Chapter 19

637 14 2
                                    

-Daniella Villarante POV-

2 weeks. Dalawang linggo na akong iniiwasan ni Vincent at hindi ko alam kung anong nangyari. Nagalit kaya siya nung hindi ako nakapagreply sa text niya na sabay kaming maglunch?

May practice kasi kami nun tapos pinuntahan din ako ni Terence dahil kinausap niya ako tungkol dun sa incident na nangyari sa amin ni Farrah.

Iniiwasan ko din kasi siya. Na clear up na rin yung misunderstanding sa amin tapos kinukulit na naman niya akong liligawan niya daw ulit ako which is hindi ko pinayagan.

Nag-away pa kami nun dahil bigla-bigla nalang niya akong niyakap.

Aish! Bahala na siya sa buhay niya. Ang importante ngayon ay kailangan kong makausap si Vincent.

Gusto kong ayusin kung ano man ang problema dahil ayokong mag-isip na kung anu-ano at baka madistract lang ako sa tournament namin bukas.

"Kumusta naman pala kayo ni nerd guy?" tanong sakin ni Kate habang sumusubo ng butter scotch.

Nasa cafeteria kami ngayon at kanina pa nila ako kinukulit na magkwento dahil madalang nalang kaming magkasama kasi busy din ako sa training namin.

Kibit balikat lang ang sinagot ko sa kanila dahil wala ako sa mood magkwento. Gusto ko lang kumain nang kumain ngayon dahil bukas light meal nalang ako.

"Wag niyo ng kulitin yan dahil halata namang hindi sila bati ni nerd guy." sagot naman ni Junice.

Kumain lang kami ng kumain dun hanggang sa mag-bell na kaya dumiretso na kami sa classroom namin dahil may quiz kami ngayon sa Filipino tungkol sa Florante at Laura.

Nag-review lang kami ng 5 minutes tapos dumating na yung teacher namin.

Sisiw lang naman yung naging quiz namin dahil puro tauhan lang sa Florante at Laura ang hinahanap at meron ding kung ano sila dun sa kwento.

Buong subject ay lumilipad ang isip ko. Si Vincent Lim kasi eh, ano bang pinakain niya sakin at nagkakaganito ako? Baka naman ginayuma na niya ako?

"Okay, class dismiss." narinig ko nalang na sabi ng teacher namin. Gaano na ba ako katagal na nakatanga? Hindi na tuloy ako mapalagay.

"Guys shortened tayo ngayon dahil may faculty meeting ang mga teachers. Pwede na tayong umuwi."

"Wohooo!"

Ang saya nila sa binalita ng class president namin na wala na kaming klase. Bakit ba may mga estudyanteng masaya pag walang pasok? Sana nalang pala hindi nalang sila nag-aral dahil kasiyahan naman nila ang walang klase.

Nagpaalam na sila Bianca, Kate at Junice dahil may bibilhin daw silang mga gamit. Hindi nalang ako nagtanong kung ano. Dahil nga wala ako sa mood.

Tiningnan ko ang cellphone ko pero wala namang text galing sa kanya. Ano bang silbi ng cellphone niya? Ugh! Naiinis na ako.

Nagpunta nalang ako sa gym dahil may meeting kami ni coach ngayon. Wala na kaming practice ngayon para makapagpahinga kami para sa tournament bukas.

Nang makarating ako dun, buti nalang naabsorb ng utak ko lahat ng sinabi ni coach dahil kung hindi, papatayin ko talaga ang Lim na yun pag nakita ko siya.

"Bawal mag soft drinks ha? Light meal lang din. Kita tayo dito bukas at 6:30 dahil 7am ang registration." sabi ni coach bago kami pinauwi ni Joshua.

"Good luck sa atin bukas, Ella. Una na ako." pagpapaalam sakin ni Joshua. Nasabi ko naman diba na siya ang rep sa boys tapos ako sa girls.

"Ge. Good luck din."

Palabas na ako ng school nang makasalubong ko si Luke. Kaklase namin siya last year pero nalipat siya sa kabilang section ngayon kaya magkaklase sila ni Terence.

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon