Track 34: Game of Questions (I Belong to the Zoo)

1.5K 35 47
                                    

J H O A N A

"There's more to this story pero isa lang naman ang pinupunto ko. Jho, I've always been here. Watching you wander. Watching you find yourself. I've been here longer than you've known. For so long all I wanted was to be your friend. To know firsthand how it feels to take care of you. I have fought for you in the safest saddest distances."

Should I feel flattered, Beatriz? Dapat ba akong magtatalon sa tuwa kasi nalaman ko na baka pareho tayo ng nararamdaman?

Gusto kong matuwa. Sa totoo lang, Bea, gustung gusto kita hagkan nang mahigpit. Nais rin kitang kwentuhan tungkol sa gabing 'yon—sa kung paano hindi ako nakatulog nang maayos buong byahe dahil pinapanood lang kita magmaneho.

Bea, ang dami-dami ko ring gustong sabihin sa'yo.

Ang sarap sanang isiwalat ng kalawakan ng aking isip habang mahigpit kong hawak ang mga kamay mo. Ihihilig ko ang katawan ko sa'yo habang sabay tayong nakikinig sa kabuluhan ng mundo.

Pero kasi...

Paano ko naman magagawa 'yon kung sa tuwing babaling ako sa'yo, nakikita ko si Fel. Magkayap kayo, nakasiksik ka sa bawat sulok ng pagkatao n'ya.

The rain outside seemed like bullets aiming hard at us. Nakakabinging pakinggan ang mabilis na pintig sa aking dibdib at ang magkasabay nating paghikbi.

My skin stung from the feel of your jacket enveloped around me. Para akong pinapaso nang paulit ulit gamit ang isang sobrang mainit na bagay. 

Your scent nauseated me like how chronic fears haunt the adversed at 2am.

Your nearness felt like betrayal.

Mabilis kong hinubad ang jacket mo at itinapon sa likod ng sasakyan. Pakiramdam ko kasi ay sinasakal ako. Ibinibigti na yata ako ng sarili nating mga multo.

Nagsimula na akong umiyak nang malakas. Hindi ko na kasi kayang pigilan, Beatriz. Parang sasabog na naman ako. Halos suntukin ko na ang dibdib ko sa sobrang kagustuhan kong tumigil ang lahat.

Pagud na pagod na akong umiyak, Beatriz. Paano ba 'to patigilin?

"Jho, tahan na. Please." Kung alam mo lang kung gaano ko gustung gusto nang tumahan.

Walang tigil ang ulan. Wala ring tigil ang pagbaha ng luha. Nalulunod na yata ako, hindi na kita marinig. Ni sarili kong mga balahaw ay hindi na masalat ng aking pandinig.

Sinubukan mo akong pigilan. Hinablot mo ang mga nagpupumiglas kong braso. Humigpit ang hawak mo sa parteng pinakamabilis ang aking pulso—doon kung saan kita pinakamararamdaman.

"Kapag ba nakikita mo ako, naaalala mo s'ya?" hindi na magtama ang aking paghinga at pagsasalita.

Hindi ka sumagot. Pero naramdaman kong mas humigpit ang hawak mo sa akin.

"Beatriz, kaya mo ba akong mahalin nang hindi s'ya naaalala?"

Tinitigan mo lang ako. Pinakinggan lang natin pareho ang palalim na palalim na aking mga hikbi. Hindi ka bumitaw pero ramdam kong lumluwag ang iyong pagkakahawak. Ramdam na ramdam pa rin kita.

Bago ka pa tuluyang bumitaw ay nauna na akong kumalas. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at mabilis na mabilis, sinimulan kong tumakbo. Bumaba ka ng sasakyan para habulin ako.

"Stay away from  me!" I screamed through the heavy rain.

I can't remember if there were people around to witness my hysteria. I was so busy picking up speed; taking flight away from my demons—the raptured diffidence of Bea and me.

Player of the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon