Chapter 18

610 14 3
                                    

"What do you mean Christopher framed you up? Why would he do that?"

Tanong sa akin ni Ms. Rivera. Nasa school na ako at agad akong pinatawag nang makarating ako dito. Sinabi ko na rin sa kanya na frame up lang yung nangyari.

"Christopher passed that paper to me because I thought uutusan niya po ako. He's been bullying me since first year. But I just kept my mouth shut since he will use his fist against me."

Nakita kong nagulat ang guidance counselor sa sinabi ko. Alam niyang bully si Christopher dahil pabalik-balik na ito sa office niya. Maging sa office ng principal.

Pero ang buong akala niya ay nagtino na si Christopher dahil hindi na siya nakakatanggap ng reports tungkol sa pambubully nito.

"Are you sure about that? If that's the case, then you may go now. I'll just call that guy to come over. I apologize for the incident."

Lumabas na ako ng guidance office at lumapit kay Daniella na ngayon ay naghihintay sakin para malaman ang resulta ng pag-uusap namin ng guidance counselor.

Gusto niya sanang pumasok din kasama ako pero sinabihan naman siya ni Ms. Rivera na dito lang siya sa labas dahil ako lang daw ang kakausapin niya.

"Oh, anong sabi? Naniwala ba siya? Cleared na ba yung pangalan mo? Hindi ka ba binigyan ng punishment?"

Parang pumapalakpak ang puso ko sa tuwa dahil sa mga naririnig ko at sa inaasal ni Daniella ngayon. Nag-aalala siya para sakin at gusto kong magtatatalon sa sobrang saya.

"O-okay na. Ipapatawag daw si Christopher mamaya. Si-sinabi ko rin na... Na binu-bully ako since last year."

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Gusto ko sanang lumayo dahil baka maramdaman niya ang sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko.

Nababaduy na naman ako pero kinikilig ako sa ginawa niya.

Humiwalay na siya sa pagkakayakap sakin at ngumiti nang walang halong kaplastikan.

"I'm proud of you. Buti nalang talaga at sinabi mo yun para naman mapuksa na ang paghahasik-lagim ng Christopher na yun."

Natawa ako sa sinabi niya. Mapuksa ang paghahasik-lagim? Saang movie ko nga ba narinig yun? Ah sa Panday, tama.

"May nakakatawa? Sige tumawa ka pa at tatahiin ko yang bibig mo."

Bakit pakiramdam ko natatakot na akong mawala siya sa tabi ko? Nagiging dependent na ba ako sa kanya o masyadong nasanay na ako sa presence niya?

Ayokong mawala si Daniella sa paningin ko at gusto kong lagi ko siyang nakakasama at nakakausap ng ganito. Gusto kong tinatarayan niya ako at gusto ko ring maging proud siya sa mga ginagawa ko.

Kaya hindi ko siya bibigyan ng sakit sa ulo at hindi ako gagawa ng isang bagay na ikakasama ng loob niya.

Bumalik na kami sa kanya-kanyang classrooms namin dahil may klase pa kami. English na ang subject na naabutan ko.

Pumasok na ako sa classroom at sinabi sa teacher namin na si Mr. Morales na galing ako sa guidance office dahil baka isipin niyang nagcutting classes ako.

Umupo na ako sa upuan ko at hindi ko na pinansin ang paninipa ni Christopher sa upuan ko.

Hindi na ako papayag na api-apihin mo ako. Ihanda mo nalang ang sarili mo sa guidance office mamaya. I thought to myself.

Nang matapos na ang discussion ay lunch time na namin kaya tinext ko si Daniella na kung pwede akong sumabay ng lunch sa kanya.

Oo may cellphone na ako. Nagpabili ako ng cellphone kay mama. Sinabi ko nalang na importante ang merong communication. Hindi ko na sinabing gusto kong magkaroon kami ng communication ng taong mahal ko.

Inayos ko na ang mga gamit ko at lalabas na sana ng classroom nang biglang nagsitayuan sila Christopher, Bogs at Harold sa harap ko.

"Hoy!" Sita niya sabay hampas sa ulo ko.

Hindi ako pwedeng matakot na mapaaway. Ayoko ng ginaganito ako ng mga tao dahil lang sa hindi ako lumalaban.

Gusto kong patunayan sa kanila, kay Daniella at sa sarili ko na hindi ako mahina at kaya kong lumaban.

"Pupunta akong cafeteria. May iuutos ka ba?" Tanong ko sa kanya habang tinitingnan siya diretso sa mata.

Kung dati ay yuyuko lang ako pag andyan sila, ngayon hindi na. Titingnan ko na sila sa mga mata nila para malaman nilang hindi ko na sila hahayaang kontrolin ako.

"Aba, lumalaban ka ha. Bakit? Sa tingin mo ba ipagtatanggol ka na naman ni Daniella? Babakla-bakla ka eh." Tumawa pa sila at nag-apir pagkasabi niya nun.

"Aalis na ako kung wala ka ng sasabihin. Ah nga pala. Pinapatawag ka ni Ms. Rivera sa office niya. Gusto ka niyang i-hotseat."

Tumalikod na ako at lumabas ng classroom. Tiningnan ko ang cellphone ko pero walang reply galing sa kanya kaya pinuntahan ko siya sa classroom niya para tingnan kung nandun siya pero wala.

Nagpunta nalang ako sa cafeteria at bumili lang ng spag at juice. Bawal kasi ang softdrinks dito dahil makakasama daw sa mga estudyante ang mga acidic na gaya ng soda.

Naabutan ko ang grupo ni Daniella dun sa pwesto nila pero silang tatlo lang ang nandun. Nasan kaya siya?

Pagkatapos kong bumili ay tinawag naman ako ni Bianca kaya lumapit ako sa pwesto nila. Nakakahiya naman kung itatanong ko kung nasaan si Daniella. Baka iba ang isipin nila.

"Ikaw lang ata mag-isa. Dito ka na umupo, sabay ka na sa amin. Wala si Daniella dito kung hinahanap mo siya. Nasa gym siya ngayon, practice nila tapos pinagalitan pa siya ng coach niya." Mahabang litanya ni Junice.

May practice siya kahit na lunch break? Hindi ba siya pinapakain ng coach niya?

Tahimik lang akong kumain at nakinig sa usapan nilang hindi ako maka-relate. Minsan inaasar nila ako kay Daniella at may naki-kwento din sila tungkol sa kanya.

Isa na dun ang tungkol sa hobby niya tuwing walang pasok. Ang kumain at matulog.

Matagal na pala silang magkakilala. Elementary pa lang ay magkasama na sila. Hindi na ako magtataka kung bakit sobrang close nila sa isa't isa na para na silang quadruplets.

Sabi nga ni Junice kanina, magkakapatid sila sa ibang magulang.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila. Bumili muna ako ng pagkain para kay Daniella tsaka nagpunta ako sa gym.

Ayokong nagugutom siya. Pinagalitan daw siya ng coach niya, ano kayang nagawa niya?

Mahirap naman kasi isabay ang pagiging athlete mo sa academe. Tapos tournament pa yung sasalihan niya dala ang pangalan ng school kaya alam kong napi-pressure na siya. Lalo pa't running for honors siya.

Nakakabilib siya.

Nung medyo malapit na ako sa gym ay inayos ko muna ang sarili ko. Baka mamaya niyan magmukha akong basahan pag kaharap ko siya.

Pagkapasok ko sa gym pakiramdam ko nagunaw lahat ng yelo sa Antarctica sa nasaksihan ko.

Alam ko naman ang tungkol sa kanila at suportado ako dun. Pero hinayaan ko parin ang sarili ko na mahulog sa kanya kaya tuloy nasasaktan ako sa nakikita ko.

Pakiramdam ko ang selfish ko dahil gusto kong lumayo si Terence kay Daniella. Gusto kong humiwalay siya sa pagkakayakap nila.

Dahil ang sakit lang.

-----------------------

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon