Sa aking pagdilat

2.6K 119 36
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAALALA:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PAALALA:

ANG KWENTONG ITO AY PAWANG KATHANG ISIP LAMANG . ANUMANG PAGKAKAHAWIG SA MGA TAOHAN ,LUGAR AT PANGYAYARI NA NAKAPALOOB SA KWENTONG ITO AY HINDI SINASADYA AT PAWANG AKSIDENTE AT NAGKATAON LAMANG.

COPYRIGHT ©2016 by Lineart21

No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by means , electronic or mechanical, including  photocopying, recording,or by any  information storage and retrieval system without permission to the author.



ERUPA(ang unang pahina)
-Sa aking pagdilat-

Isang madilim na kwarto ang una kong nakita galing sa mahimbing kong pagkakatulog, hindi lubos maintindihan ng isip ko ang lugar na aking minulatan ,isang malawak na espasyo na halos walang laman kundi ang aking higaan. Madilim na madilim na tila nakapikit pa rin ang aking mga mata.

Pinilit kung alalahanin ang nakaraan ngunit walang senyales o bagay na nagpa alala sa akin kung ano ang nangyari , taga saan ako at ano ang aking pangalan.

Nagising ako mundong puno ng kalungkutan.Tahimik ang boung silid at tanging patak ng tubig lamang ang nagbibigay ingay sa lugar, kaya naman nilawakan  ko ang aking paningin at hinanap ang pintuan habang sinusundan ang kakarampot na liwanag palabas ng pintoan.

Naamoy ko ang dugo sa sahig habang sunusundan ang liwanag palabas.

May halong pagkagulantang at pagtataka ang naramdaman ko dahil sa mga nakita ko.

Nakita ko ang nagkalat na mga gamit sa labas , tila lahat ng mga tao na nandito sa lugar ay naguunahang lumabas at parang may kinakatakotan  base sa mga nagkalat na gamit.

Ang nagkalat na dextrose ,sapatos ,bag  na masangsang ang amoy at ang mga gamit na binalot ng dugo ay nakapanglulumong tingnan.

Nagmasid at Hinanap ko ang boung sulok sa pagbabakasakaling may natira pang tao , ngunit isang lakad ko nalang pababa patungo sa elevator ng may pumasok sa isip ko na nagpa kaba  sa pagpunta ko sa lugar na iyon. Natakot ako na sa boung buhay ko at ngayong ko lang naramdaman ang ganitong uri ng takot.

kahit wala akong ma alala sa aking nakaraan at sa lugar na kung saan ako nagising nadama ko na matagal na akong nandito.Matagal na matagal na !at ang bawat makita ko ay nagbibigay ng kurot sa puso ko at takot sa di ko maipaliwanag na dahilan.

Nilakasan ko ang aking loob at pinagpatuloy ang paglalakad , dala dala ang pag-asa sa isip na magiging ok na ang lahat .

Alam kong ako nalang mag isa sa lugar na ito ngunit parang nararamdaman ko na may nakatingin sa akin .

Patuloy ako sa paglalakad sa may eskena palabas  nang bigla kong narinig ang ingay. Nakakatakot na Ingay na parang asong naglalaway at gutom na gutom, pumikit ako sa sobrang takot ngunit inisip ko na parang delekado kong doon ako mananatili at kaylangan kong magtago.

kaya naman agad agad akong lumakad sa gilid kung saan walang ilaw at dun ako naghintay at nagmasid kung ano o sino ang  gumagawa ng ingay.

Dahan dahan silang naglakad papalapit sakin at isa isa silang dumaan sa harap ko.

nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko ang grupo ng mga tao, di ako sigurado sa nakita ko tlaga dahil sa kakarampot na liwanag. Pinigilan ko ang luha ko o kahit na kumilos ay di ko din magawa  dahil sa sobrang takot ko .Ang mga taong dumaan ay tila mga halimaw na di ko alam kung anung nanyari sa kanilang mukha at katawan.
Kakaiba ang kanilang mga anyo ngunit di ko maipaliwanag kong ano sila.

Ilang oras akong nanatili sa gilid ,takot at umiiyak ,Hangang naglaho na ang ingay.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko at paulit ulit na sumasagi sa isip ko ang mukha ng mga taong dumaan , nanlilisik ang kanilang mga mata at ang ngipin at ang bibig ay parang natunaw , yung boung katawan ay parang natabunan ng ketong na binalot ng masangsang na amoy ng dugo, mahina silang kumilos at parang gutom na gutom na .

Nanatili ako sa kinatatayuan ko  at paulit ulit na sumasagi sa isip ko ang mukha ng  mga taong dumaan , nanlilisik  ang kanilang mga mata at ang ngipin  at ang  bibig ay parang natunaw  , yung  boung katawan ay parang natabunan ng  ketong  na bina...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Di ko na maintindihan ang mga nangyayari At patuloy na tumulo ang luha ko nang biglang may tumakip sa bigbig ko ,pinilit kung magpumiglas ngunit nanghina ako at tuluyang nawalan ng malay.

Gusto kong sumigaw ng tulong ngunit di ko na nagawa dahil sa nawalan na ako ng malay.

Erupa   (on Going / Major Major Editing)Where stories live. Discover now