Chapter 31

545 12 2
                                    

Nasa likod kami ng building A at tinutulungan na ayusin ang mukha ni Junice dahil nagkalat na yung eyeliner niya sa kakaiyak niya. Bakit ba kasi siya umiiyak, alam naman niyang mahilig siya sa eyeliner eh.

"Sige umiyak ka pa para magmukha kang aswang niyan." Sabi ni Bianca habang nilalagay sa trash can yung wet wipes na ginamit.

"Teka lang ha. Pwede na ba akong magsalita? Kasi kanina pa ako natahimik at hindi ko alam anong uunahin ko. Ikaw Junice, anong ibig sabihin mo dun sa pang-aakit ng boyfriend?" Di ko na napigilang magtanong dahil papatayin ako ng curiosity ko eh.

Umayos ng upo si Junice at naiiyak na naman. Hindi na namin siya pinigilan dahil wala na naman siyang eyeliner.

"Sorry Ella-bels. Naglihim ako sayo. Ang totoo kasi niyan, ex girlfriend ni Daryl yung kapatid ni Farrah. At sinabi nilang inakit ko daw siya kaya ako na ngayon ang girlfriend niya kahit hindi naman totoo. Sorry dahil hindi ko sinabi sayo. Ayoko lang namang mamroblema ka sa love life ko eh. Tsaka nasermonan na nga ako ni Bianca, ayokong pati ikaw sesermonan ako." Humahagulgol parin siya ng iyak habang sinasabi yun.

Ito pala ang nililihim nila. Kaya pala minsan pag naaabutan ko silang seryosong nag-uusap-usap ay hindi nila tinutuloy ang topic nila. Pero hindi naman nila kailangang itago sakin yun eh. Para saan pa't best friend nila ako, diba?

Isa pa, hindi ko naman huhusgahan si Junice about dun sa pambibintang nila.

"Eh bakit hindi niyo sinabi sakin? Hindi naman kita huhusgahan dahil alam kong hindi mo kayang gawin yun. Isa pa, nakita ko kung paano ka tingnan ni Daryl kaya masasabi kong hindi mo siya inakit."

"I'm sorry, Ella."

Nang matapos ang kadramahan namin dun sa likod ng building A ay nagsibalikan na kami sa classroom namin dahil tapos na ang lunch break. Hindi na tuloy kami nakapaglunch kaya nagdecide kaming mamayang uwian, kakain kami. At syempre humirit na naman si Junice na isasama daw si Vincent dahil kasama niya si Daryl.

"Ah ganun? So ano 'to pares-pares? Paano naman kami ni Kate?" Reklamo ni Bianca.

"Ay sus. E di kayo nalang dalawa. Hahahaha!"

"Gusto mong ipagkalat ko sa buong campus ang picture mo kaninang umiiyak ka habang kalat na kalat ang eyeliner at mascara mo? O heto oh."

Naghabulan naman silang dalawa papasok sa classroom. Natatawa nalang ako sa kabaliwan ng mga kaibigan ko.

"Pasensya ka na, Ella ha. Ayaw kasing ipasabi ni Junice sayo kasi nahihiya siya sayo. Actually, si Bianca lang talaga ang may alam nun. Kilala mo naman si Bianca diba, ate material siya. I just overheard them talking about it. Ayaw niya din sana ipaalam sakin. Yung rason niya? Inosente daw kasi tayo at baka hindi natin siya maintindihan since involve dun ang 'akit-akit' thing at nakakahiya daw sa atin." Paliwanag ni Kate sakin habang papasok kami sa classroom namin.

"Minsan talaga akala natin walang dinadala 'tong si Junice. Bukod sa kadaldalan niya, dinadaan niya lahat sa pagsusuot ng maskara niya na nagtatago ng tunay niyang nararamdaman."

Ngumiti lang si Kate sakin at saka tuluyan na kaming pumasok sa loob.

Nagdiscuss lang naman yung mga teachers namin tapos nag-quiz naman kami sa Science.

After that, wala namang masyadong nangyari. Kaya nung uwian na tuloy na yung planong gathering namin.

"O sige, kita nalang tayo sa ***** ha? Bawal ang late." Pagpapaalam ni Junice.

Ha? Anong bawal ang late? Hindi ba kakain lang kami?

"Teka-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sumingit si Bianca.

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Where stories live. Discover now