Chapter 16

622 14 2
                                    

Half day lang ang practice namin kanina at pumasok ako sa afternoon class ko kanina.

Dismissal na namin. Maaga kaming dinismiss ng teacher namin kaya pinuntahan ko si Vincent sa classroom nila.

Tama si Bianca. I need to apologize sa ginawa kong kahihiyan. Imagine mo nga yung sukahan ka sa mukha? Nakakadiri kaya yun.

"Anong ginagawa ni Ms. Ella dito? Sino kayang hinihintay niya?"

"Kung sino mang hinihintay niya ang kapal lang ha. Pinaghintay talaga niya si Ms. Ella."

"Oo eh. She's too pretty to wait."

Wala nang ibang napapansin ang mga estudyante dito kundi makialam sa business ng ibang tao. Oh bitch please. Asikasuhin niyo mga grades niyo.

Di nagtagal ay lumabas din si Vincent na nakayuko at may dalang papel. Papel ba yan? Parang picture eh.

"Vincent."

Lumingon siya sakin at nang makita niya ako ay agad niyang tinago ang hawak niya. Ano kaya yun?

"A-anong gi-ginagawa mo dito?" Tanong niya nang makalapit ako sa kanya.

"Sabay na tayong umuwi."

Hindi agad siya nakasagot at yumuko lang. May pupuntahan ba siya bago umuwi?

Magtatanong sana ako nang mapansin kong nagclench ang kamay niya forming it into a fist kaya na-crumple yung kung anumang hawak niya.

Sigurado akong picture yun at kung hihingin ko pa sa kanya yun, I'm sure hindi niya ibibigay kaya agad kong hinablot yun.

Nakita ako ang nasa picture. Stolen siya na magkasama kami ni Vincent. Ito yung nag-ihaw kami ng bangus dun sa resort nila Kate.

Nakita ko din ang picture na 'to sa insta ni Junice.

Bakit siya meron nito? At bakit niya sinira yung picture? Hindi ba niya gustong kinukuhanan siya ng stolen photo?

Magsasalita sana ako nang biglang dumating si Farrah kasama ang mga alipores niya. Classmates sila ni Vincent.

"Ms. Ella you're here. And you're with the..."

Tiningnan niya si Vincent mula ulo hanggang paa. Hindi ko gusto ang tingin na yun ha. Parang nang-iinsulto siya eh. Gusto ata niyang makatikim ng mabulaklak na salita galing sakin.

"...with the cheater."

Automatic na lumipad ang kamay ko at dumapo sa mukha ni Farrah na siyang ikinagulat ng lahat.

Sinong cheater ang tinutukoy niya? Ang kapal ng mukha niya. Kasing kapal ng makeup niya! Anong karapatan meron siya na tawaging cheater si Vincent?

"Did you just slapped me?" Iritang tanong niya. May gana pa siyang mairita noh?

"Tanga ka talaga. Ano sa tingin mo ang ginawa ko? Sipa? Boba! Tsaka ang kapal ng makeup mong sabihan na cheater si Vincent!"

Tinulak ko siya sa balikat pero hindi siya natumba dahil nasalo siya ng mga alipores niya.

Nag-angat siya ng kamay at sasampalin sana ako pero ang sumunod na nangyari ay ibang mukha ang nasampal. At si Vincent ang may-ari ng mukhang yun.

Ang kapal niya talaga bwisit siya! Pakiramdam ko sobrang taas na ng blood pressure ko.

"Hindi ibig sabihin na sikat ka at ikaw ang pinag-uusapan ng lahat ay pwede ka ng magre-reyna reynahan dito!" Sigaw pa ni Farrah.

I was about to say something nang biglang dumating ang terror na guidance counselor.

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon