Track 22: Walang Hanggan (Quest)

6.5K 124 58
                                    

Jhoana. 

I feel lost—more so than ever. 

Kanina lang I was so busy admiring the greenery, trying to memorize it—an activity which seemed to be so pointless. Pero ngayon, walking around, having no idea on where to go, parang it suddenly paid off. 

Naglakad-lakad ako. Malayo— ni hindi ko natatandaang nadaanan namin kanina ang ilang gusaling ngayon ay aking nilalampasan. Truly, UP Diliman is huge. How does one student finds his or her classes amongst these bended streets? 

Mas inuna kong isipin ang ibang bagay dahil kung babalik ako sa pag-alaala ng mga nakita ko ay baka hindi ko na rin kayanin ang maglakad, kung ang paghinga nga ay mahirap nang gawin. Ang bawat pagtulak ng hangin mula sa aking sistema ay tila napipinid, naiipit sa galit na kanina kong naramdaman—mali, hindi lamang kanina ngunit matagal ko na itong naipon— matagal ko na itong kinikimkim. 

She left without saying goodbye. Without a clue, without a warning—her soft kisses on my body made it hard for me to believe that she'd be gone soon but then she was. I was left in that hotel room alone and without my comfort. 

I have never felt so afraid of the morning until then. I felt betrayed by the sunrise. I felt bypassed by the breeze. Pinilit kong tanggapin ang kawalan nang umagang 'yon. Sinabi ko sa sarili ko, "Jhoana, 'wag ka nang magtanong. Mapapagod ka lang. Maghihintay ka na naman sa wala." 

Kahit masakit. Kahit nakamamatay. Kahit parang hindi ko na aabutan ang bukas. 

Yayakapin mo 'ko nang mahigpit, hahagkan, at bubulungan ng malalambing mong salita pagkatapos ay ano? Aalis ka? Aalis ka nang hindi man lang nagpapaalam— nang hindi mo man lang sasabihin sa akin kung saan ka pupunta. Kailan ka babalik? Babalik ka pa ba? 

At sa mga sumunod na araw ay ni wala man lamang tawag. Kahit isang "Kumusta ka?" O kaya kwentuhan mo na lang ulit ako. 

Bea, kahit kwentuhan mo na lang ulit ako. 

Kumusta ba ang araw mo? Kumain ka na ba? Sino'ng kasama mo? Gusto kong malaman kung maayos ka ba, ano'ng ginagawa mo? 

Gising na gising pa rin ako sa gabi, naghihintay— nagbabakasakaling maalala mo rin naman akong tawagan. Balitaan. Kwentuhan na parang dati lang. Kausapin ulit na parang isang matalik mong kaibagan. 

Do I really deserve it from you? Bakit ba hindi ka nagsasawa  na itapon ako kasama ng mga anino? Na iwan ako sa dilim? 

Now, we welcome a new development to the story. 

She posted a series of pictures— a memory lane. There was a girl. A coffee shop. A lipstick smudge. Ano na naman 'yon, Bea? Hindi na naman ako makasunod sa'yo. 

Sino s'ya? Ano s'ya sa buhay mo? 

You don't fill me with intimacy and confuse me with fallacies. Why are you doing this to me, Bea?

Sa dinami-dami ng katanungan na naglalaro sa aking isip, ni isa ay wala akong nakuhang sagot. Ni isa sa mga taong nakapaligid sa akin ay hindi ako mabigyan ng malinaw na paliwanag.

Napasapo ako sa aking ulo. Ang sabi ko nga pala ay ayoko nang mag-isip nang tungkol sa kanya. Paano ko ba dapat gawin 'yon? 

"Sila ang patuloy na dumudukot, pumapatay at lumalabag sa karapatan ng mga ordinaryong mamamayan..." napatigil ako sa paglalakad nang mapansin ko kung nasaan na ako. 

I am in front of the renowned Palma Hall. I stared at the whitewashed building for a moment before shifting my focus to the more eminent element of the scenario: people lined up along the steps holding what seem to me  are mugshots of different persons. Hindi lamang estudyante ngunit may mga ibang taong taga-labas ng UP ang kasama rin sa nagaganap na rally. 

Player of the GameWhere stories live. Discover now