Chapter 27

594 14 4
                                    

"Genuine yung ngiti mo dito oh. I'll keep this as a remembrance." Sabi niya habang tinitingnan yung litrato kong nangiti mag-isa.

Siya pala ang kumuha nun. Nasa labas kasi ang camera at yung lens lang ang napasok sa may butas para di nakakahiya sa photographer kung ano man ang magiging pose niyo.

Genuine smile? Oo genuine talaga yun dahil sa kanya yun eh. Siya lang naman ang may kakayahang pangitiin ako genuinely. Lakas na ng tama ko.

"O ayan, sayo yan tapos ito yung akin." Sabay abot niya sa mga litrato.

Two copies pala ang prinint niya. Tiningnan ko isa-isa yung mga pictures. Ang close lang namin tingnan tapos...

Bigla na naman bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko yung resulta huling shot namin sa booth. Yung hinalikan niya ako sa pisngi ko.

"Namumula siyaaa." Agad kong tinago yung picture na tinitingnan ko nang asarin na naman niya ako. Bakit ba ako lagi ang trip nitong asarin? Swerte niya dahil hindi ko siya maasar.

"Na-nagugutom ka ba?" Pag-iiba ko ng usapan. Ayoko nang mang-asar pa siya dahil baka maging walking apple ako sa sobrang pamumula ng mukha ko.

"Hmm... Hindi. Pero bili nalang tayo ng fries tsaka sundae. Tara."

Nagpunta na kami sa fast food chain at tsaka kami bumili. Take out lang kami dahil sabi niya, dun nalang daw kami sa park kumain dahil maganda daw tumambay doon lalo na pag ganitong palubog na ang araw.

Nang makabili na kami ay nagpunta na nga kami sa park at umupo sa may bakanteng bench habang nanunuod ng mga naglalaro ng badminton. Yung iba naman nagba-bike. May iba rin na... Nag ano... Bast nakaupo sila tapos yung lalaki nakayakap mula sa likuran ng babae. Naiimagine ko tuloy na kayakap ko si Daniella habang pinaplano ang magiging future namin.

Ay ano ba yan. Ang bilis ko naman ata. Ni hindi ko nga alam kung ano kami. Ni hindi ko nga rin alam kung totoo ba talaga yung sinabi niyang nanliligaw siya. Isang beses lang niya sinabi yun at nung monday lang. Ayoko namang magtanong dahil pinangungunahan ako ng hiya ko.

Nang matapos kaming kumain ay umalis naman siya at lumapit dun sa mga naglalaro ng badminton. Ewan ko kung anong pinag-usapan nila dahil hindi naman ako si Superman na nakakarinig parin despite the distance.

Pero maya-maya ay umalis yung lalaki at may kinuha sa bag niya. Inabot niya yun kay Daniella at nakita ko namang racket yun. Bumalik na siya sa pwesto namin at inabot sakin ang isang racket.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko sa kanya habang inaabot ang racket.

"Kakainin mo. Malamang maglalaro tayo. Lika na."

Napakapilosopa talaga niya kahit kailan. Ang seryoso ng tanong ko tapos babarahin ako. Tanong ko lang, kapatid kaya siya ni Vice Ganda? Psh! Kalokohan. Pero kahit naman ilang beses niya akong barahin, ayos na ayos lang sakin. Hindi naman ako napipikon, sa katunayan natutuwa pa nga ako't napapangiti. Astig kasi siya eh.

Tumayo na ako at lumapit sa kanila.

"This is Cheska and his boyfriend, Zach. Guys, this is Vincent." Pagpapakilala sa amin ni Daniella.

Inabot naman nila ang kamay nila kaya tinanggap ko. Muntik pa akong mabilaukan kahit wala naman akong kinakain dahil sa sinabi nung Cheska.

"Gwapo ng boyfriend mo, Ella. Napakaformal ng suot, maglalaro talaga kayo ng badminton?"

Tumawa lang si Daniella sa sinabi niya tapos tumango. Hindi ko tuloy alam anong sagot niya dun sa sinabing 'boyfriend'. Pero teka, magkakilala ba sila?

Hindi na ako nakapagtanong dahil nagpunta na sa kabila sina Zach at Daniella tapos naiwan kami ni Cheska dito.

Teka lang naman, sila yung opponent namin? Tapos si Cheska yung partner ko? Bakit parang nagkapalit ata? Ako dapat yung partner ni Daniella at hindi yung Zach na yun.

Si Zach ang nagserve at si Cheska naman ang sumalo. Nagsimula na yung laro namin pero nag-uusap lang kami ni Cheska. Nakikita ko rin namang nag-uusap din sila Daniella at yung Zach. Nagngingitian pa sila. Ano ba yan.

"Paano ba manligaw ang isang Daniella Villarante?" Sa tanong niyang yun, hindi ko tuloy nasalo yung shuttle cock kaya sa kanila yung score.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya at siya naman ay bahagyang natawa.

"Pinsan ko si Junice. Kaibigan ko rin si Ella at updated ako sa mga pangyayari sa flower girls sa Prime High. Sa daldal ba naman ni Junice."

Kaya pala alam niya. Ang daldal nga talaga ni Junice eh. Napalakas yung tira ko sa shuttle cock at nung sasaluhin na sana ni Daniella yun ay natisod pa siya at napaupo.

Agad naman kaming nagpunta sa kinaroroonan nila at uupo rin sana para tulungan siya pero umupo na yung Zach at hinawakan ang paa ni Daniella at bahagyang inikot-ikot ito para hindi mamaga.

Oo na, nagseselos na ako. Boyfriend ba talaga siya ni Cheska? Bakit siya humahawak sa ibang babae?

"Wag ka ngang magselos, ganyan lang talaga si Zach. Maawain at matulungin."

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Cheska at hinawi ko ang kamay ni Zach sa pagkakahawak niya sa paa ni Daniella. Agad akong umupo patalikod sa kanya.

"Sakay." Matipid kong sabi.

"Pe-pero mawawala din naman---"

"Sakay na." Pag-uulit ko. Magrereklamo pa eh, gusto ba niyang hawak-hawakan siya nung Zach na yun? Wala akong tiwala sa lalaking yun. Kahit sa harap ng girlfriend niya ganun ang inaasal niya. Anong klase siyang lalaki?

Naramdaman ko naman ang pagkapit niya sa may leeg ko kaya tumayo na ako at naka piggy back ride siya sakin.

"Cheska, una na kami ha. Chika nalang tayo next time." Paalam niya sa kanila.

Dinala ko siya sa seaside malapit sa park at inupo sa isang bakanteng bench na nakaharap sa dagat. Sunset na pala. Ito yung paborito naming gawin tuwing hapon, ang panoorin ang paglubog ng araw at iwan ang lahat ng hinanakit sa araw na ito at ihanda ang sarili sa panibagong araw bukas.

"Nagseselos ka ba? Iba kasi aura mo kanina eh." Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko. Ayokong umamin na nagseselos nga ako. Bukod sa aasarin na naman niya ako, ay parang nag confess na rin ako sa kanya na kaya ako nagselos dahil may nararamdaman ako para sa kanya.

"Dito ka lang muna, bibili ako ng kahit anong malamig para ilagay sa paa mo. Baka mamaga pa yan mamaya." Pagpapaalam ko sa kanya.

Pero bago ako makaalis ay hinawakan niya ako sa braso. Napatingin naman ako sa kanya at nakatayo na siya.

"Wag na. Okay naman ako eh, ito oh nakatayo na nga ako. Panoorin nalang natin yung magandang paglubog ng araw."

Umupo nalang ulit kami sa bench at pinanuod ang sunset.

Naiisip ko tuloy kung kailan kaya ako magakakaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko? Hindi naman kasi ako ganun ka-vocal tapos wala akong confidence at natatakot akong mareject. At kapag nareject ako, iiwas na siya at mawawala pati ang friendship namin. Ayokong mangyari yun kaya dapat akong makuntento sa kung anumang meron kami ngayon. Kahit pagtripan niya pa ako tungkol dun sa panliligaw niya kuno, okay lang sakin.

"Vincent?"

Napalingon ako sa kanya nang magsalita siya. Pero hindi naman siya sakin nakatingin at dun lang sa dagat.

"Nakipagbalikan sakin si Terence nung tuesday. At sinabi niya rin sakin ang totoong dahilan kung bakit niya ako hiniwalayan. Hindi pala siya isang jerk. May tinatago pala siyang problema at ayaw niya akong madamay kaya siya nakipaghiwalay sakin."

Sa tono ng boses niya, halatang nalulungkot siya. Pakiramdam ko tuloy parang tinutusok ng maraming karayom ang puso ko.

Hindi ko alam kung saan ako nasasaktan. Dahil ba malungkot siya o dahil sa iniisip kong baka nagkabalikan na nga sila?

"At dahil sa pag-uusap naming yun, I realized something."

Ayoko. Ayokong marinig ang sasabihin niya, ayokong aminin niya sakin na narealize niyang mahal pa niya si Terence at babalikan niya yun. Ayokong mag confide siya sakin sa nararamdaman niya para kay Terence.

"Mahal ko siya, Vincent."

Sobrang sakit lang.

-----------------------

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Where stories live. Discover now