Track 24: Tayo Lang ang may Alam (Peryodiko)

4.7K 115 45
                                    

Jhoana.

The world is in shambles. All I can hear is blasphemy hovering over the mist of my consciousness.

"Walang pang final ruling ang Supreme Court, bakit biglang ganyan?"

"Kapag plunder and human rights violation, forgive pero kapag drugs, patay agad? Ibang klase talaga 'tong presidente natin."

"Sana gawin nilang mas malalim ang hukay, 'yung abot hanggang impyerno."

"Marcos is not a hero. Period."

Ito ang mga unang bagay na narinig ko. Kung hindi ako nagkakamali ay sina Jia, Ate Ella, Riri at Maddie and naririnig ko.

Hindi ko pa maimulat ang mga mata ko nang maayos. Mukhang mahaba-habang tulog ang pinanggalingan ko.

"All to serve the whims of one political family. This country is ravaged." Ano'ng nangyayari, bakit parang may national emergency?

I stirred and leaned one side of my body towards the direction of my friends. Medyo naaaninag ko na ang kanilang pigura. Nakaharap sila sa flat-screen tv. Lahat sila ay tutuk na tutok sa kung ano ma'ng pinapanood nila. Kung hindi ako nagkakamali ay nakataas pa nga ang dalawang middle fingers ni Riri habang nanonood.

"Ano'ng meron?" Hirap na sambit ko. Marahil ay masyadong mahina ang aking boses kaya wala ni isa sa kanila ang lumingon sa akin.

"Huy, ano'ng meron?" Tanong ko ulit. Pero mas malakas sa pagkakataong ito.

Kitang kita ko ang sabay-sabay nilang paglingon sa akin. Sabay-sabay ring nanlaki ang kanilang mga mata. Si Ate Ella, literal pang nabitawan ang kinakaing tinapay.

"Jho?" Tanong ni Riri habang naniningkit ang mga mata sa pagsuri sa akin mula sa malayo.

"Jhoana, gising ka na ba?" Dahan-dahan pang nagsalita si Ate Ella habang, katulad ni Riri, ay sinisipat ako mula sa kinauupuan nila.

Ano ba'ng problema nila? Nagtanong ako, 'di ba? Malamang gising ako.

"Ano ba kayo, syempre gising ako. Alangan naman tulog ako habang nagsasalita." Garalgal at nanghihina pa rin ang boses ko.

Dumaan pa siguro ang isa hanggang dalawang segundong katahimikan bago nila napagtantong gising na nga ako. Sabay-sabay nilang sinigaw ang pangalan ko habang tumatakbo papalapit sa kamang kinahihigaan ko.

Well, maliban kay Maddie na naiwang nakaupo sa pwesto nila.

"Gising ka na ba talaga?" Mangiyak ngiyak na sambit ni Ate Ella habang hinahaplos ang mukha ko.

"Buddy, nakilala mo ba kami lahat?" Pagsingit ni Ria sa mga pagngalngal ni Ate Ella.

Si Jia naman ay nakatingin lang sa akin na para bang naluluha.

Nakakapagtaka na ganito sila. Parang gumising lang naman ako mula sa pagkakatulog, ano'ng bago?

Huli na nang napansin kong hindi pala namin dorm room ang kwartong kinalalagyan ko. Sa gitna ng ingay nina Riri at Ate Ella ay pinagmasdan kong mabilis ang paligid. Kapansin-pansin ang Victorian interior ng silid. May dalawang arm chairs sa may bintana. Sa magkabilang tabi ng kama ay may dalawang lamesa, lahat ay punung puno ng rosas na may iba't ibang kulay. Sa ibaba ng mga lamesa ay mga kahun-kahong pagkain at kung hindi ako nagkakamali ay may mga stuffed toys pa na Winnie the Pooh na umaabot ang kalalagayan hanggang sa mga cushioned chairs sa paligid.

Nasaan ako?

Nagpatuloy ang aking pagmamasid hanggang sa magtama ang mga mata namin ni Jia. Bakas sa mga mata n'ya ang lubos na pag-aalala.

Player of the GameWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu