. Hindi kasi siya palakibo at minsan lang niya akong kausapin.

Ang daming rason sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Una, hindi siya nagtext kagabi. 12 midnight na nga ako nakatulog kakahintay sa text niya pero wala. Tapos kaninang umaga paggising ko, tinext ko rin siya't nag greet sa kanya ng Happy Monthsary pero wala man lang reply. Tapos ngayon, medyo late siya sa usual time na dating niya dito sa school. Idagdag mo pa ang pressure sa surprise ko na baka hindi niya magustuhan.

Kasalukuyan kaming nasa quadrangle at hinihintay ang pagdating niya. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang estudyante dito eh. Pero bahala na, basta para sa kanya. Espesyal kaya ang araw na to.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na rin siya. Napatingin ako sa wrist watch ko. 7:45 na. Usually ay 7:15 ang dating niya.

"Ella-beeeels!" Tawag sa kanya ni Junice at napalingon naman siya. Pero bakit ganun? Bakit iba ang mga tingin niya?

Lumapit siya sa amin at binigay ko kaagad ang paborito niyang pink roses. Walang emosyon ang mukha niya. Tinanggap niya yun at tiningnan niya ang tarpaulin na hawak nila Bianca at Junice.

Pero mas nagulat ako sa ginawa niya nang itapon niya sa sahig ang bulaklak at saka iyon pinag-aapak-apakan.

"D-Daniella..." Kinakabahan ako ng sobra.

"Ano bang pakulo itong ginawa mo? Nakakahiya ka! Wag mo akong ipahiya sa harap ng maraming tao, Vincent. Baka nakakalimutan mo kung ano ako dito sa Prime High." Walang salita ang lumabas sa aking bibig nang mga sandaling iyon.

Ni hindi ko nga nagawang pigilan siya nang talikuran niya ako. Pero bigla siyang huminto sa paglalakad at walang lingon na nagsalita muli.

"Maghiwalay na tayo, Vincent. Tapos na ang laro ko sayo. Congrats sa katangahan mo."

At tuluyan na nga siyang umalis sa harap ko. Anong nangyayari? Anong ginawa niya? Hiwalay? Laro niya? Bakit ganito? Wala naman akong ginawang masama ah. Wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin at pasayahin siya tapos yun pala laro lang para sa kanya?

Hindi ito totoo diba? Bangungot lang ito diba? Please, somebody wake me up. Gusto ko nang magising sa bangungot na ito.

"Yan ang napapala niya, ambisyoso kasi eh."

"Bagay nga talaga sa kanya. Hindi naman sila bagay ni Ella."

"Linta siya. Serves him right."

Narinig kong bulung-bulungan ng mga tao. At narealize kong totoo pala ang lahat.

"Hoy! Gusto niyo bang tahiin ko yang mga bibig niyo?" Dinig ko ring sigaw ni Junice pero hindi ko nalang pinansin.

"I'm sorry, Vincent." Narinig ko nalang ang paghingi ni Bianca ng paumanhin at saka sila patakbong umalis para yata sundan si Daniella.

Nakatayo lang ako sa gitna ng quadrangle. Pakiramdam ko nanlalata ako. Para akong isang halaman na kahapon lang nasinagan ako ng araw tapos ngayon biglang pinutol at ibinaon sa lupa.

Ang sakit lang. Sobrang sakit. Naiisip ko ang mga ginagawa namin ni Daniella noon. Totoo ba yun? O parte lang din ng laro niya?

"Hoy! Ano na? Eh di pahiya ka? Ikaw kasi eh, ayaw mo pa makinig sakin. Kahit kailan ay hindi ka talaga magugustuhan ni Ella. Masyado kasing malaki ang ulo mo porket kinakausap ka niya."

Wala akong pakialam sa sinasabi ni Christopher. Balik na naman siya sa pambu-bully sakin.

Hindi na ako nagsalita dahil kusang gumalaw ang mga paa ko at naglakad palayo habang lutang pa rin ang isip.

"Aba! Bastos 'to ah. Hoy, kinakausap ka namin. Gago!" At sinikmuraan niya ako.

Wala na akong nararamdamang sakit sa katawan ko dahil mas masakit pa ang ginawa ni Daniella sakin.

"Oy oy oy! Anong kaguluhan ito?"

Nakita ko nalang na nagsitakbuhan na ang mga estudyante nang lumapit sa amin ang isang guro. Humingi nalang ako ng sorry sa kanya at saka naglakad ulit paalis. Paalis sa Prime High. Paalis sa buhay ni Daniella. Paalis sa pesteng laro niya.

Umasa ako eh. Umasa ako na magugustuhan niya ako. Kunsabagay, sino nga ba ako? Outcast lang naman ako sa eskwelahang ito. Walang pangalan at itinuturing na non-existing student. Samantalang siya ay may mabangong pangalan sa buong campus. Sikat siya at maraming humahanga sa kanya. Ang tanga ko lang. Sobrang tanga!

Tumakbo ako palayo. Binilisan ko pa ang takbo ko hanggang sa makarating ako sa lugar na pinupuntahan namin madalas kung saan papanoorin namin ang paglubog ng araw.

Tinukod ko ang mga kamay ko sa tuhod at saka inilabas ang mga luha na kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko.

"AAAAAAHHHHH!!!"

Diba sabi nila nakakagaan ng loob pag sumigaw ka? Pero bakit walang epekto? Sumigaw na ako pero wala man lang nangyari. Sobrang sakit pa rin.

"Bakit...bakit Daniella? Bakit mo ginawa sakin 'to? Sana...sana pala...hindi ako umasa...na ma-magugustuhan mo isang tulad ko. Ang sakit lang eh. King ina ang sakit!" Hindi ko napigilang magmura sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Ano nga kayang bukas ang naghihintay sakin? Makakalimutan ko pa ba siya? Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam.

Luke Reeves POV

I saw what Ella did to Vincent. I even heard what she said. Pero alam kong may matinding rason kung bakit niya ginawa yun.

I followed her at natagpuan ko nalang sarili kong nakatingin sa kanya dito sa rooftop ng building A habang umiiyak siya.

Nilapitan ko siya at walang pasabing niyakap siya. I don't really know what's going on but all I know is that she's hurting right now.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at ihinarap siya.

"What's going on, Ella?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Kahit naman lagi niya akong iniiwasan dahil kay Bianca ay alam kong mabait siya and she didn't mean every word she said to Vincent earlier.

Pinunasan lang niya ang kanyang luha at marahang umiling saka siya tumingin sa kawalan.

"Iwan mo muna ako, Luke. Gusto kong mapag-isa."

Kahit labag sa kalooban ko ay hinayaan ko nalang siya. She needs time for herself. Pero hindi ko talaga siya iniwan. Nasa harap lang ako ng pintuan dito sa may rooftop at nakatingin sa kanya. Just like what I always did. Sa malayo nakatingin.

Siyempre ayoko ring iwan siya at baka mamaya ay tumalon siya mula dito. This is the 8th floor at sobrang taas nito kaya.

Biglang nag-vibrate ang phone ko kaya agad kong tiningnan kung sinong nagtext.

From: Michael Castillo

Tol, tingnan mo ang underground website. May litrato doon ang crush mo.

Anong litrato pinagsasabi nito? Hindi ko na siya nireplyan at agad kong in-open ang website.

Kamuntik ko ng mabitiwan ang cellphone ko nang makita ko ang trending na picture ni Daniella kasama ang isang lalaki na naka-blur ang mukha. They're both naked lying on a bed at mahimbing na natutulog si Daniella while the guy took a selfie.

It has already 876 likes and 2,738 comments. At lahat iyon puro panlalait at panghuhusga.

Is this the reason why she broke up with Vincent? And who is this guy? Why did she slept with this bastard?

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Where stories live. Discover now