Night Changes

5.6K 145 24
                                    

Julia. 

Scrimmage na pero hindi pa rin umaayos ang performance ni Jhoana. Ano kayang problema nito? Kanina pa s'ya ganyan. Una, kung hindi outside ang service n'ya, kapos sa net. It's not so her. 

Then, naalala ko, hindi nga pala 'to nakapag-breakfast. Leche kasi 'tong si De Leon, hinarot nang hinarot, hindi tuloy nakakain 'yung isa. 

Pupuntahan ko na sana si Ate Ly para sabihing i-excuse muna si Jho nang bigla naman nang nagpatawag nang cool down si Coach. Apparently, tapos na ang training. Too late.

Nilapitan na ako ni Ate Ella since cool down na. And like me, napansin din n'ya ang off na performance ni Jho. 

"Si Ategurl, nanghihina yata." She said while we were doing the sitting toe touch. 

"Remember, hindi s'ya nakapag-breakfast? Kasalanan ni De Leon." Candy Crush pa. 

"Uy, Julia Melissa, nagseselos ka ba?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ate Ella. Ano na naman 'tong sinasabi n'ya. 

"Alam kong pareho tayong protective kay Jho from Bea dahil pareho tayong may alam sa history ni Bea when it comes to girls."

"Ano ba'ng pinagsasasabi mo d'yan, Ate Ella. Lika na nga, i-massage mo na ako." I lightly told her. Parang hindi ko gusto ang tinatahak ng usapang ito ah.

"Come on. Naikwento mo na ba kay Jho kung bakit hindi na kayo close ni Maddie?" I knew she was going for that. 

"Hindi. Hindi naman na mahalaga 'yun, eh. Civil kami sa isa't isa, ayos na 'yon." Maddie and I had been okay. Wala naman na kaming masyadong pag-uusapan. First of all, we're not in the same circle  except for our teammates. Sina Jho ang palagi kong kasama, s'ya naman sina Trey and Bea. Secondly, I think- even she probably thinks so too- that we have nothing to discuss from where we left off. 

"Eh bakit kay Bea, hindi ka pa rin civil? Masakit pa rin ba, beh?" She's mocking me. This is the price I pay for trusting my secrets with someone. 

"Tigilan mo nga ako. Matagal nang tapos 'yon. And when I told you about it, remember that your promised that you'd keep quiet about it?" Pagpapaalala ko sa kanya. Mahirap na, mamaya may makarinig pa sa amin. 

"Ikaw naman, hindi ko naman explicitly sinasabi. Gusto ko lang din naman malaman, kung ano na nga ba'ng nangyari sa inyo ni Bea. Akala mo hindi ko nakita 'yung kanina. Eh, halos masaktan si De Leon mula sa sama ng tingin mo." Eh why didn't you come rescue me? Ibang klaseng kaibigan din talaga 'tong Ate Ella eh. Papanoorin ka munang magkamali bago ka tulungan.

Tumahimik muna ako sandali bago ko hinarap si Ate Ella. Tapos na ako with the cool down. "I just see myself in her so much. I don't want the same disappointments to happen to her."

And with that, I stood up and asked to be excused. Sa dorm na lang siguro ako mag-shshower. I was so distracted with my feelings that I forgot to check up on my best friend. Siguro I'll buy her breakfast, kainin na lang n'ya pagdating sa dorm. 

~~~~~~~~~~~~

Jhoana. 

After I was done eating and Bea done watching me eat, sabay na kami bumalik sa dorm. Habang naglalakad, hindi ko napigilan itanong sa kanya ang tungkol sa kanila ni Maddie. Bakit, we're starting a new friendship might as well we knew kung ano'ng meron sa kanila, 'di ba? Lalo pa ngayon na palaging beastmode sina Ate Ella and Jia about us. 

"What do you think we are?" Tiningnan n'ya 'ko nang katulad noon sa museum- that look that makes you want to say the better answers. 

In all honesty, hindi ko alam ang isasagot ko. I've been hearing a lot of things mula sa ibang tao pero hindi naman yata na sagutin ko s'ya nang chismis lang. Si Bea 'yan, she wants people's true opinions. 

Player of the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon