Chapter 20

606 18 3
                                    

Ngayon na ang tournament namin. Hindi ko alam kung mananalo ba ako o hindi. Unang-una, kahit pilitin kong i-clear yung mind ko ay hindi ko magawa dahil sa nangyari kahapon.

Dahil sa pangungulit ni Luke na ihatid ako ay napa-oo nalang ako. And on the way home, nakita kami ni Vincent.

Hindi siya nagsalita at tiningnan lang ako. I tried to explain to him pero umalis na siya na wala man lang iniwang isang salita.

Nainis ako kay Luke kahapon. Sinisi ko kasi siya kung bakit nangyari yun eh. Kung hindi niya ako kinulit nang kinulit na ihatid ako, hindi sana kami makikita ni Vincent at hindi sana siya magtatampo ngayon. Masama ba akong tao kasi sinisi ko si Luke?

Ewan ko ba. Parang gusto ko lang may masisi ako sa katangahan ko.

"Ayos ka na, Daniella? Tandaan mo lang yung laging bilin ko sa inyo. Kabisaduhin niyo ang strat ng opponent niyo."

"Yes coach."

Yes coach yes coach ako dito eh parang hindi naman nag-aabsorb sa utak ko yung mga sinasabi niya eh. Nakakainis! Kailangan ko talagang mag-focus. I need to clear my mind.

Nagwa-warm up ako nang biglang dumating ang mga best friends ko na puro naka-beige ang kulay ng shirt nila tapos may print pa na whole body picture ko wearing our taekwondo uniform at naka-fighting stance.

"Ella-bels! Good luck sa laban mo mamaya. Galingan mo ha? Suportadong-suportado ka namin don't worry." Masiglang sabi ni Junice.

"Oo nga. And don't worry, nagdala din kami ng Ella Fanclub dito. And look at this... Tada!"

Pinakita nila sakin yung banner na dala nila na may nakasulat na GO MS. FAMOUS, DANIELLA VILLARANTE. AJA! Tapos may picture din dun kagaya nung picture na nasa T-shirt nila.

Na-tats po ako dun ng sobra. Ang supportive lang ng mga friendlets ko. At dahil sa tuwa ay napayakap ako sa kanila na parang naluluha naman.

Napansin agad ni Bianca ang pagiging teary eyes ko kaya bago pa tumulo ang mga luha ko ay pinahiran niya kaagad.

"Ano ka ba, banner ang binigay namin sayo at hindi sibuyas kaya wag ka nang umiyak. Tandaan mo, we're here to support you. Manalo man o matalo."

Hinampas naman siya ni Junice sa sinabi niya.

"Wag ka ngang magdasal na matatalo itong manok natin. Nagdasal na ako sa lahat ng santo na kilala ko kagabi kaya mananalo si Ella."

Natawa nalang ako sa mga inasal nila. Napaka-supportive talaga ng mga kaibigan kong ito. At hindi ko sila dapat biguin. Kailangan kong ipanalo ang laban na 'to. Hindi lang para sa school o sarili ko, para na rin sa mga taong sumusuporta sakin dahil ayoko silang madisappoint sakin.

Dumating na din si kuya kasama yung girlfriend niya na siya namang ikinainis ni Junice. Ang landi talaga ng babaeng yun. Kahit na may boyfriend siya, kumikerengkeng pa rin siya sa kuya ko. Kaya nasesermonan tuloy siya ni lola Bianca. Hahahaha

Pero kahit na ganyan si Junice. Alam ko namang seryoso siya kay Daryl. Nakita ko kung paano nila tingnan ang isa't isa. At nakwento rin sa amin ni Junice na ibayong panliligaw talaga ang ginawa ni Daryl dahil hindi lang siya ang niligawan nito kundi pati na rin parents niya.

Nagmukha daw tuloy siyang Maria Clara sa peg na yun. Nung una daw kasi nagalit yung daddy niya dahil nga bawal siyang mag boyfriend pero persistent at pasensyoso kasi si Daryl kaya nakuha niya ang tiwala ng daddy ni Junice. Which is a good thing naman dahil nagsisimula ng magsipag yung bruha sa pag-aaral.

Si Daryl lang naman pala ang katapat ng babaeng yun eh.

"Sorry pala kahapon ha? Naging moody ako tapos di ko pa kayo nasamahan umuwi." Paghingi ko ng dispensa sa kanila.

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Where stories live. Discover now