Chapter 4

965 23 7
                                    

"Oo gusto ko siya at hindi ako nagpapatawa. Bakit standards lang ba ang basehan pag nagkagusto ka?!"

Lahat sila nagulat sa sinabi ko, pati nga ako eh sobrang nagulat sa mga lumabas sa bibig ko.

Nakakahiya! Baka isipin pa ng weird guy na ito na gusto ko talaga siya. Pwede bang bumukas ang lupa ngayon at buong puso kong tatanggapin kung lalamunin ako ng lupa. Now na!

Sa lahat ba naman ng sasabihin ko dahil sa aking pagkainis ay yun pa talaga?

Nakakainis naman kasi ang palakang 'to eh, kung bakit pa kasi niya ako prinovoke ng ganun.

Pero totoo naman ang sinabi ko diba? Kung totoong gusto mo ang isang tao, mahalaga pa ba yung standards mo? Hindi naman diba?

Biglang tumunog ang bell tanda na tapos na ang lunch time namin.

Unang tumayo si Terence at nagdabog na umalis. Sumunod naman sila Bianca, Junice at Kate na kinindatan pa ako at nag-fighting pa talaga.

Naiwan kami ni weird guy dito sa cafeteria.

Parang gusto kong magpanic dahil sa kahihiyan na nasabi ko sa harap niya kanina.

"Nag-bell na. Hindi ka pa ba papasok?" yun nalang nasabi ko dahil ang bastos ko naman kung iiwan ko lang siya na wala akong ginagawa diba?

Nakayuko pa rin siya at hindi ako magawang tingnan. Ang weird talaga. Ganito ba siya ka-mahiyain?

I snapped my fingers dahil hindi naman siya nagsalita.

"Bingi ka ba? Sabi ko, hindi ka ba papasok? Nag-bell na kaya."

Ano ba naman 'to, pipi ba siya o bingi?

"Si-sige. Ma-mauna na ako." yun lang ang sinabi niya sabay takbo palabas ng cafeteria.

Ang hina pa ng boses niya. May phobia ba siya sa tao?

Ewan ko sa kanya. Makabalik na nga lang sa classroom.

-Vincent Lim POV-

First day of school ngayon. Gaya nung last year, outcast pa rin ako sa Prime High.

Hindi naman kasi ako mahilig makihalubilo sa mga tao. Ni hindi rin ako nakikipag-usap sa mga tao. Maliban nalang sa mga teachers.

Ewan ko pero natatakot akong ma-reject dahil sa personality o attitude ko.

Ganito na ako noon pa lang. Walang kaibigan, laging nag-iisa, at tinuturing na outcast sa school na pinapasukan ko.

Dito nga sa Prime High walang pumapansin sakin, para akong hindi nag-e-exist dito.

Ah mali pala, may pumapansin sakin. Si Christopher at ang mga alagad niya.

Pinapansin niya ako hindi dahil sa gusto niyang makipagkaibigan. Pinapansin niya ako dahil binu-bully nila ako.

Wala naman akong magawa kundi sumunod nalang sa gusto nila. Hari-hari siya sa section namin.

Classmate ko siya last year, akala ko ngayong second year na kami ay hindi na. Pero sa kasamaang palad, magkasama pa rin kami sa iisang section.

Siguro sa apat na taon ko sa high school dito sa Prime High ay bullied ako nila Christopher at non-existing student dito sa eskwelahang ito.

Nanatili lang naman ako dito dahil kahit walang pumapansin sakin para makipagkaibigan ay masaya naman akong nakikita ko siya.

Si Daniella Villarante. Yung Ms. Famous ba. Secret lang natin ha, crush na crush ko kasi siya eh.

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Where stories live. Discover now