Chapter 39

434 9 3
                                    

From: Bianca

Luke texted me. Daniella's rushed to the nearest hospital dahil nahirapang huminga. Wala kasi yung nurse sa clinic.

Para akong naiihi sa kakahintay sa jeep kung kelan ito uusad. Pambihirang traffic naman ito oh! Kung kelan nagmamadali ako ay saka pa magpaparamdam.

Hindi na ako naghintay pa kaya agad akong bumaba ng jeep at tinakbo ang St. Jude Hospital. She needs me right now.

"Nurse, a-ano... Daniella Villarante. Anong room?" Agad kong tanong sa nurse na nasa reception.

"Ah yung student from Prime High? Nasa emergency room siya, sir."

"Thanks."

Agad akong tumakbo papuntang emergency room para sana kamustahin at bantayan siya pero para na namang dinudurog ang puso ko sa nakita ko.

Si Daniella na walang malay at nakahilata sa hospital bed habang hawak ang kanyang kamay ni Luke na alalang-alala kung makatingin. Ako dapat ang nandiyan eh. Ako dapat ang humahawak sa kamay niya at naghihintay kung kelan siya magigising.

"Tutunganga ka lang ba diyan?" Agad akong napalingon sa nagsalita at nakita ko si Bianca kasama sina Junice at Kate na halata sa mga mukha nila ang pag-aalala sa nangyari sa kaibigan nila.

Lumapit na sila sa kinaroroonan ni Daniella kaya lumapit na rin ako. Nakita kong bahagyang kumunot ang noo ni Luke nang makita ako.

"Diba ikaw yung nababalitang nililigawan ni Ella?" Tanong niya sakin. Nililigawan? Boyfriend niya na ako.

"Correction, BOYFRIEND ni Ella." Pagdidiin ni Bianca sa salitang boyfriend. Bakit pakiramdam ko may galit si Bianca kay Luke? Ang sabi sakin ni Daniella dati ay may gusto daw si Bianca sa lalaking ito.

"Oh, I'm sorry I didn't know."

Tumango nalang ako at tiningnan ang mahimbing na natutulog na si Daniella. Ano kayang nangyari at bigla siyang nawalan ng malay? Sigurado naman akong alam na niya ang tungkol dun sa issue.

"Gising na siya." Si Kate habang patakbong lumapit sa nurse na nandito sa ER para ipaalam na gising na ang pasyente nila.

"Ella, are you okay? Anong nangyari?" Tanong ni Bianca sa kanya habang hinihimas ang noo niya. Ang daming nagmamahal kay Daniella. Ang dami namin na naniniwalang hindi niya magagawa ang ganung bagay. We're on her side no matter what kaya hindi siya dapat panghinaan ng loob sa issue na ito na wala namang katotohanan. Hindi nga siya naapektuhan ng ganito nung kumalat yung picture dati na nagsasabing malandi siya at two timer.

"I'm okay. Nahirapan lang akong huminga kanina tapos nahilo ako."

Magtatanong pa sana ulit si Bianca nang dumating ang isang babae na medyo may edad na at nakaputing gown.

"You're pregnant."

De joke lang. Walang bed scene dito kaya hindi siya buntis. Ito talaga ang sinabi nung doktor.

"You're experiencing generalized anxiety disorder due to excessive stress kaya ka nahihirapang huminga at agad napagod ang puso mo sa pag pump ng blood. Kumain ka ba ng breakfast?"

Agad kaming napalingon kay Daniella at naghihintay ng sagot kaya bahagya siyang nakayuko at dahan-dahang umiling. Kaya naman pala nahilo dahil hindi naman pala nag breakfast. Pero stressed? Dahil yun sa issue na kumakalat diba? Kung sino man yung nagpakalat ng mga walang kwentang litrato na yun, siguro naman masaya na siyang nakikitang nagkakaganito si Daniella.

"Alagaan mo ang sarili mo, hija. Sa panahon ngayon, bawal ang magkasakit. After a short while, pwede niyo na siyang iuwi." Tugon ng doktor saka umalis.

Dapat kong alagaan si Daniella, I should protect her from people that would cause harm to her. Kailangan kong alamin kung sino man ang may-ari nung private number dahil alam naming lahat na siya ang may gawa nung pagpapakalat ng mga litratong iyon kanina sa cafeteria. Si Farrah kaya? Ayokong manghusga pero malakas ang kutob kong siya talaga eh.

"Ella, umuwi ka nalang muna at magpahinga. Kami na ang bahala mag excuse sayo sa teachers natin." Suhestiyon ni Kate na ngayon ay nakaupo na sa gilid ng kama.

Isang malakas na buntong hininga lang ang pinakawalan ni Daniella saka tumingin sakin at ngumiti.

"Wag niyo na akong alalahanin, okay na ako. Bumalik na kayo sa school dagil may klase pa kayo. Uuwi nalang din ako for now."

Nalulungkot ako pag ganito ang tono ng pananalita niya. Mas lalo ko siyang minamahal pag ganito ang inaasal niya eh. Ayos lang sa kanya na mag-isa siya basta ba wag lang siyang makaabala ng tao. Pero hindi naman siya abala para sa amin eh.

Kinuyom ko ang mga kamay ko. Kung sinuman ang taong nagpakalat ng mga walang kwentang bagay tungkol kay Daniella, malalagot talaga siya sa akin, sa amin pag nalaman namin kung sino siya.

"Sigurado ka? Baka naman gusto mong ihatid ka namin sa bahay niyo?" Junice.

"Hindi na, Junice. Kaya ko na. Sige na umalis na kayo. Luke, salamat sa pagdala sakin dito. Salamat sa pagpunta niyong lahat." Nakangiting sabi ni Daniella na bakas sa mukha niya ang lungkot.

Nang umalis na silang lahat ay nagpaiwan ako kaya agad akong napansin ni Daniella dahil hindi pa ako umaalis.

"Vincent, bakit hindi ka sumama sa kanila? May klase ka pa, wag kang mag ditch. Pumasok ka na, kaya ko naman na."

"Ayoko namang iwan ang...gi-girlfriend ko dito na mag-isa." Naiilang parin ako hanggang ngayon pag binabanggit ang salitang girlfriend sa harap niya.

Bahagya siyang tumawa at hinampas ako sa braso. Mahina lang naman.

"Alam mo nakakatuwa ka talaga pag namumula ka." Tatawa-tawang sabi niya.

Napahawak naman ako bigla sa pisngi ko dahil sa sinabi niya. Namumula ba ako? Nakakahiya naman 'to at sa harap pa talaga ni Daniella.

"A-ayoko namang iwan ka dito. Kahit anong pagtataboy mo sakin, sa-sasamahan parin naman kita." Nahihiyang sabi ko na medyo yumuyuko-yuko pa. Naiilang ako sa tingin niya habang nakangiti eh.

"O sige, since ayaw mo namang umalis, dun nalang tayo sa bahay."

Sa bahay? Sa bahay nila? Kaming dalawa lang? Ako lang ba ito o sadyang nagiging marumi na yung utak ko? Nagyayaya si Daniella na pumunta kami sa bahay nila?

Napalunok naman ako sa sinabi niya. Anong gagawin namin doon? Manonood ng movies? Tapos yung romance pa. Tapos biglang may mag-kiss at...

"Vincent? Okay ka lang?" She snapped.

"Ah..o-oo, o-okay lang."

Tumayo siya mula sa higaan niya kaya inalalayan ko siyang makatayo at kinuha ang bag niya.

"A-anong gagawin natin sa i-inyo?" Kinakabahang tanong ko. Si Daniella kasi ang tipo ng babae na medyo impulsive kaya hindi mo maipagkakaila na kung gustuhin niyang gawin ang isang bagay ay gagawin niya talaga nang walang pagdadalawang isip.

"Pagpaplanuhan natin yung tungkol sa upcoming birthday ko. This saturday na yun. Sweet 16."

Birthday niya na pala. Ang saya lang isipin na ikaw ang makakasama ng taong mahal mo sa araw ng kapanganakan niya.

Aalis na sana kami sa emergency room nang maramdaman kong may nag vibrate mula sa bulsa ko kaua kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang message.

From: +639123456789

Kilala ko kung sino ang may pakana nang lahat ng ito. Kung gusto mong malaman, puntahan mo 'ko sa *****. Ikw lng dapat mag-isa.

-KB

Anong klaseng text ito? Anong ibig sabihin ng KB? Sino 'to at anong kinalaman niya sa mga nangyayari ngayon?

Ms. Famous and Mr. Outcast [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora