Chapter 37

460 10 2
                                    

-Daniella Villarante POV-

Tulog na sina Kate, Junice at Bianca pero ako? Gising na gising ang diwa ko. Hindi ako dinadalaw ng antok dahil sa kinuwento ni Vincent kanina matapos ang usapan nila nung may ari ng private number na nagsesend ng threat message sakin.

Unang pumasok sa isip ko si Farrah pero tapos naman yung issue na yun diba? Hindi pa ba siya tapos sa paninira sakin? Hindi ko man lang alam kung bakit talaga niya ginawa sakin yun eh. Dahil ba ako ang niligawan ni Luke dati at hindi siya? Imposible naman kung yun lang. Masyadong mababaw eh.

Palimbag-limbag na ako sa pagkakahiga pero wala pa rin, hindi pa rin ako makatulog. Pasado alas dos na ng madaling araw, nasaan ba ang antok ko?

Nagpasya akong bumaba para magtimpla ng gatas, baka sakaling makatulog na ako pagkatapos. Habang pababa ako ay naalala ko na naman yung may ari ng private number. Sabi ni Vincent ay matagal na daw niya kaming minamanmanan. Nandito kaya siya sa loob ng bahay? Aish! Nagiging praning na ako eh.

Pagka-on ko ng switch ng kusina ay pakiramdam ko lalabas mula sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang pagkagulat. Akala ko serial killer na yung nandito gaya nung mga napapanood ko sa mga movies. Ano ba kasing ginagawa niya dito?

"Vincent naman. Papatayin mo yata ako sa gulat eh. Ano bang ginagawa mo diyan sa dilim?" iritadong tanong ko. Kasi naman, nakakagulat kaya. Ikaw daw ba nasa sitwasyon ko, nag-iisip ka na ng kung anu-ano tapos pagka-on mo pa lang ng switch ay may bubungad na tao sa harapan mo. Hindi ka aatakehin?

"So-sorry. Hinahanap ko kasi ang switch." Sagot niya nang nakayuko. Na-guilty tuloy ako sa pagtataray ko kanina. Pasensya naman po, nagulat lang talaga ako ng sobra.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito sa kusina? Nagugutom ka ba?" tanong ko habang iniinit ang tubig sa electric kettle namin.

"Hi-hindi naman. Iinom lang sana ako ng tubig, hi-hindi kasi ako makatulog."

Iinom ng tubig dahil hindi makatulog? Eh mas lalong hindi siya makakatulog niyan, may pagka-engot din 'tong si Vincent minsan. Pansin niyo? Tss!

Nag-prepare na ako ng gatas at tinimplahan ko na din siya. Nakakahiya naman kung ako lang ang iinom diba tapos nandiyan siya. Napagpasyahan din naming mamaya nalang umakyat sa mga kwarto namin, gusto rin kasi niyang makita yung kagandahan ko nung bata pa ako. Chos!

Nasa living room na kami habang pinapakita ko sa kanya ang photo album kung saan nandoon lahat ng pictures ko nung baby hanggang sa magdalaga na ako. Hindi naman ako yagit tingnan noon dahil alagang-alaga nila ako dati tapos hindi pa ako pinapalabas ng bahay kaya okay lang kung tingnan niya yun.

Habang tumitingin siya sa mga pictures sa album ay napatingin naman ako sa kanya, sa maamong mukha niya. Minsan naiisip ko na dati hindi ko naman siya kilala. Dati hindi ko siya napapansin. Dati, wala siya sa mundo ko. Pero ngayon, naagaw niya ang pansin ko. Ngayon, nakakasalamuha ko na siya. Ngayon, boyfriend ko na siya. Parang ang bilis lang ng panahon. Parang kahapon lang nung kami pa ni Terence.

"Ikaw ba 'to?" Napalingon ako sa photo album na hawak niya at nakita ko naman ang isang picture ng batang ako na hubo't hubad.

My gaaaash! Kahit bata pa yan, ayoko pa ring may nakakakita ng pagkababae ko. Especially him. Nakakahiya!

"Wag mo nga 'tong tinitingnan. Di ko alam perv ka pala." Maktol ko habang kinukuha yung picture mula sa album.

Kung bakit ba kasi nilagay pa ni daddy ito sa album eh. At kung bakit ba kasi nila ako kinuhanan ng litrato na walang saplot sa katawan? Eh wala naman ako sa kapanahunan ni Adan at Eba. Tss!

"Bakit? Ang cute kaya." Cute? Ang sabihin niya, pervert siya. Kala ko pa naman inosente ang isang 'to. Yun pala may tinatagong berdeng isip.

"Hindi yan cute. Kahalayan yan. Kahit bata pa ako dito, ako parin yun. Baka mamaya ini-imagine mo na pala ako."

Nagulat siya sa sinabi ko kaya umupo siya ng maayos paharap sakin wearing that very hilarious expression on his face. Can I burst out laughing? Nakakatawa talaga yung hitsura niya promise. Parang anak lang na nahuli ng mommy niyang nanunuod ng x-rated video hahahahaha!

"Hi-hindi ah. Ka-kahit kelan hi-hindi ko iniisip ang ga-ganung bagay sayo." Napapangiti ako sa expression niya lalo na ngayon na namumula na siya. Alam ko namang hindi siya gaya ng ibang lalaki na iniimagine yung mga girlfriends nila sa mahahalay na paraan, pero gusto ko siyang asarin eh.

"Talaga? Eh bakit ka nauutal? Tsaka, namumula kaaa. Uuuy, ikaw ha? Pinagpapantasyahan mo ko. Uuuy!" Sinusundot-sundot ko pa siya sa braso niya. Nangangamatis na ang mukha niya. Ang sarap lang asarin. LOL!

Natigil lang ako sa pag-asar sa kanya nang bigla niyang takpan ang mukha niya ng dalawang kamay niya. Hala! Umiyak ba siya? Alam niyo minsan naiisip ko kung bakla ba itong si Lim. Bukod sa ubod ng torpe, napakamahiyain pa. At kung kumilos minsan parang babae. Saan ba ito pinaglihi? Sa makahiya?

"Uy, okay ka lang? Sorry na. Inaasar lang naman kita eh." Suyo ko sa kanya nang hindi parin niya tinatanggal ang mga palad niya sa kanyang mukha. Ang OA na nito, para na siyang batang babae na inagawan ng barbie.

Sinubukan kong alisin ang mga kamay niya sa mukha niya at nagtagumpay naman ako pero nakayuko naman siya. Problema nito? Bakit ang OA? Psh!

"Vincent naman eh. Wag ka ngang parang babae diyan." Sinisilip ko yung mukha niyang nakayuko. Pambihira 'tong lalaking ito eh. Pwede bang sapakin?

"Vin-" hindi ko na natuloy ang pagtawag ulit sa pangalan niya nang bigla siyang mag-angat ng tingin. Ang ending? Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Pakiramdam ko, ako na naman yung namumula ngayon. Lumalakas din ang tibok ng puso ko ngayon na pakiramdam ko sa sobrang lakas nito at ito lang ang naririnig ko.

Ito na ba ang VLE o ang Vincent Lim Effect? Saan naman galing yun? Nahahawa na ako ng weirdness ng lalaking ito eh.

Ako lang ba ito o parang mas lumalapit pa yung mukha namin sa isa't isa? Parang oo eh. Natetempt akong ilapat yung mga labi ko sa mga labi niya.

Ito na ba yung magiging first kiss namin? Hindi ko naman kasi kino-consider na kiss yung nangyari dun sa bar. Dala lang yun ng alak na pinainom nila Bianca sa kanya.

Pero... Nararamdaman ko na ang hininga niya. One inch nalang ang layo ng labi niya at maaabot ko na ito. Pipikit na ba ako? Sige na nga. Alangan naman mag-kiss kami na nakadilat noh?

"Ehem! Ehem!"

Mabilis pa sa alas kuwatro na napadistansya kami sa isa't isa nang makarinig kami ng boses galing sa likuran.

"Pasado alas tres na. Anong ginagawa niyo dito?" Sa lahat ba naman ng makakakita ng ganung scene ay yung kuya ko pa? Aish! Nakakahiya na nakakainis na nakakabadtrip na ewan.

Teka, alas tres? Isang oras mahigit na pala kami dito at hindi man lang ako dinalaw ng antok. Syempre, andiyan siya eh. Yihihihi ♥_♥

"Ah kasi pinapakita ko lang sa kanya yung pictures ko nung mga bata pa tayo. Tsaka parehas kaming di makatulog kaya ayan." Paliwanag ko sa kuya kong panira ng moment na nakakunot ang noo.

Nahihiya tuloy ako. Feeling ko nangangamatis na ang mukha ko sa sobrang pula. Grrr!

"Ahh ganun ba? Sige. Maghiwalay na kayo ngayon."

What the vdicbdhbxodbci!!!!

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Where stories live. Discover now